< Mga Awit 107 >

1 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Alleluia. Confitemini Domino quoniam bonus: quoniam in sæculum misericordia eius.
2 Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
Dicant qui redempti sunt a Domino, quos redemit de manu inimici: et de regionibus congregavit eos:
3 At mga pinisan mula sa mga lupain, mula sa silanganan, at mula sa kalunuran, mula sa hilagaan at mula sa timugan.
A solis ortu, et occasu: ab Aquilone, et mari.
4 Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
Erraverunt in solitudine in inaquoso: viam civitatis habitaculi non invenerunt,
5 Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
Esurientes, et sitientes: anima eorum in ipsis defecit.
6 Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
Et clamaverunt ad Dominum cum tribularentur: et de necessitatibus eorum eripuit eos.
7 Pinatnubayan naman niya (sila) sa matuwid na daan, upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.
Et deduxit eos in viam rectam: ut irent in civitatem habitationis.
8 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
Confiteantur Domino misericordiæ eius: et mirabilia eius filiis hominum.
9 Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
Quia satiavit animam inanem: et animam esurientem satiavit bonis.
10 Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw;
Sedentes in tenebris, et umbra mortis: vinctos in mendicitate, et ferro.
11 Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan:
Quia exacerbaverunt eloquia Dei: et consilium Altissimi irritaverunt.
12 Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo.
Et humiliatum est in laboribus cor eorum: infirmati sunt, nec fuit qui adiuvaret.
13 Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
Et clamaverunt ad Dominum cum tribularentur: et de necessitatibus eorum liberavit eos.
14 Inilabas niya (sila) sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali.
Et eduxit eos de tenebris, et umbra mortis: et vincula eorum dirupit.
15 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
Confiteantur Domino misericordiæ eius: et mirabilia eius filiis hominum.
16 Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal.
Quia contrivit portas æreas: et vectes ferreos confregit.
17 Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang, at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
Suscepit eos de via iniquitatis eorum: propter iniustitias enim suas humiliati sunt.
18 Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain; at sila'y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan,
Omnem escam abominata est anima eorum: et appropinquaverunt usque ad portas mortis.
19 Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
Et clamaverunt ad Dominum cum tribularentur: et de necessitatibus eorum liberavit eos.
20 Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling (sila) at iniligtas (sila) sa kanilang mga ikapapahamak.
Misit verbum suum, et sanavit eos: et eripuit eos de interitionibus eorum.
21 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
Confiteantur Domino misericordiæ eius: et mirabilia eius filiis hominum.
22 At mangaghandog (sila) ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
Et sacrificent sacrificium laudis: et annuncient opera eius in exultatione.
23 Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, na nangangalakal sa mga malawak na tubig;
Qui descendunt mare in navibus, facientes operationem in aquis multis.
24 Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman.
Ipsi viderunt opera Domini, et mirabilia eius in profundo.
25 Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon.
Dixit, et stetit spiritus procellæ: et exaltati sunt fluctus eius.
26 Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman: ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan.
Ascendunt usque ad cælos, et descendunt usque ad abyssos: anima eorum in malis tabescebat.
27 Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, at ang kanilang karunungan ay nawala.
Turbati sunt, et moti sunt sicut ebrius: et omnis sapientia eorum devorata est.
28 Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at inilabas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
Et clamaverunt ad Dominum cum tribularentur, et de necessitatibus eorum eduxit eos.
29 Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik.
Et statuit procellam eius in auram: et siluerunt fluctus eius.
30 Nang magkagayo'y natutuwa (sila) dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala (sila) sa daongang kanilang ibigin.
Et lætati sunt quia siluerunt: et deduxit eos in portum voluntatis eorum.
31 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
Confiteantur Domino misericordiæ eius: et mirabilia eius filiis hominum.
32 Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, at purihin siya sa upuan ng mga matanda.
Et exaltent eum in Ecclesia plebis: et in cathedra seniorum laudent eum.
33 Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog, at uhaw na lupa ang mga bukal:
Posuit flumina in desertum: et exitus aquarum in sitim.
34 Na maalat na ilang ang mainam na lupain, dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
Terram fructiferam in salsuginem, a malitia inhabitantium in ea.
35 Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang, at mga bukal ang tuyong lupain.
Posuit desertum in stagna aquarum: et terram sine aqua in exitus aquarum.
36 At kaniyang pinatatahan doon ang gutom, upang makapaghanda (sila) ng bayang tahanan;
Et collocavit illic esurientes: et constituerunt civitatem habitationis.
37 At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan, at magtamo ng mga bunga na pakinabang.
Et seminaverunt agros, et plantaverunt vineas: et fecerunt fructum nativitatis.
38 Kaniya namang pinagpapala (sila) na anopa't sila'y lubhang nagsisidami; at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang.
Et benedixit eis, et multiplicati sunt nimis: et iumenta eorum non minoravit.
39 Muli, sila'y nakulangan at nahapay sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan.
Et pauci facti sunt: et vexati sunt a tribulatione malorum, et dolore.
40 Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo, at kaniyang pinagagala (sila) sa ilang na walang lansangan.
Effusa est contemptio super principes: et errare fecit eos in invio, et non in via.
41 Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian, at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan.
Et adiuvit pauperem de inopia: et posuit sicut oves familias.
42 Makikita ng matuwid, at matutuwa; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig.
Videbunt recti, et lætabuntur: et omnis iniquitas oppilabit os suum.
43 Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.
Quis sapiens et custodiet hæc? et intelliget misericordias Domini?

< Mga Awit 107 >