< Mga Awit 108 >

1 Ang aking puso'y matatag, Oh Dios; ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.
ᾠδὴ ψαλμοῦ τῷ Δαυιδ ἑτοίμη ἡ καρδία μου ὁ θεός ἑτοίμη ἡ καρδία μου ᾄσομαι καὶ ψαλῶ ἐν τῇ δόξῃ μου
2 Kayo'y gumising, salterio at alpa: ako ma'y gigising na maaga.
ἐξεγέρθητι ψαλτήριον καὶ κιθάρα ἐξεγερθήσομαι ὄρθρου
3 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan: at ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
ἐξομολογήσομαί σοι ἐν λαοῖς κύριε καὶ ψαλῶ σοι ἐν ἔθνεσιν
4 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit, at ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga alapaap.
ὅτι μέγα ἐπάνω τῶν οὐρανῶν τὸ ἔλεός σου καὶ ἕως τῶν νεφελῶν ἡ ἀλήθειά σου
5 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit: at ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.
ὑψώθητι ἐπὶ τοὺς οὐρανούς ὁ θεός καὶ ἐπὶ πᾶσαν τὴν γῆν ἡ δόξα σου
6 Upang ang iyong minamahal ay maligtas, magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
ὅπως ἂν ῥυσθῶσιν οἱ ἀγαπητοί σου σῶσον τῇ δεξιᾷ σου καὶ ἐπάκουσόν μου
7 Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.
ὁ θεὸς ἐλάλησεν ἐν τῷ ἁγίῳ αὐτοῦ ὑψωθήσομαι καὶ διαμεριῶ Σικιμα καὶ τὴν κοιλάδα τῶν σκηνῶν διαμετρήσω
8 Galaad ay akin; Manases ay akin; ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo: Juda'y aking cetro.
ἐμός ἐστιν Γαλααδ καὶ ἐμός ἐστιν Μανασση καὶ Εφραιμ ἀντίλημψις τῆς κεφαλῆς μου Ιουδας βασιλεύς μου
9 Moab ay aking hugasan; sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak: sa Filistia ay hihiyaw ako.
Μωαβ λέβης τῆς ἐλπίδος μου ἐπὶ τὴν Ιδουμαίαν ἐκτενῶ τὸ ὑπόδημά μου ἐμοὶ ἀλλόφυλοι ὑπετάγησαν
10 Sinong magpapasok sa akin sa bayang nakukutaan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
τίς ἀπάξει με εἰς πόλιν περιοχῆς τίς ὁδηγήσει με ἕως τῆς Ιδουμαίας
11 Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin, at hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?
οὐχὶ σύ ὁ θεός ὁ ἀπωσάμενος ἡμᾶς καὶ οὐκ ἐξελεύσῃ ὁ θεός ἐν ταῖς δυνάμεσιν ἡμῶν
12 Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.
δὸς ἡμῖν βοήθειαν ἐκ θλίψεως καὶ ματαία σωτηρία ἀνθρώπου
13 Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan: sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.
ἐν τῷ θεῷ ποιήσομεν δύναμιν καὶ αὐτὸς ἐξουδενώσει τοὺς ἐχθροὺς ἡμῶν

< Mga Awit 108 >