< Mga Bilang 18 >
1 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Ikaw at ang iyong mga anak at ang sangbahayan ng iyong mga magulang na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng santuario: at ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo ay magtataglay ng kasamaan ng inyong pagkasaserdote.
耶和華對亞倫說:「你和你的兒子,並你本族的人,要一同擔當干犯聖所的罪孽。你和你的兒子也要一同擔當干犯祭司職任的罪孽。
2 At ang iyong mga kapatid naman, ang lipi ni Levi, ang lipi ng iyong ama, ay palalapitin mo sa iyo upang sila'y lumakip sa iyo at mangasiwa sa iyo: nguni't ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay lalagay sa harap ng tabernakulo ng patotoo.
你要帶你弟兄利未人,就是你祖宗支派的人前來,使他們與你聯合,服事你,只是你和你的兒子,要一同在法櫃的帳幕前供職。
3 At kanilang iingatan ang iyong katungkulan, at ang katungkulan ng buong tolda: huwag lamang silang lalapit sa mga kasangkapan ng santuario ni sa dambana, upang huwag silang mamatay, ni maging kayo.
他們要守所吩咐你的,並守全帳幕,只是不可挨近聖所的器具和壇,免得他們和你們都死亡。
4 At sila'y lalakip sa iyo, at mag-iingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, sa buong paglilingkod sa tolda: at sinomang taga ibang lupa ay huwag lalapit sa inyo.
他們要與你聯合,也要看守會幕,辦理帳幕一切的事,只是外人不可挨近你們。
5 At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario, at ang katungkulan ng dambana; upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel.
你們要看守聖所和壇,免得忿怒再臨到以色列人。
6 At ako, narito, aking pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: sa inyo sila ay isang kaloob, na bigay sa Panginoon, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
我已將你們的弟兄利未人從以色列人中揀選出來歸耶和華,是給你們為賞賜的,為要辦理會幕的事。
7 At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin.
你和你的兒子要為一切屬壇和幔子內的事一同守祭司的職任。你們要這樣供職;我將祭司的職任給你們當作賞賜事奉我。凡挨近的外人必被治死。」
8 At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At ako'y, narito, aking ibinigay sa iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan man.
耶和華曉諭亞倫說:「我已將歸我的舉祭,就是以色列人一切分別為聖的物,交給你經管;因你受過膏,把這些都賜給你和你的子孫,當作永得的分。
9 Ito'y magiging iyo sa mga pinakabanal na bagay, na hindi pinaraan sa apoy: bawa't alay nila, bawa't handog na harina nila, at bawa't handog nila dahil sa kasalanan, at bawa't handog nila dahil sa pagkakasala na kanilang ihahandog sa akin, ay magiging pinaka banal sa iyo at sa iyong mga anak.
以色列人歸給我至聖的供物,就是一切的素祭、贖罪祭、贖愆祭,其中所有存留不經火的,都為至聖之物,要歸給你和你的子孫。
10 Gaya ng mga kabanalbanalang bagay ay kakain ka ng mga iyan: bawa't lalake ay kakain niyaon magiging banal na bagay sa iyo.
你要拿這些當至聖物吃;凡男丁都可以吃。你當以此物為聖。
11 At ito ay iyo; ang handog na itinaas na kanilang kaloob, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga handog na inalog ng mga anak ni Israel: aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo na marapat na bahagi magpakailan man: bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.
以色列人所獻的舉祭並搖祭都是你的;我已賜給你和你的兒女,當作永得的分;凡在你家中的潔淨人都可以吃。
12 Lahat ng pinakamainam sa langis, at lahat ng pinakamainam sa alak, at sa trigo, ang mga pinakaunang bunga ng mga yaon na kanilang ibibigay sa Panginoon, ay ibibigay ko sa iyo.
凡油中、新酒中、五穀中至好的,就是以色列人所獻給耶和華初熟之物,我都賜給你。
13 Ang mga unang hinog na bunga ng lahat na nasa kanilang lupain, na kanilang dinadala sa Panginoon, ay magiging iyo; bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.
凡從他們地上所帶來給耶和華初熟之物也都要歸與你。你家中的潔淨人都可以吃。
14 Lahat ng mga bagay na natatalaga sa Israel ay magiging iyo.
以色列中一切永獻的都必歸與你。
15 Lahat ng mga bagay na nagbubukas ng bahay-bata, sa lahat ng laman na kanilang inihahandog sa Panginoon, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, ay magiging iyo: gayon man ang panganay sa tao ay tunay na iyong tutubusin, at ang panganay sa maruruming hayop ay iyong tutubusin.
他們所有奉給耶和華的,連人帶牲畜,凡頭生的,都要歸給你;只是人頭生的,總要贖出來;不潔淨牲畜頭生的,也要贖出來。
16 At yaong mga matutubos sa kanila, mula sa isang buwang gulang ay iyong tutubusin, ayon sa iyong pagkahalaga, ng limang siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario (na dalawang pung gera).
其中在一月之外所當贖的,要照你所估定的價,按聖所的平,用銀子五舍客勒贖出來(一舍客勒是二十季拉)。
17 Nguni't ang panganay ng baka, o ang panganay ng tupa, o ang panganay ng kambing ay huwag mong tutubusin; mga banal: iyong iwiwisik ang kanilang dugo sa ibabaw ng dambana, at iyong susunugin ang kanilang taba na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
只是頭生的牛,或是頭生的綿羊和山羊,必不可贖,都是聖的,要把牠的血灑在壇上,把牠的脂油焚燒,當作馨香的火祭獻給耶和華。
18 At ang laman nila ay magiging iyo, gaya ng dibdib na inalog at gaya ng kanang hita ay magiging iyo.
牠的肉必歸你,像被搖的胸、被舉的右腿歸你一樣。
19 Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo.
凡以色列人所獻給耶和華聖物中的舉祭,我都賜給你和你的兒女,當作永得的分。這是給你和你的後裔、在耶和華面前作為永遠的鹽約。」
20 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel.
耶和華對亞倫說:「你在以色列人的境內不可有產業,在他們中間也不可有分。我就是你的分,是你的產業。」
21 At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
「凡以色列中出產的十分之一,我已賜給利未的子孫為業;因他們所辦的是會幕的事,所以賜給他們為酬他們的勞。
22 At sa haharapin ay huwag lalapit ang mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, baka sila'y magtaglay ng kasalanan, at mamatay.
從今以後,以色列人不可挨近會幕,免得他們擔罪而死。
23 Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at kanilang tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
惟獨利未人要辦會幕的事,擔當罪孽;這要作你們世世代代永遠的定例。他們在以色列人中不可有產業;
24 Sapagka't ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya't aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
因為以色列人中出產的十分之一,就是獻給耶和華為舉祭的,我已賜給利未人為業。所以我對他們說:『在以色列人中不可有產業。』」
25 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
耶和華吩咐摩西說:
26 Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi.
「你曉諭利未人說:你們從以色列人中所取的十分之一,就是我給你們為業的,要再從那十分之一中取十分之一作為舉祭獻給耶和華,
27 At ang inyong handog na itinaas ay ibibilang sa inyo, na parang trigo ng giikan at ng kasaganaan ng pisaan ng ubas.
這舉祭要算為你們場上的穀,又如滿酒醡的酒。
28 Ganito rin kayo maghahandog ng handog na itinaas sa Panginoon sa inyong buong ikasangpung bahagi, na inyong tinatanggap sa mga anak ni Israel; at ganito ibibigay ninyo ang handog na itinaas sa Panginoon kay Aaron na saserdote.
這樣,你們從以色列人中所得的十分之一也要作舉祭獻給耶和華,從這十分之一中,將所獻給耶和華的舉祭歸給祭司亞倫。
29 Sa lahat ng inyong natanggap na kaloob ay inyong ihahandog ang bawa't handog na itinaas sa Panginoon, ang lahat ng pinakamainam niyaon, sa makatuwid baga'y ang banal na bahagi niyaon.
奉給你們的一切禮物,要從其中將至好的,就是分別為聖的,獻給耶和華為舉祭。
30 Kaya't iyong sasabihin sa kanila, Pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa handog, ay ibibilang nga sa mga Levita, na parang bunga ng giikan, at parang pakinabang sa pisaan ng ubas.
所以你要對利未人說:你們從其中將至好的舉起,這就算為你們場上的糧,又如酒醡的酒。
31 At inyong kakanin saa't saan man, ninyo at ng inyong mga kasangbahay: sapagka't kabayaran sa inyo, na ganti sa inyong paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
你們和你們家屬隨處可以吃;這原是你們的賞賜,是酬你們在會幕裏辦事的勞。
32 At hindi kayo magtataglay ng kasalanan dahil dito, pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa mga yaon: at huwag ninyong lalapastanganin ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, upang huwag kayong mamatay.
你們從其中將至好的舉起,就不致因這物擔罪。你們不可褻瀆以色列人的聖物,免得死亡。」