< Mga Awit 101 >

1 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan: sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri.
Aawit ako tungkol sa katapatan sa tipan at katarungan; sa iyo, Yahweh, ako ay aawit ng mga papuri.
2 Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad: Oh kailan ka pasasa akin? Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso.
Lalakad ako sa daan ng katapatan. O, kailan ka lalapit sa akin? Lalakad ako ng may katapatan sa loob ng aking tahanan.
3 Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap ng aking mga mata: aking ipinagtanim ang gawa nilang lisya: hindi kakapit sa akin.
Hindi ako gagawa ng mga pagkakamali sa harapan ng aking mga mata; nasusuklam ako sa walang katuturang kasamaan. Hindi ito kakapit sa akin.
4 Ang suwail na puso ay hihiwalay sa akin: hindi ako makakaalam ng masamang bagay.
Iiwanan ako ng mga taong matigas ang ulo; hindi ako tapat sa kasamaan.
5 Ang sumisirang puri na lihim sa kaniyang kapuwa ay aking ibubuwal: siya na may mapagmataas na tingin at may palalong puso ay hindi ko titiisin.
Lilipulin ko ang sinumang lihim na naninirang puri sa kanyang kapwa. Hindi ko papayagan ang sinumang may mapagmataas at aroganteng pag-uugali.
6 Ang mga mata ko'y itititig ko sa mga tapat sa lupain, upang sila'y makatahan na kasama ko: siya na lumalakad sa sakdal na daan, siya'y mangangasiwa sa akin.
Babantayan ko ang mga tapat sa kalupaan na uupo sa aking gilid. Ang mga taong lumalakad na may katapatan ay makakapaglingkod sa akin.
7 Siyang gumagawa ng karayaan ay hindi tatahan sa loob ng aking bahay: siyang nagsasalita ng kabulaanan ay hindi matatatag sa harap ng aking mga mata.
Ang mga mandarayang tao ay hindi mananatili sa loob ng aking tahanan; ang mga sinungaling ay hindi malugod na tatanggapin sa aking harapan.
8 Tuwing umaga ay aking lilipulin ang lahat na masama sa lupain; upang ihiwalay ang lahat na manggagawa ng kasamaan sa bayan ng Panginoon.
Sa bawat umaga ay wawasakin ko ang mga masasama mula sa lupain. Aalisin ko ang lahat ng masamang tao mula sa lungsod ni Yahweh.

< Mga Awit 101 >