< Mga Awit 11 >
1 Sa Panginoon ay nanganganlong ako: ano't inyong sinasabi sa aking kaluluwa, tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok?
Dāvida dziesma. Dziedātāju vadonim. Es paļaujos uz To Kungu. Kā tad jūs sakāt uz manu dvēseli: skrej uz saviem kalniem kā putns!
2 Sapagka't, narito, binalantok ng masama ang busog, kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso,
Jo redzi, bezdievīgie uzvelk stopu, tie liek savas bultas uz auklām, slepeni šaut tos, kas sirds taisni.
3 Kung ang mga patibayan ay masira, anong magagawa ng matuwid?
Jo pamati top nopostīti; ko darīs taisnais?
4 Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo, ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit; ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao.
Tas Kungs ir Savā svētā namā, Tā Kunga godības krēsls ir debesīs, Viņa acis skatās, Viņa acu skati pārmana cilvēku bērnus.
5 Sinusubok ng Panginoon ang matuwid; nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.
Tas Kungs pārbauda taisno, bet bezdievīgo un varas darbu mīļotāju Viņa dvēsele ienīst.
6 Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro.
Pār bezdievīgiem Viņš liks līt valgiem, ugunij un sēram, un varena vētra būs viņu daļa.
7 Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; minamahal niya ang katuwiran: Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.
Jo Tas Kungs ir taisns, Viņš mīļo taisnību, Viņa vaigs uzlūko taisno.