< Mga Kawikaan 30 >
1 Ang mga salita ni Agur na anak ni Jache; ang sanggunian. Sinabi ng lalake kay Ithiel, kay Ithiel, at kay Ucal:
ヤケの子アグルの語なる箴言 かれイテエルにむかひて之をいへり 即ちイテエルとウカルとにいへる所のものなり
2 Tunay na ako'y hangal kay sa kaninoman, at walang kaunawaan ng isang tao:
我は人よりも愚なり 我には人の聰明あらず
3 At hindi ako natuto ng karunungan, ni mayroon man ako ng kaalaman ng Banal.
我いまた智慧をならひ得ず またいまだ至聖きものを暁ることをえず
4 Sino ang sumampa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?
天に昇りまた降りし者は誰か 風をその掌中に聚めし者は誰か 水を衣につつみし者は誰か 地のすべての限界を定めし者は誰か その名は何ぞ その子の名は何ぞ 汝これを知るや
5 Bawa't salita ng Dios ay subok: siya'y kalasag sa kanila, na nanganganlong sa kaniya.
神の言はみな潔よし 神は彼を賴むものの盾なり
6 Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.
汝その言に加ふること勿れ 恐くは彼なんぢをせめ 又なんぢを謊る者となしたまはん
7 Dalawang bagay ang hiniling ko sa iyo; huwag mong ipagkait sa akin bago ako mamatay.
われ二の事をなんぢに求めたり 我が死ざる先にこれをたまへ
8 Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan: huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man; pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko:
即ち虚假と謊言とを我より離れしめ 我をして貧からしめずまた富しめず 惟なくてならぬ糧をあたへ給へ
9 Baka ako'y mabusog, at magkaila sa iyo, at magsabi, sino ang Panginoon? O baka ako'y maging dukha, at magnakaw ako, at gumamit ng paglapastangan sa pangalan ng aking Dios.
そは我あきて神を知ずといひヱホバは誰なりやといはんことを恐れ また貧くして窃盗をなし我が神の名を汚さんことを恐るればなり
10 Huwag mong pawikaan ang alipin sa kaniyang panginoon, baka ka tungayawin niya, at ikaw ay maging salarin.
なんぢ僕をその主に讒ることなかれ 恐くは彼なんぢを詛ひてなんぢ罪せられん
11 May lahi na tumutungayaw sa kanilang ama. At hindi pinagpapala ang kanilang ina.
その父を詛ひその母を祝せざる世類あり
12 May lahi na malinis sa harap ng kanilang sariling mga mata, at gayon man ay hindi hugas sa kanilang karumihan.
おのれの目に自らを潔者となして尚その汚穢を滌はれざる世類あり
13 May lahi, Oh pagka mapagmataas ng kanilang mga mata! At ang kanilang mga talukap-mata ay nangakataas.
また一の世類あり 嗚呼その眼はいかに高きぞや その瞼は昂れり
14 May lahi na ang mga ngipin ay parang mga tabak, at ang kanilang mga bagang ay parang mga sundang, upang lamunin ang dukha mula sa lupa, at ang mapagkailangan sa gitna ng mga tao.
その歯は劍のごとく その牙は刃のごとき世類あり 彼等は貧き者を地より呑み 窮乏者を人の中より食ふ
15 Ang linga ay may dalawang anak, na sumisigaw, bigyan mo, bigyan mo. May tatlong bagay na kailan man ay hindi nasisiyahan, Oo, apat na hindi nagsasabi, siya na:
蛭に二人の女あり 與ヘよ與へよと呼はる 飽ことを知ざるもの三あり 否な四あり皆たれりといはず
16 Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata; ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig; at ang apoy na hindi nagsasabi, siya na. (Sheol )
即ち陰府姙まざる胎水に滿されざる地 足りといはざる火これなり (Sheol )
17 Ang mata na tumutuya sa kaniyang ama, at humahamak ng pagsunod sa kaniyang ina, tutukain ito ng mga uwak sa libis, at kakanin ito ng mga inakay na aguila.
おのれの父を嘲り母に從ふことをいやしとする眼は 谷の鴉これを抜いだし鷲の雛これを食はん
18 May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin, Oo, apat na hindi ko nalalaman:
わが奇とするもの三あり否な四あり共にわが識ざる者なり
19 Ang lipad ng aguila sa hangin; ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato; ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat; at ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga.
即ち空にとぷ鷲の路 磐の上にはふ蛇の路 海にはしる舟の路 男の女にあふの路これなり
20 Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae; siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig, at nagsasabi, hindi ako gumawa ng kasamaan.
淫婦の途も亦しかり 彼は食ひてその口を拭ひ われ惡きことを爲ざりきといふ
21 Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa, at sa apat na hindi niya madala:
地は三の者によりて震ふ否な四の者によりて耐ることあたはざるなり
22 Sa isang alipin, pagka naghahari; at sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain;
即ち僕たるもの王となるに因り愚なるもの糧に飽るにより
23 Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa; at sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae.
厭忌はれたる婦の嫁ぐにより婢女その主母に續に因りてなり
24 May apat na bagay na maliit sa lupa, nguni't lubhang mga pantas:
地に四の物あり微小といへども最智し
25 Ang mga langgam ay bayang hindi matibay, gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit;
蟻は力なき者なれどもその糧を夏のうちに備ふ
26 Ang mga koneho ay hayop na mahina, gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato;
山鼠ば強からざれどもその室を磐につくる
27 Ang mga balang ay walang hari, gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong;
蝗は王なけれどもみな隊を立ていづ
28 Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya.
守宮は手をもてつかまり王の宮にをる
29 May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad, Oo, apat na mainam sa lakad:
善あゆむもの三あり否な四あり皆よく歩く
30 Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop, at hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man;
獣の中にて最も強くもろもろのものの前より退かざる獅子
31 Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman: at ang hari na hindi malalabanan.
肚帶せし戰馬 牡野羊 および當ること能はざる王これなり
32 Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas, o kung ikaw ay umisip ng kasamaan, ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig.
汝もし愚にして自から高ぶり或は惡きことを計らば汝の手を口に當つべし
33 Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya, at sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo: Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan.
それ乳を搾れば乾酪いで鼻を搾れば血いで 怒を激ふれば爭端おこる