< Mga Kawikaan 21 >

1 Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: kumikiling saan man niya ibigin.
פלגי-מים לב-מלך ביד-יהוה על-כל-אשר יחפץ יטנו
2 Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso.
כל-דרך-איש ישר בעיניו ותכן לבות יהוה
3 Gumawa ng kaganapan at kahatulan ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain.
עשה צדקה ומשפט-- נבחר ליהוה מזבח
4 Ang mapagmataas na tingin, at ang palalong puso, siyang ilaw ng masama, ay kasalanan.
רום-עינים ורחב-לב-- נר רשעים חטאת
5 Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang: nguni't bawa't nagmamadali ay sa pangangailangan lamang.
מחשבות חרוץ אך-למותר וכל-אץ אך-למחסור
6 Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan.
פעל אצרות בלשון שקר-- הבל נדף מבקשי-מות
7 Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila; sapagka't sila'y nagsitangging magsigawa ng kahatulan.
שד-רשעים יגורם כי מאנו לעשות משפט
8 Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko; nguni't tungkol sa malinis, ang kaniyang gawa ay matuwid.
הפכפך דרך איש וזר וזך ישר פעלו
9 Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.
טוב לשבת על-פנת-גג-- מאשת מדינים ובית חבר
10 Ang kaluluwa ng masama ay nagnanasa ng kasamaan: ang kaniyang kapuwa ay hindi nakakasumpong ng lingap sa kaniyang mga mata.
נפש רשע אותה-רע לא-יחן בעיניו רעהו
11 Pagka ang mangduduwahagi ay pinarusahan, ang musmos ay nagiging pantas: at pagka ang pantas ay tinuturuan, siya'y tumatanggap ng kaalaman.
בענש-לץ יחכם-פתי ובהשכיל לחכם יקח-דעת
12 Pinagninilay ng matuwid ang bahay ng masama, kung paanong napapahamak ang masama sa kanilang pagkapariwara.
משכיל צדיק לבית רשע מסלף רשעים לרע
13 Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha, siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin.
אטם אזנו מזעקת-דל-- גם-הוא יקרא ולא יענה
14 Ang kaloob na lihim ay nagpapatahimik ng galit, at ang alay sa sinapupunan, ay ng malaking poot.
מתן בסתר יכפה-אף ושחד בחק חמה עזה
15 Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.
שמחה לצדיק עשות משפט ומחתה לפעלי און
16 Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan, magpapahinga sa kapisanan ng patay.
אדם--תועה מדרך השכל בקהל רפאים ינוח
17 Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha: ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman.
איש מחסור אהב שמחה אהב יין-ושמן לא יעשיר
18 Ang masama ay isang katubusan para sa matuwid, at ang taksil ay sa lugar ng matuwid.
כפר לצדיק רשע ותחת ישרים בוגד
19 Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain, kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae.
טוב שבת בארץ-מדבר-- מאשת מדונים (מדינים) וכעס
20 May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan ng pantas; nguni't ito'y sinasakmal ng mangmang.
אוצר נחמד ושמן--בנוה חכם וכסיל אדם יבלענו
21 Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan.
רדף צדקה וחסד-- ימצא חיים צדקה וכבוד
22 Sinasampa ng pantas ang bayan ng makapangyarihan, at ibinabagsak ang lakas ng pagkakatiwala niyaon.
עיר גברים עלה חכם וירד עז מבטחה
23 Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan.
שמר פיו ולשונו-- שמר מצרות נפשו
24 Ang palalo at mapagmataas na tao, manglilibak ang kaniyang pangalan, siya'y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan.
זד יהיר לץ שמו-- עושה בעברת זדון
25 Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya; sapagka't tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa.
תאות עצל תמיתנו כי-מאנו ידיו לעשות
26 May nagiimbot sa kasakiman buong araw: nguni't ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait.
כל-היום התאוה תאוה וצדיק יתן ולא יחשך
27 Ang hain ng masama ay karumaldumal: gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip!
זבח רשעים תועבה אף כי-בזמה יביאנו
28 Ang sinungaling na saksi ay mamamatay: nguni't ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi.
עד-כזבים יאבד ואיש שומע לנצח ידבר
29 Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha; nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad.
העז איש רשע בפניו וישר הוא יכין דרכיו (יבין דרכו)
30 Walang karunungan, o kaunawaan man, O payo man laban sa Panginoon.
אין חכמה ואין תבונה-- ואין עצה לנגד יהוה
31 Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka: nguni't ang pagtatagumpay ay sa Panginoon.
סוס--מוכן ליום מלחמה וליהוה התשועה

< Mga Kawikaan 21 >