< Mga Awit 106 >

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
ヱホバをほめたたへヱホバに感謝せよ そのめぐみはふかくその憐憫はかぎりなし
2 Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
たれかヱホバの力ある事跡をかたり その讃べきことを悉とくいひあらはし得んや
3 Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
審判をまもる人々つねに正義をおこなふ者はさいはひなり
4 Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:
ヱホバよなんぢの民にたまふ惠をもて我をおぼえ なんぢの救をもてわれに臨みたまへ
5 Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
さらば我なんぢの撰びたまへる者のさいはひを見 なんぢの國の歓喜をよろこび なんぢの嗣業とともに誇ることをせん
6 Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang, kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
われら列祖とともに罪ををかせり 我儕よこしまをなし惡をおこなへり
7 Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
われらの列祖はなんぢがエジプトにてなしたまへる奇しき事跡をさとらず 汝のあはれみの豊かなるを心にとめず 海のほとり即ち紅海のほとりにて逆きたり
8 Gayon ma'y iniligtas niya (sila) dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
されどヱホバはその名のゆゑをもて彼等をすくひたまへり こは大なる能力をしらしめんとてなり
9 Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo: sa gayo'y pinatnubayan niya (sila) sa mga kalaliman, na parang ilang.
また紅海を叱咤したまひたれば乾きたり かくて民をみちびきて野をゆくがごとくに淵をすぎしめ
10 At iniligtas niya (sila) sa kamay ng nangagtatanim sa kanila, at tinubos niya (sila) sa kamay ng kaaway.
恨むるものの手よりかれらをすくひ 仇の手よりかれらを贖ひたまへり
11 At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway: walang nalabi sa kanila kahit isa.
水その敵をおほひたればその一人だにのこりし者なかりき
12 Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita; inawit nila ang kaniyang kapurihan.
このとき彼等そのみことばを信じその頌美をうたへり
13 Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi (sila) naghintay sa kaniyang payo:
彼等しばしがほどにその事跡をわすれその訓誨をまたず
14 Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang.
野にていたくむさぼり荒野にて神をこころみたりき
15 At binigyan niya (sila) ng kanilang hiling; nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
ヱホバはかれらの願欲をかなへたまひしかど その霊魂をやせしめたまへり
16 Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon.
たみは營のうちにてモーセを嫉みヱホパの聖者アロンをねたみしかば
17 Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram.
地ひらけてダタンを呑みアビラムの黨類をおほひ
18 At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama,
火はこのともがらの中にもえおこり熖はあしき者をやきつくせり
19 Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo.
かれらはホレブの山にて犢をつくり鑄たる像ををがみたり
20 Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
かくの如くおのが榮光をかへて草をくらふ牛のかたちに似す
21 Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
救主なる神はエジプトにて大なるわざをなし
22 Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham, at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
ハムの地にて奇しき事跡をなし紅海のほとりにて懼るべきことを爲たまへり かれは斯る神をわすれたり
23 Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin (sila) kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak, upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin (sila)
この故にヱホバかれらを亡さんと宣まへり されど神のえらみたまへる者モーセやぶれの間隙にありてその前にたちその烈怒をひきかへして滅亡をまぬかれしめたり
24 Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain, hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
かれら美しき地を蔑しそのみことばを信ぜず
25 Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
剰さへその幕屋にてつぶやきヱホバの聲をもきかざりき
26 Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila, na kaniyang ibubulid (sila) sa ilang:
この故に手をあげて彼等にむかひたまへり これ野にてかれらを斃れしめんとし
27 At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa, at pangalatin (sila) sa mga lupain.
又もろもろの國のうちにてその裔をたふれしめ もろもろの地にかれらを散さんとしたまへるなり
28 Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor, at nagsikain ng mga hain sa mga patay.
彼らはバアルベオルにつきて死るものの祭物をくらひたり
29 Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa; at ang salot ay lumitaw sa kanila.
斯のごとくその行爲をもてヱホバの烈怒をひきいだしければえやみ侵しいりたり
30 Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan: at sa gayo'y tumigil ang salot.
そのときピネハスたちて裁判をなせり かくて疫癘はやみぬ
31 At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
ピネハスは萬代までとこしへにこのことを義とせられたり
32 Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
民メリバの水のほとりにてヱホバの烈怒をひきおこししかば かれらの故によりてモーセも禍害にあへり
33 Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
かれら神の霊にそむきしかばモーセその口唇にて妄にものいひたればなり
34 Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
かれらはヱホバの命じたまへる事にしたがはずしてもろもろの民をほろぼさず
35 Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa:
反てもろもろの國人とまじりをりてその行爲にならひ
36 At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging silo sa kanila:
おのが羂となりしその偶像につかへたり
37 Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
かれらはその子女を鬼にささぐ
38 At nagbubo ng walang salang dugo, sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae, na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan; at ang lupain ay nadumhan ng dugo.
罪なき血すなはちカナンの偶像にささげたる己がむすこむすめの血をながしぬ 斯てくには血にてけがされたり
39 Ganito (sila) nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
またそのわざは自己をけがし そのおこなふところは姦淫なり
40 Kaya't nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
このゆゑにヱホバの怒その民にむかひて起り その嗣業をにくみて
41 At ibinigay niya (sila) sa kamay ng mga bansa; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
かれらをもろもろの國の手にわたしたまへり 彼等はおのれを恨るものに制へられ
42 Pinighati naman (sila) ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
おのれの仇にしへたげられ その手の下にうちふせられたり
43 Madalas na iligtas niya (sila) nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa (sila) sa kanilang kasamaan.
ヱホバはしばしば助けたまひしかどかれらは謀略をまうけて逆き そのよこしまに卑くせられたり
44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
されどヱホバはかれらの哭聲をききたまひしとき その患難をかへりみ
45 At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan, at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
その契約をかれらの爲におもひいだし その憐憫のゆたかなるにより聖意をかへさせ給ひて
46 Ginawa naman niyang sila'y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
かれらを己がとりこにせられたる者どもに憐まるることを得しめたまへり
47 Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios, at pisanin mo kami na mula sa mga bansa, upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan, at mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
われらの神ヱホバよ われらをすくひて列邦のなかより取集めたまへ われらは聖名に謝し なんぢのほむべき事をほこらん
48 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sabihin ng buong bayan, Siya nawa. Purihin ninyo ang Panginoon.
イスラエルの神ヱホバはとこしへより永遠までほむべきかな すべての民はアーメンととなふべし ヱホバを讃稱へよ

< Mga Awit 106 >