< Mga Kawikaan 23 >

1 Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo, kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo;
כי-תשב ללחום את-מושל-- בין תבין את-אשר לפניך
2 At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain.
ושמת שכין בלעך-- אם-בעל נפש אתה
3 Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain; yamang mga marayang pagkain.
אל-תתאו למטעמותיו והוא לחם כזבים
4 Huwag kang mainip sa pagyaman; tumigil ka sa iyong sariling karunungan.
אל-תיגע להעשיר מבינתך חדל
5 Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit.
התעוף (התעיף) עיניך בו ואיננו כי עשה יעשה-לו כנפים כנשר ועיף (יעוף) השמים
6 Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain:
אל-תלחם--את-לחם רע עין ואל-תתאו למטעמתיו
7 Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: kumain ka at uminom ka, sabi niya sa iyo; nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo.
כי כמו שער בנפשו-- כן-הוא אכול ושתה יאמר לך ולבו בל-עמך
8 Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka, at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita.
פתך-אכלת תקיאנה ושחת דבריך הנעימים
9 Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
באזני כסיל אל-תדבר כי-יבוז לשכל מליך
10 Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila:
אל-תסג גבול עולם ובשדי יתומים אל-תבא
11 Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo.
כי-גאלם חזק הוא-יריב את-ריבם אתך
12 Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman.
הביאה למוסר לבך ואזנך לאמרי-דעת
13 Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.
אל-תמנע מנער מוסר כי-תכנו בשבט לא ימות
14 Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol. (Sheol h7585)
אתה בשבט תכנו ונפשו משאול תציל (Sheol h7585)
15 Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin:
בני אם-חכם לבך-- ישמח לבי גם-אני
16 Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay.
ותעלזנה כליותי-- בדבר שפתיך מישרים
17 Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan: kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw:
אל-יקנא לבך בחטאים כי אם-ביראת-יהוה כל-היום
18 Sapagka't tunay na may kagantihan; at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
כי אם-יש אחרית ותקותך לא תכרת
19 Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas, at patnubayan mo ang iyong puso sa daan.
שמע-אתה בני וחכם ואשר בדרך לבך
20 Huwag kang mapasama sa mga mapaglango; sa mga mayamong mangangain ng karne:
אל-תהי בסבאי-יין-- בזללי בשר למו
21 Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi.
כי-סבא וזולל יורש וקרעים תלביש נומה
22 Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda.
שמע לאביך זה ילדך ואל-תבוז כי-זקנה אמך
23 Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa.
אמת קנה ואל-תמכר חכמה ומוסר ובינה
24 Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya.
גול (גיל) יגיל אבי צדיק יולד (ויולד) חכם וישמח- (ישמח-) בו
25 Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak siyang nanganak sa iyo.
ישמח-אביך ואמך ותגל יולדתך
26 Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan.
תנה-בני לבך לי ועיניך דרכי תרצנה (תצרנה)
27 Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw.
כי-שוחה עמקה זונה ובאר צרה נכריה
28 Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan, at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao.
אף-היא כחתף תארב ובוגדים באדם תוסף
29 Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata?
למי אוי למי אבוי למי מדונים (מדינים) למי שיח-- למי פצעים חנם למי חכללות עינים
30 Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak.
למאחרים על-היין-- לבאים לחקר ממסך
31 Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,
אל-תרא יין כי יתאדם כי-יתן בכיס (בכוס) עינו יתהלך במישרים
32 Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong.
אחריתו כנחש ישך וכצפעני יפרש
33 Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay.
עיניך יראו זרות ולבך ידבר תהפכות
34 Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan.
והיית כשכב בלב-ים וכשכב בראש חבל
35 Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli.
הכוני בל-חליתי-- הלמוני בל-ידעתי מתי אקיץ אוסיף אבקשנו עוד

< Mga Kawikaan 23 >