1Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang.
有如夏日下雪,秋收降雨,不合時令;同樣愚昧的人獲得光榮,亦不適宜。
2Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.
有如麻雀逃走,燕子飛去:無端的咒罵,也一去無蹤。
3Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.
馬需要皮鞭,驢需要轡頭,愚昧人的脊背需要棍棒。
4Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya.
回答愚昧人,別照樣愚昧,免得你也像他一樣;
5Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.
回答愚昧人,有時應愚昧,免得他自以為聰明。
6Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan.
派遣愚昧人,去作傳話者,是自斷己足,是自尋苦惱。
7Ang mga hita ng pilay ay nabibitin: gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
猶如跛子的腳虛懸無力,箴言在愚人口中也是如此。
8Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog, gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang.
將光榮體面授給愚昧人,無異將寶石投在石堆裏。
9Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango, gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
箴言在愚人口中,猶如荊棘在醉漢手中。
10Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat, gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon.
雇用愚人或過路人的人,無異射傷眾人的弓箭手。
11Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka, gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan.
愚人一再重複他的愚行,猶如狗再來吃牠嘔吐之物。
12Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.
你是否見過自作聰明的人﹖寄望於愚人必寄望於他更好。
13Sinabi ng tamad, may leon sa daan; isang leon ay nasa mga lansangan.
懶惰人常說:「路上有猛獅,街市有壯獅。」
14Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan.
懶人在床榻上輾轉,猶如門扇在樞紐上旋轉。
15Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig.
懶人伸手在盤中取食,送到口邊也感到辛苦。
16Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.
懶惰人自認為聰明人,遠勝過七個善於應對的人。
17Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya, ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga.
干涉與己無關的爭端,有如抓過路狗的尾巴。
18Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, mga pana, at kamatayan;
誰騙了人而後說:「我只開玩笑! 」
19Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa, at nagsasabi, hindi ko ba ginagawa sa paglilibang?
猶如狂人投擲火把、利箭和死亡。
20Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit.
沒有木柴,火即熄滅;沒有讒言,爭端即息。
21Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit.
誰惹事生非,挑撥爭端,是在火炭上加炭,火上加柴。
22Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
進讒者的話,如可口美味,能深深透入肺腑的深處。
23Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak.
口蜜腹劍的人,有如塗上銀的陶器。
24Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi, nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya:
懷恨他人的,善措詞掩飾;但在他心底,卻藏有陰險。
25Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan; sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso:
誰聲調過柔,你不要相信;因在他心中,藏有七種惡。
26Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan.
仇恨雖可以詭計來掩飾,但在集會中險惡必敗露。
27Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: at siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya.
挖掘陷阱的必自陷其中,滾轉石頭的必為石所壓。
28Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya; at ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan.