< Mga Kawikaan 26 >
1 Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang.
Som Sne om Somren og Regn Høsten så lidt hører Ære sig til for en Tåbe.
2 Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.
Som en Spurv i Fart, som en Svale i Flugt så rammer ej Banden mod sagesløs Mand.
3 Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.
Svøbe for Hest, Bidsel for Æsel og Ris for Tåbers Ryg.
4 Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya.
Svar ej Tåben efter hans Dårskab, at ikke du selv skal blive som han.
5 Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.
Svar Tåben efter hans Dårskab, at han ikke skal tykkes sig viis.
6 Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan.
Den afhugger Fødderne og inddrikker Vold, som sender Bud ved en Tåbe.
7 Ang mga hita ng pilay ay nabibitin: gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
Slappe som den lammes Ben er Ordsprog i Tåbers Mund.
8 Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog, gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang.
Som en, der binder Stenen fast i Slyngen, er den, der hædrer en Tåbe.
9 Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango, gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
Som en Tornekæp, der falder den drukne i Hænde, er Ordsprog i Tåbers Mund.
10 Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat, gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon.
Som en Skytte, der sårer enhver, som kommer, er den, der lejer en Tåbe og en drukken.
11 Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka, gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan.
Som en Hund, der vender sig om til sit Spy, er en Tåbe, der gentager Dårskab.
12 Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.
Ser du en Mand, der tykkes sig viis, for en Tåbe er der mere Håb end for ham.
13 Sinabi ng tamad, may leon sa daan; isang leon ay nasa mga lansangan.
Den lade siger: "Et Rovdyr på Vejen, en Løve ude på Torvene!"
14 Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan.
Døren drejer sig på sit Hængsel, den lade på sit Leje.
15 Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig.
Den lade rækker til Fadet, men gider ikke føre Hånden til Munden.
16 Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.
Den lade tykkes sig større Vismand end syv, der har kloge Svar.
17 Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya, ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga.
Den griber en Hund i Øret, som blander sig i uvedkommende Strid.
18 Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, mga pana, at kamatayan;
Som en vanvittig Mand, der udslynger Gløder, Pile og Død,
19 Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa, at nagsasabi, hindi ko ba ginagawa sa paglilibang?
er den, der sviger sin Næste og siger: "Jeg spøger jo kun."
20 Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit.
Er der intet Brænde, går Ilden ud, er der ingen Bagtaler, stilles Trætte.
21 Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit.
Trækul til Gløder og Brænde til Ild og trættekær Mand til at optænde Kiv.
22 Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
Bagtalerens Ord er som Lækkerbidskener, de synker dybt i Legemets Kamre.
23 Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak.
Som Sølvovertræk på et Lerkar er ondsindet Hjerte bag glatte Læber.
24 Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi, nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya:
Avindsmand hykler med Læben, i sit Indre huser han Svig;
25 Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan; sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso:
gør han Røsten venlig, tro ham dog ikke, thi i hans Hjerte er syvfold Gru.
26 Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan.
Den, der dølger sit Had med Svig, hans Ondskab kommer frem i Folkets Forsamling.
27 Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: at siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya.
I Graven, man graver, falder man selv, af Stenen, man vælter, rammes man selv.
28 Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya; at ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan.
Løgnetunge giver mange Hug, hyklersk Mund volder Fald.