< Mga Kawikaan 7 >
1 Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos.
Fili mi, custodi sermones meos, et præcepta mea reconde tibi. Fili
2 Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.
serva mandata mea, et vives: et legem meam quasi pupillam oculi tui:
3 Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso.
liga eam in digitis tuis, scribe illam in tabulis cordis tui.
4 Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:
Dic sapientiæ, soror mea es: et prudentiam voca amicam tuam,
5 Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.
ut custodiant te a muliere extranea, et ab aliena, quæ verba sua dulcia facit.
6 Sapagka't sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia;
De fenestra enim domus meæ per cancellos prospexi,
7 At ako'y tumingin sa mga musmos, ako'y nagmasid sa mga may kabataan, sa may kabataang walang bait,
et video parvulos, considero vecordem iuvenem,
8 Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok, at siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay;
qui transit per plateam iuxta angulum, et prope viam domus illius, graditur
9 Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw, sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman.
in obscuro, advesperascente die, in noctis tenebris, et caligine.
10 At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso.
Et ecce occurrit illi mulier ornatu meretricio, præparata ad capiendas animas: garrula, et vaga,
11 Siya'y madaldal at matigas ang ulo; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay:
quietis impatiens, nec valens in domo consistere pedibus suis,
12 Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya, at nagaabang sa bawa't sulok,
nunc foris, nunc in plateis, nunc iuxta angulos insidians.
13 Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:
Apprehensumque deosculatur iuvenem, et procaci vultu blanditur, dicens:
14 Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata.
Victimas pro salute vovi, hodie reddidi vota mea.
15 Kaya't lumabas ako upang salubungin ka, hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita.
idcirco egressa sum in occursum tuum, desiderans te videre, et reperi.
16 Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda, na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto.
Intexui funibus lectulum meum, stravi tapetibus pictis ex Ægypto.
17 At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira, mga oleo, at sinamomo.
aspersi cubile meum myrrha, et aloe, et cinnamomo.
18 Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan.
Veni, inebriemur uberibus, et fruamur cupitis amplexibus, donec illucescat dies.
19 Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay, siya'y naglakbay sa malayo:
non est enim vir in domo sua, abiit via longissima.
20 Siya'y nagdala ng supot ng salapi; siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan.
sacculum pecuniæ secum tulit: in die plenæ lunæ reversurus est in domum suam.
21 Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita, hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi.
Irretivit eum multis sermonibus, et blanditiis labiorum protraxit illum.
22 Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya, gaya ng toro na naparoroon sa patayan, O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;
Statim eam sequitur quasi bos ductus ad victimam, et quasi agnus lasciviens, et ignorans quod ad vincula stultus trahatur,
23 Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag, at hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay.
donec transfigat sagitta iecur eius: velut si avis festinet ad laqueum, et nescit quod de periculo animæ illius agitur.
24 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig.
Nunc ergo fili mi, audi me, et attende verbis oris mei.
25 Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas.
Ne abstrahatur in viis illius mens tua: neque decipiaris semitis eius.
26 Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo.
multos enim vulneratos deiecit, et fortissimi quique interfecti sunt ab ea.
27 Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan. (Sheol )
Viæ inferi domus eius, penetrantes in interiora mortis. (Sheol )