< Mga Bilang 4 >

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
上主訓示梅瑟和亞郎說:「
2 Ayusin ninyo ang bilang ng mga anak ni Coath, sa gitna ng mga anak ni Levi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
你應依照宗族和家系,統計肋未人中的刻哈特子孫,
3 Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang, lahat ng pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa ng gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
由三十歲以上到五十歲,凡應入伍到會幕服務的都要登記。
4 Ito ang paglilingkod ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan, sa mga bagay na kabanalbanalan:
刻哈特子孫在會幕內的任務,是管理至聖之物。
5 Pagka ang kampamento ay isusulong, ay papasok si Aaron sa loob, at ang kaniyang mga anak, at kanilang ibababa ang lambong ng tabing, at kanilang tatakpan niyaon ang kaban ng patotoo:
起營出發時,亞郎和他的兒子應來卸下帳幔,用來包裹約櫃,
6 At kanilang ilalagay sa ibabaw ang isang takip na balat ng foka at kanilang lalatagan ang ibabaw ng isang kayong taganas na bughaw, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon.
上面蒙上海豚皮蓋,其上再舖上純紫布,然後安上杠桿。
7 At sa ibabaw ng dulang ng tinapay na handog ay maglalatag sila ng isang kayong bughaw, at kanilang ilalagay sa ibabaw nito ang mga pinggan, at ang mga sandok, at ang mga mangkok, at ang mga tasa upang buhusan; at ang namamalaging tinapay ay malalagay sa ibabaw niyaon.
在供餅桌上,應舖上子布,擺上盤、匙、杯和奠酒的爵;常供餅應仍在桌上。
8 At kanilang lalatagan ang ibabaw ng mga yaon ng kayong pula, at kanilang tatakpan ito ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga.
以後,在這些物件上,蓋上朱紅布,再蒙上海豚皮罩,然後安上杠桿。
9 At kukuha sila ng isang kayong bughaw at kanilang tatakpan ang kandelerong pangtanglaw at ang mga ilawan, at ang mga gunting, at ang mga pinggan, at ang lahat ng sisidlan ng langis niyaon, na kanilang pinangangasiwaan:
此後,拿一塊紫布,包好燈台和燈盞、剪子、碟子,以及為燈台用的一切油具;
10 At kanilang ilalagay, pati ang lahat ng kasangkapan niyaon sa loob ng isang takip na balat ng foka, at kanilang ilalagay sa ibabaw ng isang patungan.
將燈台和所有的用具,裝入海豚皮袋內,放在擔架上。
11 At ang ibabaw ng dambanang ginto ay kanilang lalatagan ng isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon:
在金祭壇上舖上紫布,再用海豚皮包好,然後安上杠桿。
12 At kanilang kukunin ang lahat ng mga kasangkapan na ukol sa pangangasiwa na ipinangangasiwa nila sa santuario, at kanilang ilalagay sa isang kayong bughaw, at kanilang tatakpan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ipapatong sa patungan.
再把聖所內使用的一切用具都拿來,放在紫布袋內,再蒙上海豚皮罩,放在擔架上。
13 At kanilang aalisin ang mga abo sa dambana at kanilang lalatagan ng isang kayong kulay ube.
把祭壇上的灰清除,舖上紫紅布,
14 At kanilang ipapatong doon ang lahat ng mga kasangkapan na kanilang ipinangangasiwa sa palibot ng dambana, ang suuban at ang mga pangipit, at ang mga pala at ang mga mangkok, lahat ng mga kasangkapan ng dambana; at kanilang lalatagan ng isang panakip na balat ng foka, at kanilang ilalagay ang mga pingga niyaon.
上面放上一切用具:火盆。肉叉、鏟子、盤子以及祭壇上的一切用具;其上再蒙上海豚皮罩,然後安上杠桿。
15 At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.
亞郎和他的兒子包裝完了聖物和聖所的一切用具,起營出發時,刻哈特的子孫纔來抬,免得他們觸摸聖物而死亡:這是刻哈特的子孫對會幕的職務。
16 At ang magiging katungkulan ni Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, ay ang langis sa ilawan, at ang mabangong kamangyan, at ang palaging handog na harina, at ang langis na pang-pahid, at ang pagiingat ng buong tabernakulo at ng lahat na nandoon, ang santuario at ang mga kasangkapan niyaon.
至於亞郎大司祭的兒子厄肋阿匝爾的任務,是管理燈油、香料、日獻的素祭和為傅禮用的油,並照管全會幕與其中所有的聖物和器具。」
17 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
上主訓示梅瑟和亞郎說:「
18 Huwag ninyong ihiwalay ang lipi ng mga angkan ng mga Coathita sa gitna ng mga Levita.
不要使刻哈特族的一支由肋未人中消滅;
19 Kundi gawin ninyo sa kanila ang ganito, upang sila'y mabuhay at huwag mamatay, paglapit nila sa mga kabanalbanalang bagay: si Aaron at ang kaniyang mga anak ay paparoon at ituturo sa bawa't isa ang kanikaniyang paglilingkod at ang kanikaniyang pasanin:
為使他們接近至聖之物時,生存而不死亡,你們對他們應這樣做:亞郎和他的兒子先來,給他們每人指定各人服役和搬運的工作,
20 Nguni't sila'y huwag magsisipasok upang tingnan ang santuario kahit sandali man, baka sila'y mamatay.
免得這些人進去一時見到聖物而遭遇死亡。」
21 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
上主訓示梅瑟說:「
22 Aayusin mo rin ang bilang ng mga anak ni Gerson, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ayon sa kanilang mga angkan;
你要依照家系和宗族統計革爾雄的子孫,
23 Mula sa tatlong pung taong gulang hanggang sa limang pung taong gulang ay bibilangin mo sila; yaong lahat na pumapasok na nangangasiwa sa paglilingkod upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
由三十歲以上到五十歲,凡應入伍到會幕服務的,都要登記。
24 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita, sa paglilingkod at sa pagdadala ng mga pasanin:
革爾雄家族的任務是服役和搬運:
25 Dadalhin nila ang mga tabing ng tabernakulo, at ang tabernakulo ng kapisanan, ang takip niyaon, at ang panakip na balat ng foka na nasa ibabaw nito, at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan;
搬運帳幕的帷幔、會幕和其頂蓬,及其上面蓋的海豚皮和會幕的門簾,
26 At ang mga tabing sa looban, at ang tabing sa pintuang-daan ng looban na nasa siping ng tabernakulo, at ng dambana, at ang mga tali ng mga yaon, at ang lahat ng kasangkapan sa kanilang paglilingkod at ang lahat na marapat na gawin sa mga yaon ay kanilang ipaglilingkod.
庭院的帷幔,圍繞會幕和祭壇庭院的門簾、繩索以及一切為服役用的器具;凡交與他們應作的一切,他們都應執行。
27 Mapapasa kapangyarihan ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang buong paglilingkod ng mga anak ng mga Gersonita sa buong kanilang pasanin, at sa buong kanilang paglilingkod: at inyong ituturo sa kanila ang mga nauukol sa kanilang buong pasanin.
革爾雄人所有的任務,不論是搬運或是服役,應全遵照亞郎和他兒子的吩咐;所以你們應照顧他們搬運一切:
28 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga Gersonita sa tabernakulo ng kapisanan: at ang katungkulan nila ay mapapasa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
這是革爾雄人的家族對會幕的任務;他們應在大司祭亞郎的兒子依塔瑪爾指揮下服役。
29 Tungkol sa mga anak ni Merari, ay bibilangin mo sila ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang;
對默辣黎的子孫,你要依照宗族和家系統計他們;
30 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang ay iyong bibilangin sila, lahat na pumapasok sa paglilingkod, upang gawin ang gawain sa tabernakulo ng kapisanan.
由三十歲以上到五十歲,凡應入伍到會幕服務的,都要登記。
31 At ito ang katungkulan sa kanilang pasanin ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan: ang mga tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan;
依照他們在會幕內所擔任的職務,應搬運的是:帳幕的木板、橫木、柱子和卯座,
32 At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali pati ng lahat ng kasangkapan at ng buong paglilingkod: at ayon sa pangalan, ay ituturo mo sa kanila ang mga kasangkapan na katungkulan sa kanilang pasanin.
庭院四週的柱子、卯座、橛子和繩索,一切用具及服務所需的一切。你們應按名一一指定他們應搬運的物件:
33 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa buong paglilingkod nila sa tabernakulo ng kapisanan, sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
這是默辣黎人的家族,在司祭亞郎的兒子依塔瑪爾指揮下,對會幕應盡的各種職務。」
34 At binilang ni Moises at ni Aaron, at ng mga prinsipe ng kapisanan ang mga anak ng mga Coathita ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang,
梅瑟和亞郎及會眾的首領,依照宗族和家系統計了刻哈特的子孫,
35 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, ang bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan;
由三十歲以上到五十歲,凡應入伍到會幕服務,
36 At yaong nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan, ay dalawang libo at pitong daan at limangpu.
依照宗族登計的,共二千七百五十人:
37 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga Coathita, lahat ng nagsisipaglingkod sa tabernakulo ng kapisanan na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
這是刻哈特人的家族,所有在會幕內服務登記的人數,是梅瑟和亞郎依照上主給梅瑟的命令所統計的。
38 At yaong nangabilang sa mga anak ni Gerson, ang kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang,
革爾雄的子孫,依照宗族和家系登了記,
39 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan.
由三十歲以上到五十歲,凡應入伍到會幕服務,
40 Sa makatuwid baga'y ang nangabilang sa kanila, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay dalawang libo at anim na raan at tatlong pu.
依照宗族和家系登記的,共二千六百三十人:
41 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Gerson, sa lahat ng naglingkod sa tabernakulo ng kapisanan, na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon.
這是革爾雄子孫的家族所有在會幕內服務的登記人數,是梅瑟和亞郎依上主的命令所統計的。
42 At ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
默辣黎子孫的家族,依照宗族和家系都登了記,
43 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok sa paglilingkod, upang gumawa sa tabernakulo ng kapisanan,
由三十歲以上到五十歲,凡應入伍到會幕服務,
44 Sa makatuwid baga'y yaong lahat na nangabilang sa kanila ayon sa kanilang mga angkan, ay tatlong libo at dalawang daan.
依照宗族登記的,共三千二百人:
45 Ito ang nangabilang sa mga angkan ng mga anak ni Merari na binilang ni Moises at ni Aaron, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
這是默辣黎子孫家族登記的人數,是梅瑟和亞郎依照上主給梅瑟的命令所統計的。
46 Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita, na binilang ni Moises at ni Aaron at ng mga prinsipe sa Israel, ayon sa kanilang mga angkan, at ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang,
梅瑟和亞郎並以色列的首領,依照宗族和家系,統計的肋未人的總數,
47 Mula sa tatlong pung taong gulang na patanda hanggang sa limang pung taong gulang, bawa't isa na pumapasok upang gumawa ng gawang paglilingkod, at ng gawang pagdadala ng mga pasanin sa tabernakulo ng kapisanan,
由三十歲以上到五十歲,凡應入伍到會幕服務管理搬運的,
48 Sa makatuwid baga'y yaong nangabilang sa kanila, ay walong libo at limang daan at walong pu.
共計八千五百八十人。
49 Ayon sa utos ng Panginoon ay nangabilang sa pamamagitan ni Moises, bawa't isa ayon sa kaniyang paglilingkod, at ayon sa kaniyang pasanin: ganito niya binilang sila gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
依照上主藉梅瑟所發的命令,給他們每人指定了各人應盡的職務和應搬運的工作;依照上主對梅瑟所吩咐的,他們都這樣登記了。

< Mga Bilang 4 >