< Mga Kawikaan 6 >

1 Anak ko, kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa, kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala,
わが子よ、あなたがもし隣り人のために保証人となり、他人のために手をうって誓ったならば、
2 Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig, ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.
もしあなたのくちびるの言葉によって、わなにかかり、あなたの口の言葉によって捕えられたならば、
3 Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka, yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa: yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.
わが子よ、その時はこうして、おのれを救え、あなたは隣り人の手に陥ったのだから。急いで行って、隣り人にひたすら求めよ。
4 Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata. O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata.
あなたの目を眠らせず、あなたのまぶたを、まどろませず、
5 Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso, at parang ibon sa kamay ng mamimitag.
かもしかが、かりゅうどの手からのがれるように、鳥が鳥を取る者の手からのがれるように、おのれを救え。
6 Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
なまけ者よ、ありのところへ行き、そのすることを見て、知恵を得よ。
7 Na bagaman walang pangulo, tagapamahala, o pinuno,
ありは、かしらなく、つかさなく、王もないが、
8 Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit, at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.
夏のうちに食物をそなえ、刈入れの時に、かてを集める。
9 Hanggang kailan matutulog ka, Oh tamad? Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?
なまけ者よ、いつまで寝ているのか、いつ目をさまして起きるのか。
10 Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:
しばらく眠り、しばらくまどろみ、手をこまぬいて、またしばらく休む。
11 Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay darating na parang magnanakaw, at ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.
それゆえ、貧しさは盗びとのようにあなたに来り、乏しさは、つわもののようにあなたに来る。
12 Taong walang kabuluhan, taong masama, ay siya na lumalakad na may masamang bibig;
よこしまな人、悪しき人は偽りの言葉をもって行きめぐり、
13 Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa, na nagsasalita ng kaniyang mga daliri;
目でめくばせし、足で踏み鳴らし、指で示し、
14 Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, siya'y laging kumakatha ng kasamaan; siya'y naghahasik ng pagtatalo.
よこしまな心をもって悪を計り、絶えず争いをおこす。
15 Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan; sa kabiglaanan ay mababasag siya, at walang kagamutan.
それゆえ、災は、にわかに彼に臨み、たちまちにして打ち敗られ、助かることはない。
16 May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:
主の憎まれるものが六つある、否、その心に、忌みきらわれるものが七つある。
17 Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;
すなわち、高ぶる目、偽りを言う舌、罪なき人の血を流す手、
18 Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;
悪しき計りごとをめぐらす心、すみやかに悪に走る足、
19 Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.
偽りをのべる証人、また兄弟のうちに争いをおこす人がこれである。
20 Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina:
わが子よ、あなたの父の戒めを守り、あなたの母の教を捨てるな。
21 Ikintal mong lagi sa iyong puso, itali mo sa iyong leeg.
つねに、これをあなたの心に結び、あなたの首のまわりにつけよ。
22 Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; at pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.
これは、あなたが歩くとき、あなたを導き、あなたが寝るとき、あなたを守り、あなたが目ざめるとき、あなたと語る。
23 Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:
戒めはともしびである、教は光である、教訓の懲しめは命の道である。
24 Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala.
これは、あなたを守って、悪い女に近づかせず、みだらな女の、巧みな舌に惑わされぬようにする。
25 Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso; at huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata.
彼女の麗しさを心に慕ってはならない、そのまぶたに捕えられてはならない。
26 Sapagka't dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay: at hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay.
遊女は一塊のパンのために雇われる、しかし、みだらな女は人の尊い命を求める。
27 Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan, at hindi masusunog ang kaniyang mga suot?
人は火を、そのふところにいだいてその着物が焼かれないであろうか。
28 O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga, at ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso?
また人は、熱い火を踏んで、その足が、焼かれないであろうか。
29 Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa; sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan.
その隣の妻と不義を行う者も、それと同じだ。すべて彼女に触れる者は罰を免れることはできない。
30 Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw, upang busugin siya pagka siya'y gutom:
盗びとが飢えたとき、その飢えを満たすために盗むならば、人は彼を軽んじないであろうか。
31 Nguni't kung siya'y masumpungan, isasauli niyang makapito; kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay.
もし捕えられたなら、その七倍を償い、その家の貨財を、ことごとく出さなければならない。
32 Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait: ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.
女と姦淫を行う者は思慮がない。これを行う者はおのれを滅ぼし、
33 Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya; at ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi.
傷と、はずかしめとを受けて、その恥をすすぐことができない。
34 Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao; at hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti.
ねたみは、その夫を激しく怒らせるゆえ、恨みを報いるとき、容赦することはない。
35 Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos; ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.
どのようなあがない物をも顧みず、多くの贈り物をしても、和らがない。

< Mga Kawikaan 6 >