< Mga Awit 118 >
1 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Славте Господа, бо Він добрий, бо навіки Його милосердя.
2 Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Нехай скаже Ізраїль: «Бо навіки Його милосердя!»
3 Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Нехай скаже дім Ааронів: «Бо навіки Його милосердя!»
4 Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Нехай скажуть ті, що бояться Господа: «Бо навіки Його милосердя!»
5 Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako.
Із тісноти покликав я Господа – Господь відповів мені, [вивів мене] на просторе місце.
6 Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin?
Господь зі мною – не боятимуся! Що зробить мені людина?
7 Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
Господь зі мною, щоб допомагати мені – буду дивитися [переможно] на моїх ненависників.
8 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
Краще захисту шукати в Господа, ніж надіятися на людину.
9 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
Краще захисту шукати в Господа, ніж надіятися на шляхетних [мужів].
10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay (sila)
Усі народи оточили мене, та іменем Господнім я знищив їх.
11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay (sila)
Оточили мене, обступили з усіх боків, та іменем Господнім я знищив їх.
12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay (sila)
Оточили мене, як бджоли, та згасли, немов вогонь у терені: іменем Господнім я знищив їх.
13 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon.
Ти штовхнув мене, [вороже], так сильно, щоб я впав, та Господь допоміг мені.
14 Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
Сила моя і пісня моя – Господь; Він став моїм спасінням.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
Голос радості й перемоги в наметах праведників: правиця Господня діє могутньо!
16 Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
Правиця Господня піднята вгору, правиця Господня діє могутньо!
17 Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
Не помру, але буду жити й розповідати про діяння Господа.
18 Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
Господь покарав мене тяжко, та не віддав мене на смерть.
19 Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
Відчиніть мені брами правди, я увійду до них, прославлю Господа.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid.
Це брама Господня, у яку входять праведні.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan.
Прославлю Тебе, бо Ти відповів мені й став моїм спасінням.
22 Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok.
Камінь, який відкинули будівничі, став наріжним каменем!
23 Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
Від Господа це було, як дивно це в очах наших!
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
Цей день створив Господь: веселімося й радіймо сьогодні!
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
О Господи, врятуй же, о Господи, даруй нам успіх!
26 Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
Благословенний Той, Хто йде в ім’я Господа! Благословляємо вас із дому Господнього!
27 Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana.
Бог – це Господь, і Він осяяв нас. В’яжіть мотузками жертву святкову, ведіть до рогів жертовника.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
Ти – мій Бог, і я прославлю Тебе. Боже мій, я величатиму Тебе.
29 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Славте Господа, бо Він добрий, бо навіки Його милосердя.