< Mga Awit 104 >

1 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.
Min sjæl, lov HERREN! HERRE min Gud, du er saare stor! Du er klædt i Højhed og Herlighed,
2 Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing:
hyllet i Lys som en Kappe! Himlen spænder du ud som et Telt;
3 Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:
du hvælver din Højsal i Vandene, gør Skyerne til din Vogn, farer frem paa Vindens Vinger;
4 Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy:
Vindene gør du til Sendebud, Ildsluer til dine Tjenere!
5 Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man,
Du fæsted Jorden paa dens Grundvolde, aldrig i Evighed rokkes den;
6 Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok.
Verdensdybet hylled den til som en Klædning, Vandene stod over Bjerge.
7 Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis (sila)
For din Trusel flyede de, skræmtes bort ved din Tordenrøst,
8 Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila.
for op ad Bjerge og ned i Dale til det Sted, du havde beredt dem;
9 Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan; upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.
du satte en Grænse, de ej kommer over, saa de ikke igen skal tilhylle Jorden.
10 Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis; nagsisiagos sa gitna ng mga bundok:
Kilder lod du rinde i Dale, hen mellem Bjerge flød de;
11 Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang; nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno.
de læsker al Markens Vildt, Vildæsler slukker deres Tørst;
12 Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid, sila'y nagsisiawit sa mga sanga.
over dem bygger Himlens Fugle, mellem Grenene lyder deres Kvidder.
13 Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid: ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa.
Fra din Højsal vander du Bjergene, Jorden mættes fra dine Skyer;
14 Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao: upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa:
du lader Græs gro frem til Kvæget og Urter til Menneskets Tjeneste, saa du frembringer Brød af Jorden
15 At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.
og Vin, der glæder Menneskets Hjerte, og lader Ansigtet glinse af Olie, og Brødet skal styrke Menneskets Hjerte.
16 Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog; ang mga sedro sa Libano, na kaniyang itinanim;
HERRENS Træer bliver mætte, Libanons Cedre, som han har plantet,
17 Na pinamumugaran ng mga ibon: tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay.
hvor Fuglene bygger sig Rede; i Cypresser har Storken sin Bolig.
18 Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing; ang mga malalaking bato ay kanlungan ng mga coneho.
Højfjeldet er for Stenbukken, Klipperne Grævlingens Tilflugt.
19 Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.
Du skabte Maanen for Festernes Skyld, Solen kender sin Nedgangs Tid;
20 Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi; na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat.
du sender Mørke, Natten kommer, da rører sig alle Skovens Dyr;
21 Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila, at hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain.
de unge Løver brøler efter Rov, de kræver deres Føde af Gud.
22 Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis, at nangahihiga sa kanilang mga yungib.
De sniger sig bort, naar Sol staar op, og lægger sig i deres Huler;
23 Lumalabas ang tao sa kaniyang gawain, at sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan.
Mennesket gaar til sit Dagværk, ud til sin Gerning, til Kvæld falder paa.
24 Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat: ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.
Hvor mange er dine Gerninger, HERRE, du gjorde dem alle med Visdom; Jorden er fuld af, hvad du har skabt!
25 Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang, na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay, ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman.
Der er Havet, stort og vidt, der vrimler det uden Tal af Dyr, baade smaa og store;
26 Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan: nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon.
Skibene farer der, Livjatan, som du danned til Leg deri.
27 Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo, upang iyong mabigyan (sila) ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan.
De bier alle paa dig, at du skal give dem Føde i Tide;
28 Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila; iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan.
du giver dem den, og de sanker, du aabner din Haand, og de mættes med godt.
29 Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok.
Du skjuler dit Aasyn, og de forfærdes; du tager deres Aand, og de dør og vender tilbage til Støvet;
30 Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa.
du sender din Aand, og de skabes, Jordens Aasyn fornyer du.
31 Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man; magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa:
HERRENS Herlighed vare evindelig, HERREN glæde sig ved sine Værker!
32 Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig: kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok.
Et Blik fra ham, og Jorden skælver, et Stød fra ham, og Bjergene ryger.
33 Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay: ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan.
Jeg vil synge for HERREN, saa længe jeg lever, lovsynge min Gud, den Tid jeg er til.
34 Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay: ako'y magagalak sa Panginoon.
Min Sang være ham til Behag, jeg har min Glæde i HERREN.
35 Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa, at mawala nawa ang masama. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Purihin ninyo ang Panginoon.
Maatte Syndere svinde fra Jorden og gudløse ikke mer være til! Min Sjæl, lov HERREN! Halleluja!

< Mga Awit 104 >