< Mga Kawikaan 10 >
1 Mga kawikaan ni Salomon. Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama: nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.
所罗门的箴言: 智慧之子使父亲欢乐; 愚昧之子叫母亲担忧。
2 Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
不义之财毫无益处; 惟有公义能救人脱离死亡。
3 Hindi titiisin ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid: nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama.
耶和华不使义人受饥饿; 恶人所欲的,他必推开。
4 Siya'y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan: nguni't yumayaman ang kamay ng masipag.
手懒的,要受贫穷; 手勤的,却要富足。
5 Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak: nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya.
夏天聚敛的,是智慧之子; 收割时沉睡的,是贻羞之子。
6 Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
福祉临到义人的头; 强暴蒙蔽恶人的口。
7 Ang alaala sa ganap ay pinagpapala: nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam.
义人的纪念被称赞; 恶人的名字必朽烂。
8 Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
心中智慧的,必受命令; 口里愚妄的,必致倾倒。
9 Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay: nguni't siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala.
行正直路的,步步安稳; 走弯曲道的,必致败露。
10 Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.
以眼传神的,使人忧患; 口里愚妄的,必致倾倒。
11 Ang bibig ng matuwid, ay bukal ng kabuhayan: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.
义人的口是生命的泉源; 强暴蒙蔽恶人的口。
12 Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan: nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang.
恨能挑启争端; 爱能遮掩一切过错。
13 Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan: nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa.
明哲人嘴里有智慧; 无知人背上受刑杖。
14 Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak.
智慧人积存知识; 愚妄人的口速致败坏。
15 Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang matibay na bayan: ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan.
富户的财物是他的坚城; 穷人的贫乏是他的败坏。
16 Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay; ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala.
义人的勤劳致生; 恶人的进项致死。
17 Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway: nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali.
谨守训诲的,乃在生命的道上; 违弃责备的,便失迷了路。
18 Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; at siyang nagpaparatang ay mangmang.
隐藏怨恨的,有说谎的嘴; 口出谗谤的,是愚妄的人。
19 Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang: nguni't siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan.
多言多语难免有过; 禁止嘴唇是有智慧。
20 Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak: ang puso ng masama ay kaunti ang halaga.
义人的舌乃似高银; 恶人的心所值无几。
21 Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami: nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa.
义人的口教养多人; 愚昧人因无知而死亡。
22 Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman, at hindi niya idinadagdag ang kapanglawan.
耶和华所赐的福使人富足, 并不加上忧虑。
23 Isang paglilibang sa mangmang ang paggawa ng kasamaan: at gayon ang karunungan sa taong naguunawa.
愚妄人以行恶为戏耍; 明哲人却以智慧为乐。
24 Ang takot ng masama ay darating sa kaniya: at ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob.
恶人所怕的,必临到他; 义人所愿的,必蒙应允。
25 Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama: nguni't ang matuwid ay walang hanggang patibayan.
暴风一过,恶人归于无有; 义人的根基却是永久。
26 Kung paano ang suka sa mga ngipin, at kung paano ang usok sa mata, gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya.
懒惰人叫差他的人 如醋倒牙,如烟薰目。
27 Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan: nguni't ang mga taon ng masama ay mangangaunti.
敬畏耶和华使人日子加多; 但恶人的年岁必被减少。
28 Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan: nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala.
义人的盼望必得喜乐; 恶人的指望必致灭没。
29 Ang daan ng Panginoon ay katibayan sa matuwid; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.
耶和华的道是正直人的保障, 却成了作孽人的败坏。
30 Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man: nguni't ang masama ay hindi tatahan sa lupain.
义人永不挪移; 恶人不得住在地上。
31 Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan: nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay.
义人的口滋生智慧; 乖谬的舌必被割断。
32 Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakalulugod: nguni't ang bibig ng masama ay nagsasalita ng karayaan.
义人的嘴能令人喜悦; 恶人的口说乖谬的话。