< Mga Kawikaan 29 >
1 Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan.
El que a pesar de la corrección endurece la cerviz, será quebrantado de improviso y sin remedio.
2 Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.
Cuando aumenta el número de los justos se goza el pueblo, mas si los malos llegan al poder, el pueblo gime.
3 Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik.
El que ama la sabiduría alegra a su padre; quien frecuenta rameras, disipa sus bienes.
4 Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan: nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba.
Por medio de la justicia, el rey cimenta el estado, pero el que cede al cohecho, lo arruina.
5 Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang.
El que adula a su prójimo, le tiende una red a sus pies.
6 Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo: nguni't ang matuwid ay umaawit at nagagalak.
La prevaricación del malvado le es un lazo, en tanto que el justo canta alegremente.
7 Ang matuwid ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha: ang masama ay walang unawang makaalam.
El justo estudia la causa del pobre, el impío se hace el desentendido.
8 Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab: nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot.
Los altaneros alborotan una ciudad; los sabios aplacan los ánimos agitados.
9 Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang, magalit man o tumawa, ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan.
Si un sabio disputa con un necio, ora se enoje ora se ría, no habrá paz.
10 Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal: at tungkol sa matuwid, hinahanap nila ang kaniyang buhay.
Los hombres sanguinarios odian al íntegro, mientras los justos procuran defenderlo.
11 Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay.
El necio desfoga toda su ira; el sabio la enfrena y la apacigua.
12 Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan, lahat niyang mga lingkod ay masasama.
El príncipe que da oído a palabras mentirosas, no tendrá sino servidores malos.
13 Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong; pinapagniningas ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa.
Frente al pobre está el opresor; y es Yahvé quien alumbra los ojos de entrambos.
14 Ang hari na humahatol na tapat sa dukha, ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man.
Un rey que juzga con justicia a los pobres, hace estable su trono para siempre.
15 Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.
La vara y la corrección dan sabiduría, el muchacho mimado es la vergüenza de su madre.
16 Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami: nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal.
Creciendo el número de los malos, crecen los crímenes, pero los justos verán la ruina de ellos.
17 Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa.
Corrige a tu hijo, y será tu consuelo, y las delicias de tu alma.
18 Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya.
Faltando la palabra profética, el pueblo anda sin rienda; ¡dichoso el que observa la Ley!
19 Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita: sapagka't bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig.
El esclavo no se corrige con solas palabras; comprende bien, pero no cumple.
20 Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya.
¿Has visto a un hombre que habla precipitadamente? más que de él espera de un loco.
21 Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata, magiging anak niya siya sa kawakasan.
El que mima a su esclavo desde la niñez, al fin lo encontrará contumaz.
22 Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang.
El hombre colérico provoca peleas, y el violento cae en muchos pecados.
23 Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan.
La soberbia humilla al hombre, mas el humilde de espíritu será ensalzado.
24 Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik.
El cómplice de un ladrón odia su propia vida, pues oye la maldición y no dice nada.
25 Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas.
Quien teme al hombre, se prepara un lazo, pero el que confía en Yahvé será puesto en salvo.
26 Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno: nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon.
Muchos buscan el favor del príncipe; pero es Yahvé quien juzga a cada uno.
27 Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid: at ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama.
Abominación de los justos es el hombre malvado, y abominación de los malvados quien procede rectamente.