< Mga Bilang 1 >

1 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa tabernakulo ng kapisanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkatapos na makaalis sila sa lupain ng Egipto, na sinasabi,
Nagsalita si Yahweh kay Moises sa tolda ng pagpupulong sa ilang ng Sinai. Nangyari ito sa unang araw ng ikalawang buwan sa loob ng ikalawang taon matapos na makalabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto. Sinabi ni Yahweh,
2 Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawa't lalake ayon sa dami ng mga ulo nila;
“Magsagawa ka ng isang pagbibilang sa lahat ng kalalakihan ng Israel sa bawat angkan, sa mga pamilya ng kanilang mga ama. Bilangin mo sila ayon sa kanilang mga pangalan. Bilangin mo ang bawat lalaki, ang bawat lalaking
3 Mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa Israel sa pakikibaka, na bibilangin ninyo at ni Aaron sila ayon sa kanilang mga hukbo.
dalawampung taong gulang pataas. Bilangin mo ang lahat ng maaaring makipaglaban bilang mga kawal para sa Israel. Dapat ninyong itala ni Aaron ang bilang ng mga kalalakihan sa kanilang armadong mga grupo.
4 At magsasama kayo ng isang lalake ng bawa't lipi; na bawa't isa'y pangulo sa sangbahayan ng kaniyang mga magulang.
Ang isang lalaki mula sa bawat tribu, ang isang ulo ng angkan ay dapat maglingkod sa iyo bilang pinuno ng tribu. Dapat pangunahan ng bawat pinuno ang mga kalalakihang makikipaglaban para sa kaniyang tribu.
5 At ito ang mga pangalan ng mga lalake na sasama sa inyo. Sa lipi ni Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur.
Ito ang mga pangalan ng mga pinunong dapat makipaglaban na kasama mo: Mula sa tribu ni Ruben, si Elizur na anak na lalaki ni Sedeur;
6 Sa lipi ni Simeon; si Selumiel na anak ni Zurisaddai.
sa tribu ni Simeon, si Selumiel na anak na lalaki ni Zurisaddai;
7 Sa lipi ni Juda; si Naason na anak ni Aminadab.
mula sa tribu ni Juda, si Naason na anak na lalaki ni Aminadab;
8 Sa lipi ni Issachar; si Nathanael na anak ni Suar.
mula sa tribu ni Isacar, si Natanael na anak na lalaki ni Zuar;
9 Sa lipi ni Zabulon; si Eliab na anak ni Helon.
mula sa tribu ni Zebulon, si Eliab na anak na lalaki ni Helon;
10 Sa mga anak ni Jose: sa lipi ni Ephraim; si Elisama na anak ni Ammiud: sa lipi ni Manases; si Gamaliel na anak ni Pedasur.
mula sa tribu ni Efraim na anak na lalaki ni Jose ay si Elisama na anak na lalaki ni Ammiud; mula sa tribu ni Manases, si Gamaliel na anak na lalaki ni Pedasur;
11 Sa lipi ni Benjamin; si Abidan na anak ni Gedeon.
mula sa tribu ni Benjamin na anak na lalaki ni Jose ay si Abidan na anak na lalaki ni Gideon;
12 Sa lipi ni Dan; si Ahiezer na anak ni Ammisaddai.
mula sa tribu ni Dan, si Ahiezer na anak na lalaki ni Ammisaddai;
13 Sa lipi ni Aser; si Phegiel na anak ni Ocran.
mula sa tribu ni Aser, si Pagiel na anak na lalaki ni Okran;
14 Sa lipi ni Gad; si Eliasaph na anak ni Deuel.
mula sa tribu ni Gad, si Eliasaf na anak na lalaki ni Deuel;
15 Sa lipi ni Nephtali; si Ahira na anak ni Enan.
at mula sa tribu ni Neftali, si Ahira na anak na lalaki ni Enan.
16 Ito ang mga tinawag sa kapisanan, na mga prinsipe sa mga lipi ng kanikanilang mga magulang; sila ang mga pangulo ng libolibong taga Israel.
Ito ang mga lalaking pinili mula sa mga tao. Pinangunahan nila ang mga tribu ng kanilang mga ninuno. Sila ang mga pinuno ng mga angkan sa Israel.
17 At dinala ni Moises at ni Aaron ang mga lalaking ito na nasaysay sa pamamagitan ng kanikaniyang pangalan:
Ang mga lalaking ito ay kinuha nina Moises at Aaron, na kanilang naitala sa pamamagitan ng pangalan,
18 At kanilang pinisan ang buong kapisanan nang unang araw ng ikalawang buwan; at kanilang sinaysay ang kanikaniyang kanunuan ayon sa kanikanilang angkan, sangayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa dami ng mga ulo nila.
at sa tabi ng mga lalaking ito, tinipon nila ang lahat ng mga kalalakihan ng Israel sa unang araw ng ikalawang buwan. At bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas ay kinilala ang kaniyang kanunu-nunuan. Dapat niyang pangalanan ang mga angkan at ang mga pamilyang nagmula sa kaniyang mga ninuno.
19 Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya binilang sa ilang ng Sinai.
Pagkatapos, itinala ni Moises ang kanilang mga bilang sa ilang ng Sinai, gaya ng inuutos ni Yahweh na kaniyang gawin.
20 At ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng kanilang mga ulo, bawa't lalake mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Ruben, panganay na anak ni Israel, binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
21 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Ruben, ay apat na pu't anim na libo at limang daan.
46, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Ruben.
22 Sa mga anak ni Simeon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng mga ulo nila, bawa't lalaking mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Simeon ay binilang nila ang lahat ng pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
23 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Simeon, ay limang pu't siyam na libo at tatlong daan.
59, 300 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Simeon.
24 Sa mga anak ni Gad, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka,
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Gad ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
25 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Gad, ay apat na pu't limang libo at anim na raan at limang pu.
45, 650 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Gad.
26 Sa mga anak ni Juda, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Juda ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
27 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Juda, ay pitong pu't apat na libo at anim na raan.
74, 600 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Juda.
28 Sa mga anak ni Issachar, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Isacar ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
29 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Issachar, ay limang pu't apat na libo at apat na raan.
54, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Isacar.
30 Sa mga anak ni Zabulon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Zebulon ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
31 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Zabulon, ay limang pu't pitong libo at apat na raan.
57, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Zebulon.
32 Sa mga anak ni Jose, sa mga anak ni Ephraim, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Efraim na anak na lalaki Jose ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
33 Ay nangabilang sa kanila sa lipi ni Ephraim, ay apat na pung libo at limang daan.
40, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Efraim.
34 Sa mga anak ni Manases, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Manases ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
35 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Manases, ay tatlong pu't dalawang libo at dalawang daan.
32, 200 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Manases.
36 Sa mga anak ni Benjamin, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
37 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Benjamin, ay tatlong pu't limang libo at apat na raan.
35, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Benjamin.
38 Sa mga anak ni Dan, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Dan ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
39 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Dan, ay anim na pu't dalawang libo at pitong daan.
62, 700 ang nabilang nila mula sa tribu ni Dan.
40 Sa mga anak ni Aser, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Aser ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
41 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Aser, ay apat na pu't isang libo at limang daan.
, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Aser.
42 Sa mga anak ni Nephtali, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Neftali ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya.
43 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Nephtali, ay limang pu't tatlong libo at apat na raan.
53, 400 ang nabilang nila mula sa tribu ni Neftali.
44 Ito ang nangabilang na binilang ni Moises at ni Aaron at ng labing dalawang lalake, na mga pangulo sa Israel: na bawa't isa sa kanila'y sa sangbahayan ng kanikaniyang mga magulang.
Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng mga lalaking ito, kasama ang labindalawang kalalakihang namumuno sa labindalawang tribu ng Israel.
45 Kaya't lahat ng nangabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng sa Israel ay makalalabas sa pakikibaka:
Kaya lahat ng kalalakihan sa Israel mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat nang maaaring makipaglaban sa digmaan ay binilang nila sa bawat kanilang mga pamilya.
46 Lahat ng nangabilang ay anim na raan at tatlong libo at limang daan at limang pu.
603, 550 na kalalakihan ang nabilang nila.
47 Datapuwa't ang mga Levita ayon sa lipi ng kanilang mga magulang ay hindi ibinilang sa kanila.
Ngunit hindi na nila binilang ang mga kalalakihang nagmula kay Levi,
48 Sapagka't sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
dahil sinabi ni Yahweh kay Moises,
49 Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni di mo ilalahok ang bilang nila sa mga anak ni Israel:
“Hindi mo dapat bilangin ang tribu ni Levi o isama sila sa kabuuang bilang ng mga tao sa Israel.
50 Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo.
Sa halip, italaga mo ang mga Levita na ingatan ang tabernakulo ng toldang tipanan, at ingatan ang buong kagamitan sa loob ng tabernakulo at sa lahat ng kagamitang naroon. Dapat buhatin ng mga Levita ang tabernakulo at dapat nilang dalhin ang mga kagamitan sa nito. Dapat nilang ingatan ang tabernakulo at itayo ang kanilang kampo sa paligid nito.
51 At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita: at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
Kapag ang tabernakulo ay ililipat na sa ibang lugar, dapat itong ibaba ng mga Levita. Kapag ang tabernakulo ay itatayo, dapat itong itayo ng mga Levita. At ang sinumang dayuhang lalapit sa tabernakulo ay dapat patayin.
52 At ang mga anak ni Israel ay magtatayo ng kanilang mga tolda, na bawa't lalake ay sa kaniyang sariling kampamento at bawa't lalake ay sa siping ng kaniyang sariling watawat ayon sa kanilang mga hukbo.
Kapag itatayo ng mga tao ng Israel ang kanilang mga tolda, dapat itong gawin ng bawat lalaki malapit sa bandilang nabibilang sa kaniyang armadong grupo.
53 Datapuwa't ang mga Levita ay magsisitayo sa palibot ng tabernakulo ng patotoo, upang huwag magtaglay ng galit sa kapisanan ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay mamahala ng tabernakulo ng patotoo.
Gayon pa man, dapat itayo ng mga Levita ang kanilang mga tolda sa paligid ng tabernakulo ng toldang tipanan upang hindi bumaba ang aking galit sa mga tao ng Israel. Dapat ingatan ng mga Levita ang tabernakulo ng toldang tipanan.”
54 Gayon ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon nila ginawa.
Ginawa ng mga tao ng Israel ang lahat ng mga bagay na ito. Ginawa nila ang lahat na inutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.

< Mga Bilang 1 >