< Mga Bilang 29 >

1 At sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod; isang araw ngang sa inyo'y paghihip ng mga pakakak.
A hetedik hónapban, a hónap elsején szent gyülekezés legyen nálatok; semmi szolgai munkát ne végezzetek, a harsonariadás napja legyen az nektek.
2 At kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon, ng isang guyang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan;
És készítsetek égőáldozatot kellemes illatul az Örökkévalónak: egy fiatal tulkot, egy kost, hét egyéves juhot, épeket.
3 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina, na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro, dalawang ikasangpung bahagi sa lalaking tupa,
És ételáldozatuk gyanánt lánglisztet, elegyítve olajjal, három tizedet a tulokhoz, két tizedet a koshoz;
4 At isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero:
és egy tizedet egy juhhoz, a hét juhhoz.
5 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan upang itubos sa inyo:
És egy kecskebakot vétekáldozatnak, hogy engesztelést szerezzen értetek.
6 Bukod pa sa handog na susunugin sa bagong buwan, at sa handog na harina niyaon, at sa palaging handog na susunugin at sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon, ayon sa kanilang palatuntunan, na pinakamasarap na amoy, na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
Az újhold égőáldozatán és annak ételáldozatán kívül, meg az állandó égőáldozaton és ételáldozatán kívül, és italáldozatukat rendeletük szerint, kellemes illatul, tűzáldozat az Örökkévalónak.
7 At sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa; huwag kayong gagawa ng anomang gawa:
És tizedikén ennek a hetedik hónapnak szent gyülekezés legyen nálatok, sanyargassátok magatokat, semmi munkát ne végezzetek.
8 Kundi kayo'y maghahandog sa Panginoon ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy; isang guyang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon: na mga walang kapintasan sa inyo:
Mutassatok be égőáldozat gyanánt az Örökkévalónak kellemes illatul: egy fiatal tulkot, egy kost, hét egyéves juhot, épek legyenek nálatok.
9 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake,
És ételáldozatuk gyanánt lánglisztet, olajjal elegyítve, három tizedet egy tulokhoz, két tizedet egy koshoz;
10 Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero:
egy-egy tizedet egy juhhoz, a hét juhhoz.
11 Isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, bukod pa sa handog dahil sa kasalanan na pangtubos at sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon.
Egy kecskebakot vétekáldozatnak; az engesztelés vétekáldozatán kívül és az állandó égőáldozaton és ételáldozatán, meg italáldozataikon kívül.
12 At sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod, at mangingilin kayong pitong araw sa Panginoon:
És tizenötödik napján a hetedik hónapnak, szent gyülekezés legyen nálatok, semmi szolgai munkát ne végezzetek, üljetek ünnepet az Örökkévalónak hét napig.
13 At maghahandog kayo ng isang handog na susunugin, na pinakahandog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: labing tatlong guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon: na mga walang kapintasan:
És mutassatok be égőáldozatot kellemes illatú tűzáldozat gyanánt az Örökkévalónak: tizenhárom fiatal tulkot, két kost, tizennégy egyéves juhot, épek legyenek.
14 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa bawa't toro sa labing tatlong toro, dalawang ikasangpung bahagi sa bawa't tupang lalake sa dalawang tupang lalake,
És ételáldozatuk gyanánt lánglisztet, elegyítve olajjal, három tizedet egy tulokhoz, a tizenhárom tulokhoz, két tizedet egy koshoz, a két koshoz;
15 At isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa labing apat na kordero
és egy tizedet egy juhhoz, a tizennégy juhhoz.
16 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon at sa inuming handog niyaon.
Egy kecskebakot vétekáldozatnak az állandó égőáldozaton, ételáldozatán és italáldozatán kívül.
17 At sa ikalawang araw ay maghahandog kayo ng labing dalawang guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:
A második napon pedig tizenkét fiatal tulkot, két kost, tizennégy egyéves juhot, épeket;
18 At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa bilang ng mga yaon, alinsunod sa palatuntunan:
meg ételáldozatukat és italáldozataikat a tulkokhoz, a kosokhoz és a juhokhoz számukhoz képest, a rendelet szerint.
19 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon.
És egy kecskebakot vétekáldozatnak, az állandó égőáldozaton és annak ételáldozatán, meg italáldozataikon kívül.
20 At sa ikatlong araw ay labing isang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan;
A harmadik napon pedig tizenegy tulkot, két kost, tizennégy egyéves juhot, épeket;
21 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan.
meg ételáldozatukat és italáldozataikat a tulkokhoz, a kosokhoz és a juhokhoz, számukhoz képest, a rendelet szerint.
22 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.
És egy kecskebakot vétekáldozatnak, az állandó égőáldozaton, ételáldozatán és italáldozatán kívül.
23 At sa ikaapat na araw ay sangpung toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:
A negyedik napon pedig tíz tulkot, két kost, tizennégy egyéves juhot, épeket;
24 Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:
meg ételáldozatukat és italáldozataikat a tulkokhoz, a kosokhoz és juhokhoz, számukhoz képest, a rendelet szerint.
25 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.
És egy kecskebakot vétekáldozatnak, az állandó égőáldozaton, annak ételáldozatán és italáldozatán kívül.
26 At sa ikalimang araw ay siyam na toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:
Az ötödik napon pedig kilenc tulkot, két kost, tizennégy egyéves juhot, épeket;
27 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:
meg ételáldozatukat és italáldozataikat a tulkokhoz, a kosokhoz és a juhokhoz, számukhoz képest, a rendelet szerint.
28 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa handog na inumin niyaon.
És egy bakot vétekáldozatnak, az állandó égőáldozaton, ételáldozatán és italáldozatán kívül.
29 At sa ikaanim na araw, ay walong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:
A hatodik napon pedig nyolc tulkot, két kost; tizennégy egyéves juhot, épeket;
30 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:
meg ételáldozatukat és italáldozataikat a tulkokhoz, a kosokhoz és a juhokhoz, számukhoz képest, a rendelet szerint.
31 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan: bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon,
És egy bakot vétekáldozatnak, az állandó égőáldozaton, annak ételáldozatán és italáldozatain kívül.
32 At sa ikapitong araw ay pitong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:
A hetedik napon pedig hét tulkot, két kost, tizennégy egyéves juhot, épeket;
33 At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:
meg ételáldozatukat és italáldozataikat a tulkokhoz, a kosokhoz és a juhokhoz, számukhoz képest, a rendelet szerint.
34 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.
És egy bakot vétekáldozatnak az állandó égőáldozaton, annak ételáldozatán és italáldozatán kívül.
35 Sa ikawalong araw, ay magkakaroon kayo ng isang takdang pagpupulong; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod;
A nyolcadik napon pedig záró ünnep legyen nálatok, semmi szolgai munkát ne végezzetek.
36 Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: isang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan:
És mutassatok be égőáldozatul kellemes illatú tűzáldozatot az Örökkévalónak: egy tulkot, egy kost, hét egyéves juhot, épeket;
37 Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa toro, sa lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang alinsunod sa palatuntunan:
meg ételáldozatukat és italáldozataikat a tulkokhoz, a kosokhoz és a juhokhoz, számukhoz képest, a rendelet szerint.
38 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.
És egy bakot vétekáldozatnak, az állandó égőáldozaton, annak ételáldozatán és italáldozatain kívül.
39 Ang mga ito ay inyong ihahandog sa Panginoon sa inyong mga takdang kapistahan, bukod pa sa inyong mga panata, at sa inyong mga kusang handog, na mga pinakahandog ninyong susunugin, at ang inyong mga pinakahandog na harina, at ang inyong mga pinakainuming handog, at ang inyong mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan.
Ezeket készítsétek el az Örökkévalónak ünnepeiteken; fogadalmaitokon, önkéntes adományaitokon kívül, égőáldozataitok, ételáldozataitok, italáldozataitok és békeáldozataitok szerint.
40 At isinaysay ni Moises sa mga anak ni Israel, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
És elmondta Mózes Izrael fiainak mind aszerint, amint parancsolta az Örökkévaló Mózesnek.

< Mga Bilang 29 >