< Mga Kawikaan 14 >

1 Bawa't pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay: nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay.
智慧婦人建立家室; 愚妄婦人親手拆毀。
2 Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon: nguni't siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya.
行動正直的,敬畏耶和華; 行事乖僻的,卻藐視他。
3 Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan: nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon.
愚妄人口中驕傲,如杖責打己身; 智慧人的嘴必保守自己。
4 Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis: nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka.
家裏無牛,槽頭乾淨; 土產加多乃憑牛力。
5 Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan: nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan.
誠實見證人不說謊話; 假見證人吐出謊言。
6 Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa.
褻慢人尋智慧,卻尋不着; 聰明人易得知識。
7 Paroon ka sa harapan ng taong mangmang, at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman:
到愚昧人面前, 不見他嘴中有知識。
8 Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan.
通達人的智慧在乎明白己道; 愚昧人的愚妄乃是詭詐。
9 Ang mangmang ay tumutuya sa sala: nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban.
愚妄人犯罪,以為戲耍; 正直人互相喜悅。
10 Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan; at ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan.
心中的苦楚,自己知道; 心裏的喜樂,外人無干。
11 Ang bahay ng masama ay mababagsak: nguni't ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad.
奸惡人的房屋必傾倒; 正直人的帳棚必興盛。
12 May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
有一條路,人以為正, 至終成為死亡之路。
13 Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob.
人在喜笑中,心也憂愁; 快樂至極就生愁苦。
14 Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad: at masisiyahang loob ang taong mabuti.
心中背道的,必滿得自己的結果; 善人必從自己的行為得以知足。
15 Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa't salita: nguni't ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad.
愚蒙人是話都信; 通達人步步謹慎。
16 Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan: nguni't ang mangmang ay nagpapakilalang palalo, at timawa.
智慧人懼怕,就遠離惡事; 愚妄人卻狂傲自恃。
17 Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan: at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim.
輕易發怒的,行事愚妄; 設立詭計的,被人恨惡。
18 Ang musmos ay nagmamana ng kamangmangan: nguni't ang mabait ay puputungan ng kaalaman.
愚蒙人得愚昧為產業; 通達人得知識為冠冕。
19 Ang masama ay yumuyukod sa harap ng mabuti; at ang masama ay sa mga pintuang-daan ng matuwid.
壞人俯伏在善人面前; 惡人俯伏在義人門口。
20 Ipinagtatanim ang dukha maging ng kaniyang kapuwa: nguni't ang mayaman ay maraming kaibigan.
貧窮人連鄰舍也恨他; 富足人朋友最多。
21 Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala: nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya.
藐視鄰舍的,這人有罪; 憐憫貧窮的,這人有福。
22 Hindi ba sila nagkakamali na kumakatha ng kasamaan? Nguni't kaawaan at katotohanan ay sasa kanila na nagsisikatha ng mabuti.
謀惡的,豈非走入迷途嗎? 謀善的,必得慈愛和誠實。
23 Sa lahat ng gawain ay may pakinabang: nguni't ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan.
諸般勤勞都有益處; 嘴上多言乃致窮乏。
24 Ang putong ng mga pantas ay ang kanilang mga kayamanan: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay kamangmangan lamang.
智慧人的財為自己的冠冕; 愚妄人的愚昧終是愚昧。
25 Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao: nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya.
作真見證的,救人性命; 吐出謊言的,施行詭詐。
26 Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan.
敬畏耶和華的,大有倚靠; 他的兒女也有避難所。
27 Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.
敬畏耶和華就是生命的泉源, 可以使人離開死亡的網羅。
28 Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari: nguni't na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo.
帝王榮耀在乎民多; 君王衰敗在乎民少。
29 Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan.
不輕易發怒的,大有聰明; 性情暴躁的,大顯愚妄。
30 Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto.
心中安靜是肉體的生命; 嫉妒是骨中的朽爛。
31 Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya.
欺壓貧寒的,是辱沒造他的主; 憐憫窮乏的,乃是尊敬主。
32 Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa: nguni't ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan.
惡人在所行的惡上必被推倒; 義人臨死,有所投靠。
33 Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa: nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman.
智慧存在聰明人心中; 愚昧人心裏所存的,顯而易見。
34 Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa: nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan.
公義使邦國高舉; 罪惡是人民的羞辱。
35 Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan: nguni't ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya.
智慧的臣子蒙王恩惠; 貽羞的僕人遭其震怒。

< Mga Kawikaan 14 >