< Mga Kawikaan 5 >

1 Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa:
בני לחכמתי הקשיבה לתבונתי הט-אזנך
2 Upang makapagingat ka ng kabaitan, at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman.
לשמר מזמות ודעת שפתיך ינצרו
3 Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis:
כי נפת תטפנה שפתי זרה וחלק משמן חכה
4 Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila.
ואחריתה מרה כלענה חדה כחרב פיות
5 Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol; (Sheol h7585)
רגליה ירדות מות שאול צעדיה יתמכו (Sheol h7585)
6 Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman.
ארח חיים פן-תפלס נעו מעגלתיה לא תדע
7 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig.
ועתה בנים שמעו-לי ואל-תסורו מאמרי-פי
8 Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay:
הרחק מעליה דרכך ואל-תקרב אל-פתח ביתה
9 Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik:
פן-תתן לאחרים הודך ושנתיך לאכזרי
10 Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;
פן-ישבעו זרים כחך ועצביך בבית נכרי
11 At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,
ונהמת באחריתך בכלות בשרך ושארך
12 At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway:
ואמרת--איך שנאתי מוסר ותוכחת נאץ לבי
13 Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!
ולא-שמעתי בקול מורי ולמלמדי לא-הטיתי אזני
14 Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.
כמעט הייתי בכל-רע-- בתוך קהל ועדה
15 Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon.
שתה-מים מבורך ונזלים מתוך בארך
16 Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan?
יפוצו מעינתיך חוצה ברחבות פלגי-מים
17 Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo.
יהיו-לך לבדך ואין לזרים אתך
18 Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan.
יהי-מקורך ברוך ושמח מאשת נעורך
19 Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig.
אילת אהבים ויעלת-חן דדיה ירוך בכל-עת באהבתה תשגה תמיד
20 Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala?
ולמה תשגה בני בזרה ותחבק חק נכריה
21 Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas.
כי נכח עיני יהוה--דרכי-איש וכל-מעגלתיו מפלס
22 Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan.
עוונתיו--ילכדנו את-הרשע ובחבלי חטאתו יתמך
23 Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.
הוא--ימות באין מוסר וברב אולתו ישגה

< Mga Kawikaan 5 >