< Mga Awit 120 >
1 Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.
Yon chanson pou monte vè tanp lan Nan gran twoub mwen an, mwen te kriye a SENYÈ a. Li te reponn mwen.
2 Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.
Delivre nanm mwen, O SENYÈ, de lèv k ap bay desepsyon, de lang ki plen manti yo.
3 Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?
Kisa pou W ta resevwa, e kisa pou m ta fè ou, O lang mansonjè?
4 Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro.
Flèch pwent file a gèrye yo, avèk chabon pye gayak tou limen.
5 Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
Malè a mwen, paske mwen demere nan tant a Méschec, Paske mwen rete pami tant a Kédar yo!
6 Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
Nanm mwen gen demè li avèk (sila) ki rayi lapè yo pandan twòp tan.
7 Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.
Mwen vle lapè, men lè m pale, se lagè yo pito.