< Mga Kawikaan 2 >
1 Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos;
我が子よ汝もし我が言をうけ 我が誡命を汝のこころに蔵め
2 Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;
斯て汝の耳を智慧に傾け汝の心をさとりにむけ
3 Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;
もし知識を呼求め聰明をえんと汝の聲をあげ
4 Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.
銀の如くこれを探り 秘れたる寳の如くこれを尋ねば
5 Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.
汝ヱホバを畏るることを暁り 神を知ることを得べし
6 Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:
そはヱホバは智慧をあたへ 知識と聰明とその口より出づればなり
7 Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat;
かれは義人のために聰明をたくはへ 直く行む者の盾となる
8 Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan, at maingatan ang daan ng kaniyang mga banal.
そは公平の途をたもち その聖徒の途すぢを守りたまへばなり
9 Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, at ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas.
斯て汝はつひに公義と公平と正直と一切の善道を暁らん
10 Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa;
すなはち智慧なんぢの心にいり 知識なんぢの霊魂に樂しからん
11 Kabaitan ay magbabantay sa iyo, pagkaunawa ay magiingat sa iyo:
謹愼なんぢを守り 聰明なんぢをたもちて
12 Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;
惡き途よりすくひ虚偽をかたる者より救はん
13 Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman;
彼等は直き途をはなれて幽暗き路に行み
14 Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, at nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan,
惡を行ふを樂しみ 惡者のいつはりを悦び
15 Na mga liko sa kanilang mga lakad, at mga suwail sa kanilang mga landas:
その途はまがり その行爲は邪曲なり
16 Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;
聰明はまた汝を妓女より救ひ 言をもて諂ふ婦より救はん
17 Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:
彼はわかき時の侶をすて その神に契約せしことを忘るるなり
18 Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay:
その家は死に下り その途は陰府に赴く
19 Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:
凡てかれにゆく者は歸らず また生命の途に達らざるなり
20 Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid.
聰明汝をたもちてよき途に行ませ 義人の途を守らしめん
21 Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang sakdal ay mamamalagi roon.
そは義人は地にながらへをり 完全者は地に止らん
22 Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain, at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.
されど惡者は地より亡され悖逆者は地より抜さらるべし