< Mga Bilang 2 >

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
خداوند به موسی و هارون فرمود:
2 Ang mga anak ni Israel ay magsisitayo bawa't lalake sa siping ng kaniyang sariling watawat, na may tanda ng mga sangbahayan ng kaniyang mga magulang: sa tapat ng tabernakulo ng kapisanan ay tatayo sila sa palibot.
«قبایل بنی‌اسرائیل باید گرداگرد خیمهٔ ملاقات با فاصلهٔ معینی از آن اردو بزنند و هر یک پرچم و نشان ویژهٔ خود را داشته باشند.»
3 At yaong tatayo sa dakong silanganan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay ang mga sa watawat ng kampamento ng Juda, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Juda ay si Naason na anak ni Aminadab.
جایگاه قبیله‌ها به ترتیب زیر بود: قبیله رهبر تعداد یهودا نحشون (پسر عمیناداب) ۷۴٬۶۰۰ نفر یساکار نتنائیل (پسر صوغر) ۵۴٬۴۰۰ نفر زبولون الی‌آب (پسر حیلون) ۵۷٬۴۰۰ نفر بنابراین، تعداد کل افراد ساکن در بخش یهودا که در سمت شرقی اردوگاه قرار داشت، ۱۸۶٬۴۰۰ نفر بود. هرگاه بنی‌اسرائیل به مکان تازه‌ای کوچ می‌کردند، این سه قبیله به ترتیب، پیشاپیش آنها حرکت می‌کردند و راه را نشان می‌دادند. قبیله رهبر تعداد رئوبین الیصور (پسر شدی‌ئور) ۴۶٬۵۰۰ نفر شمعون شلومی‌ئیل (پسر صوریشدای) ۵۹٬۳۰۰ نفر جاد الیاساف (پسر دعوئیل) ۴۵٬۶۵۰ نفر بنابراین، تعداد کل افراد ساکن در بخش رئوبین که در سمت جنوبی اردوگاه قرار داشت، ۱۵۱٬۴۵۰ نفر بود. هر وقت بنی‌اسرائیل کوچ می‌کردند، این سه قبیله به ترتیب در ردیف بعدی قرار می‌گرفتند. پشت سر این دو ردیف، لاویان با خیمهٔ عبادت حرکت می‌کردند. هنگام کوچ، افراد هر قبیله زیر علم خاص خود، دسته جمعی حرکت می‌کردند، به همان ترتیبی که در اردوگاه، هر قبیله از قبیلهٔ دیگر جدا بود. قبیله رهبر تعداد افرایم الیشمع (پسر عمیهود) ۴۰٬۵۰۰ نفر منسی جملی‌ئیل (پسر فدهصور) ۳۲٬۲۰۰ نفر بنیامین ابیدان (پسر جدعونی) ۳۵٬۴۰۰ نفر بنابراین، تعداد کل افراد ساکن در بخش افرایم که در سمت غربی اردوگاه قرار داشت، ۱۰۸٬۱۰۰ نفر بود. موقع کوچ کردن، این سه قبیله به ترتیب در ردیف بعدی قرار داشتند. قبیله رهبر تعداد دان اخیعزر (پسر عمیشدای) ۶۲٬۷۰۰ نفر اشیر فجعی‌ئیل (پسر عکران) ۴۱٬۵۰۰ نفر نفتالی اخیرع (پسر عینان) ۵۳٬۴۰۰ نفر بنابراین تعداد کل افراد ساکن در بخش دان که در سمت شمالی اردوگاه قرار داشت، ۱۵۷٬۶۰۰ نفر بود. هنگام کوچ، این سه قبیله به ترتیب، پس از همه حرکت می‌کردند.
4 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay pitong pu't apat na libo at anim na raan.
5 At yaong magsisitayo sa siping niya ay ang lipi ni Issachar: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Issachar ay si Nathanael na anak ni Suar.
6 At ang kaniyang hukbo, at ang nangabilang niyaon ay limang pu't apat na libo at apat na raan.
7 At ang lipi ni Zabulon: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Zabulon, ay si Eliab na anak ni Helon:
8 At ang kaniyang hukbo, at ang nangabilang niyaon, ay limang pu't pitong libo at apat na raan.
9 Lahat ng nangabilang sa kampamento ng Juda ay isang daan at walong pu't anim na libo at apat na raan, ayon sa kanilang mga hukbo. Sila ang unang magsisisulong.
10 Sa dakong timugan, ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Ruben, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe ng mga anak ni Ruben, ay si Elisur na anak ni Sedeur.
11 At ang kaniyang hukbo at ang nangabilang niyaon, ay apat na pu't anim na libo at limang daan.
12 At yaong tatayo sa siping niya ay ang lipi ni Simeon: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Simeon ay si Selumiel na anak ni Zurisaddai.
13 At ang kaniyang hukbo at yaong nangabilang sa kanila, ay limang pu't siyam na libo at tatlong daan:
14 At ang lipi ni Gad: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Gad ay si Eliasaph na anak ni Rehuel:
15 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't limang libo at anim na raan at limang pu.
16 Lahat ng nangabilang sa kampamento ng Ruben ay isang daan at limang pu't isang libo at apat na raan at limang pu, ayon sa kanilang mga hukbo. At sila ang pangalawang magsisisulong.
17 Kung magkagayon, ang tabernakulo ng kapisanan ay susulong na kaakbay ng kampamento ng mga Levita sa gitna ng mga kampamento: ayon sa kanilang pagkahantong, ay gayon sila magsisisulong, na bawa't lalake ay sa kanikaniyang sariling dako, sa siping ng kanilang mga watawat.
18 Sa dakong kalunuran ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Ephraim, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Ephraim ay si Elisama na anak ni Ammiud.
19 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pung libo at limang daan.
20 At sa siping niya ay malalagay ang lipi ni Manases at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Manases ay si Gamaliel na anak ni Pedasur.
21 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay tatlong pu't dalawang libo at dalawang daan:
22 At ang lipi ni Benjamin: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Benjamin, ay si Abidan na anak ni Gedeon.
23 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila, ay tatlong pu't limang libo at apat na raan.
24 Yaong lahat na nangabilang sa kampamento ng Ephraim ay isang daan at walong libo at isang daan, ayon sa kanilang mga hukbo. At sila ang pangatlong magsisisulong.
25 Sa dakong hilagaan ay malalagay ang watawat ng kampamento ng Dan, ayon sa kanilang mga hukbo: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Dan, ay si Ahiezer na anak ni Ammisaddai.
26 At ang kanilang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay anim na pu't dalawang libo at pitong daan.
27 At yaong hahantong sa siping niya ay ang lipi ni Aser: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Aser ay si Phegiel na anak ni Ocran:
28 At ang kaniyang hukbo, at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pu't isang libo at limang daan.
29 At ang lipi ni Nephtali: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Nephtali ay si Ahira na anak ni Enan.
30 At ang kaniyang hukbo at yaong nangabilang sa kanila ay limang pu't tatlong libo at apat na raan.
31 Yaong lahat na nangabilang sa kampamento ng Dan, ay isang daan at limang pu't pitong libo at anim na raan. Sila ang magsisisulong na huli, ayon sa kanilang mga watawat.
32 Ito ang nangabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: yaong lahat na nangabilang sa mga kampamento, ayon sa kanilang mga hukbo, ay anim na raan at tatlong libo at limang daan at limang pu.
پس تعداد کل سپاهیان بنی‌اسرائیل، ۶۰۳٬۵۵۰ نفر بود (غیر از لاویان که به دستور خداوند سرشماری نشدند).
33 Datapuwa't ang mga Levita ay hindi ibinilang sa mga anak ni Israel: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
34 Gayon ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises ay gayon sila humantong sa siping ng kanilang mga watawat, at gayon sila nagsisulong, na bawa't isa'y ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
به این ترتیب قوم اسرائیل طبق دستوری که خداوند به موسی داده بود، عمل کردند؛ آنان با خاندان و خانوادهٔ خود کوچ می‌کردند و زیر پرچم قبیلهٔ خود اردو می‌زدند.

< Mga Bilang 2 >