< Mga Awit 115 >

1 Huwag sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin, kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
Ikkje oss, Herre, ikkje oss, men ditt namn gjeve du æra for di miskunn, for din truskap skuld!
2 Bakit sasabihin ng mga bansa, Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
Kvifor skal heidningarne segja: «Kvar er no deira Gud?»
3 Nguni't ang aming Dios ay nasa mga langit: kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
Vår Gud er då i himmelen, alt det han vil, gjer han.
4 Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.
Deira avgudar er sylv og gull, eit verk av menneskjehender.
5 Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi nangagsasalita; mga mata'y mayroon (sila) nguni't hindi (sila) nangakakakita;
Dei hev munn, men talar ikkje, dei hev augo, men ser ikkje;
6 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi (sila) nangakakarinig; mga ilong ay mayroon (sila) nguni't hindi (sila) nangakakaamoy;
dei hev øyro, men høyrer ikkje, dei hev nos, men luktar ikkje.
7 Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi (sila) nangakatatangan; mga paa ay mayroon (sila) nguni't hindi (sila) nangakalalakad; ni nangagsasalita man (sila) sa kanilang ngalangala.
Med sine hender grip dei ikkje, med sine føter gjeng dei ikkje, dei hev ikkje mål i strupen.
8 Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
Som desse er, vert dei som lagar deim, alle som set si lit til deim.
9 Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
Israel, lit på Herren! Han er deira hjelp og skjold.
10 Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
Arons hus, lit på Herren! Han er deira hjelp og skjold.
11 Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon; siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
De som ottast Herren, lit på Herren! Han er deira hjelp og skjold.
12 Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo: kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Israel, kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
Herren kom oss i hug, han skal velsigna, han skal velsigna Israels hus, han skal velsigna Arons hus,
13 Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon, ang mababa at gayon ang mataas.
han skal velsigna deim som ottast Herren, dei små med dei store.
14 Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit, kayo at ang inyong mga anak.
Herren late dykk auka, dykk og dykkar born!
15 Pinagpala kayo ng Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
Velsigna er de av Herren, han som skapte himmel og jord.
16 Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
Himmelen er himmel for Herren, men jordi hev han gjeve menneskjeborni.
17 Ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon, ni sinomang nabababa sa katahimikan;
Dei daude lovar ikkje Herren, ingen av deim som stig ned i stilla.
18 Nguni't aming pupurihin ang Panginoon mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan. Purihin ninyo ang Panginoon.
Men me skal lova Herren frå no og til æveleg tid. Halleluja!

< Mga Awit 115 >