< Mga Awit 107 >

1 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Halleluja! Lov HERREN, thi han er god, thi hans Miskundhed varer evindelig!
2 Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
Saa skal HERRENS genløste sige, de, han løste af Fjendens Haand
3 At mga pinisan mula sa mga lupain, mula sa silanganan, at mula sa kalunuran, mula sa hilagaan at mula sa timugan.
og samlede ind fra Landene, fra Øst og Vest, fra Nord og fra Havet.
4 Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
I den øde Ørk for de vild, fandt ikke Vej til beboet By,
5 Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
de led baade Sult og Tørst, deres Sjæl var ved at vansmægte;
6 Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
men de raabte til HERREN i Nøden, han frelste dem af deres Trængsler
7 Pinatnubayan naman niya (sila) sa matuwid na daan, upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.
og førte dem ad rette Vej, saa de kom til beboet By.
8 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
Lad dem takke HERREN for hans Miskundhed, for hans Underværker mod Menneskens Børn.
9 Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
Thi han mætted den vansmægtende Sjæl og fyldte den sultne med godt.
10 Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw;
De sad i Mulm og Mørke, bundne i Pine og Jern,
11 Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan:
fordi de havde staaet Guds Ord imod og ringeagtet den Højestes Raad.
12 Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo.
Deres Hjerte var knuget af Kummer, de faldt, der var ingen, som hjalp;
13 Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
men de raabte til HERREN i Nøden, han frelste dem af deres Trængsler,
14 Inilabas niya (sila) sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali.
førte dem ud af Mørket og Mulmet og sønderrev deres Baand.
15 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
Lad dem takke HERREN for hans Miskundhed, for hans Underværker mod Menneskens Børn.
16 Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal.
Thi han sprængte Døre af Kobber og sønderslog Slaaer af Jern.
17 Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang, at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
De sygnede hen for Synd og led for Brødes Skyld,
18 Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain; at sila'y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan,
de væmmedes ved al Slags Mad, de kom Dødens Porte nær;
19 Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
men de raabte til HERREN i Nøden, han frelste dem af deres Trængsler,
20 Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling (sila) at iniligtas (sila) sa kanilang mga ikapapahamak.
sendte sit Ord og lægede dem og frelste deres Liv fra Graven.
21 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
Lad dem takke HERREN for hans Miskundhed, for hans Underværker mod Menneskens Børn
22 At mangaghandog (sila) ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
og ofre Lovprisningsofre og med Jubel forkynde hans Gerninger.
23 Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, na nangangalakal sa mga malawak na tubig;
De for ud paa Havet i Skibe, drev Handel paa vældige Vande,
24 Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman.
blev Vidne til HERRENS Gerninger, hans Underværker i Dybet;
25 Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon.
han bød, og et Stormvejr rejste sig, Bølgerne taarnedes op;
26 Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman: ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan.
mod Himlen steg de, i Dybet sank de, i Ulykken svandt deres Mod;
27 Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, at ang kanilang karunungan ay nawala.
de tumled og raved som drukne, borte var al deres Visdom;
28 Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at inilabas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
men de raabte til HERREN i Nøden, han frelste dem af deres Trængsler,
29 Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik.
skiftede Stormen til Stille, saa Havets Bølger tav;
30 Nang magkagayo'y natutuwa (sila) dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala (sila) sa daongang kanilang ibigin.
og glade blev de, fordi det stilned; han førte dem til Havnen, de søgte.
31 Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
Lad dem takke HERREN for hans Miskundhed, for hans Underværker mod Menneskens Børn,
32 Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, at purihin siya sa upuan ng mga matanda.
ophøje ham i Folkets Forsamling og prise ham i de Ældstes Kreds!
33 Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog, at uhaw na lupa ang mga bukal:
Floder gør han til Ørken og Kilder til øde Land,
34 Na maalat na ilang ang mainam na lupain, dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
til Saltsteppe frugtbart Land for Ondskabens Skyld hos dem, som bor der.
35 Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang, at mga bukal ang tuyong lupain.
Ørken gør han til Vanddrag, det tørre Land til Kilder;
36 At kaniyang pinatatahan doon ang gutom, upang makapaghanda (sila) ng bayang tahanan;
der lader han sultne bo, saa de grunder en By at bo i,
37 At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan, at magtamo ng mga bunga na pakinabang.
tilsaar Marker og planter Vin og høster Afgrødens Frugt.
38 Kaniya namang pinagpapala (sila) na anopa't sila'y lubhang nagsisidami; at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang.
Han velsigner dem, de bliver mange, han lader det ikke skorte paa Kvæg.
39 Muli, sila'y nakulangan at nahapay sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan.
De bliver faa og segner under Modgangs og Kummers Tryk,
40 Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo, at kaniyang pinagagala (sila) sa ilang na walang lansangan.
han udøser Haan over Fyrster og lader dem rave i vejløst Øde.
41 Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian, at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan.
Men han løfter den fattige op af hans Nød og gør deres Slægter som Hjorde;
42 Makikita ng matuwid, at matutuwa; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig.
de oprigtige ser det og glædes, men al Ondskab lukker sin Mund.
43 Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.
Hvo som er viis, han mærke sig det og lægge sig HERRENS Naade paa Sinde!

< Mga Awit 107 >