< Mga Bilang 15 >

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
The LORD spoke to Moses, saying,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain na inyong mga tahanan, na aking ibibigay sa inyo,
“Speak to the children of Israel, and tell them, ‘When you have come into the land of your habitations, which I give to you,
3 At maghahandog kayo sa Panginoon ng pinaraan sa apoy na handog na susunugin, o ng hain upang tumupad ng panata, o ng kusang handog, o sa inyong mga takdang kapistahan, upang gawing masarap na amoy sa Panginoon, na mula sa bakahan, o mula sa kawan:
and will make an offering by fire to the LORD—a burnt offering, or a sacrifice, to accomplish a vow, or as a free will offering, or in your set feasts, to make a pleasant aroma to the LORD, of the herd, or of the flock—
4 Kung gayon ay maghandog sa Panginoon yaong maghahandog ng alay ng isang handog na harina, na ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis:
then he who offers his offering shall offer to the LORD a meal offering of one tenth of an efah of fine flour mixed with one fourth of a hin of oil.
5 At ng alak na inuming handog, na ikaapat na bahagi ng isang hin, ang iyong ihahanda na kalakip ng handog na susunugin, o ng hain, sa bawa't kordero.
You shall prepare wine for the drink offering, one fourth of a hin, with the burnt offering or for the sacrifice, for each lamb.
6 O kung isang tupang lalake, ay iyong ihahanda na pinakahandog na harina, ang dalawang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng ikatlong bahagi ng isang hin ng langis:
“‘For a ram, you shall prepare for a meal offering two tenths of an efah of fine flour mixed with the third part of a hin of oil;
7 At bilang pinakainuming handog ay iyong ihahandog ang ikatlong bahagi ng isang hin ng alak na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
and for the drink offering you shall offer the third part of a hin of wine, of a pleasant aroma to the LORD.
8 At pagka maghahanda ka ng isang toro na handog na susunugin, o upang ihain, sa katuparan ng isang panata, o upang mga handog sa Panginoon tungkol sa kapayapaan;
When you prepare a bull for a burnt offering or for a sacrifice, to accomplish a vow, or for peace offerings to the LORD,
9 Ay kaniyang ihahandog nga na kalakip ng toro ang isang handog na harina na tatlong ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na hinaluan ng kalahating hin ng langis.
then he shall offer with the bull a meal offering of three tenths of an efah of fine flour mixed with half a hin of oil;
10 At iyong ihahandog na pinakainuming handog ay kalahating hin ng alak na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
and you shall offer for the drink offering half a hin of wine, for an offering made by fire, of a pleasant aroma to the LORD.
11 Gayon gagawin sa bawa't toro, o sa bawa't tupang lalake, o sa bawa't korderong lalake, o sa mga anak ng kambing.
Thus it shall be done for each bull, for each ram, for each of the male lambs, or of the young goats.
12 Ayon sa bilang ng inyong ihahanda, ay gayon ninyong gagawin sa bawa't isa ayon sa kanilang bilang.
According to the number that you shall prepare, so you shall do to everyone according to their number.
13 Lahat ng tubo sa lupain ay gagawa ng mga bagay na ito sa ganitong paraan, sa paghahandog ng handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
“‘All who are native-born shall do these things in this way, in offering an offering made by fire, of a pleasant aroma to the LORD.
14 At kung ang isang taga ibang bayan ay makipamayang kasama ninyo, o sinomang nasa gitna ninyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, at maghahandog ng handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; ay kaniyang gagawin ang gaya ng inyong ginagawa.
If a stranger lives as a foreigner with you, or whoever may be amongst you throughout your generations, and will offer an offering made by fire, of a pleasant aroma to the LORD, as you do, so he shall do.
15 Sa kapisanan ay magkakaroon ng isang palatuntunan sa inyo, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo, isang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi: kung paano kayo, ay magiging gayon din ang taga ibang bayan sa harap ng Panginoon.
For the assembly, there shall be one statute for you and for the stranger who lives as a foreigner, a statute forever throughout your generations. As you are, so the foreigner shall be before the LORD.
16 Isang kautusan at isang ayos ay magkakaroon sa inyo, at sa taga ibang bayan sa nakikipamayan sa inyo.
One law and one ordinance shall be for you and for the stranger who lives as a foreigner with you.’”
17 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
The LORD spoke to Moses, saying,
18 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupaing aking pinagdadalhan sa inyo,
“Speak to the children of Israel, and tell them, ‘When you come into the land where I bring you,
19 Ay mangyayari nga, na pagkain ninyo ng tinapay sa lupain, ay maghahandog kayo ng isang handog na itinaas sa Panginoon.
then it shall be that when you eat of the bread of the land, you shall offer up a wave offering to the LORD.
20 Sa pinaka una sa inyong masang harina ay maghahandog kayo ng isang munting tinapay na pinakahandog na itinaas: kung paano ninyo ginagawa ang handog na itinaas tungkol sa giikan, ay gayon ninyo itataas ito.
Of the first of your dough you shall offer up a cake for a wave offering. As the wave offering of the threshing floor, so you shall heave it.
21 Sa pinaka una sa inyong masang harina ay magbibigay kayo sa Panginoon ng isang handog na itinaas sa buong panahon ng inyong mga lahi.
Of the first of your dough, you shall give to the LORD a wave offering throughout your generations.
22 At pagka kayo'y nagkamali, at hindi ninyo tinupad ang lahat ng utos na ito, na sinalita ng Panginoon kay Moises,
“‘When you err, and don’t observe all these commandments which the LORD has spoken to Moses—
23 Sa makatuwid baga'y lahat ng iniutos ng Panginoon sa inyo sa pamamagitan ni Moises, mula sa araw na lagdaan kayo ng utos ng Panginoon, at sa haharapin sa buong panahon ng inyong mga lahi;
even all that the LORD has commanded you by Moses, from the day that the LORD gave commandment and onward throughout your generations—
24 Ay mangyayari nga na kung magkasala ng walang malay, na hindi nalalaman ng kapisanan, na ang buong kapisanan ay maghahandog ng isang guyang toro na pinakahandog na susunugin, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon, na kalakip ng handog na harina niyaon at inuming handog niyaon, ayon sa ayos, at isang lalaking kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan.
then it shall be, if it was done unwittingly, without the knowledge of the congregation, that all the congregation shall offer one young bull for a burnt offering, for a pleasant aroma to the LORD, with its meal offering and its drink offering, according to the ordinance, and one male goat for a sin offering.
25 At itutubos ng saserdote sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sila'y patatawarin; sapagka't isang kamalian, at kanilang dinala ang kanilang alay, na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ang kanilang handog dahil sa kasalanan sa harap ng Panginoon, dahil sa kanilang kamalian:
The priest shall make atonement for all the congregation of the children of Israel, and they shall be forgiven; for it was an error, and they have brought their offering, an offering made by fire to the LORD, and their sin offering before the LORD, for their error.
26 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay patatawarin at ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila; sapagka't tungkol sa buong bayang nakagawa ng walang malay.
All the congregation of the children of Israel shall be forgiven, as well as the stranger who lives as a foreigner amongst them; for with regard to all the people, it was done unwittingly.
27 At kung ang isang tao ay nagkasala ng walang malay, ay maghahandog nga siya ng isang kambing na babae ng unang taon na pinakahandog dahil sa kasalanan.
“‘If a person sins unwittingly, then he shall offer a female goat a year old for a sin offering.
28 At itutubos ng saserdote sa taong nagkamali, kung tunay na siya'y nagkasala ng walang malay sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya; at siya'y patatawarin.
The priest shall make atonement for the soul who errs when he sins unwittingly before the LORD. He shall make atonement for him; and he shall be forgiven.
29 Kayo'y magkakaroon ng isang kautusan sa kaniya na nagkasala ng walang malay, sa kaniya na ipinanganak sa gitna ng mga anak ni Israel, at sa taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila.
You shall have one law for him who does anything unwittingly, for him who is native-born amongst the children of Israel, and for the stranger who lives as a foreigner amongst them.
30 Nguni't ang tao na makagawa ng anoman ng buong kapusukan, maging tubo sa lupain o taga ibang lupa, ay lumapastangan sa Panginoon; at ang taong yaon ay ihihiwalay sa gitna ng kaniyang bayan.
“‘But the soul who does anything with a high hand, whether he is native-born or a foreigner, blasphemes the LORD. That soul shall be cut off from amongst his people.
31 Sapagka't kaniyang hinamak ang salita ng Panginoon, at kaniyang sinira ang kaniyang utos; ang taong yaon ay lubos na ihihiwalay, ang kaniyang kasamaan ay tataglayin niya.
Because he has despised the LORD’s word, and has broken his commandment, that soul shall be utterly cut off. His iniquity shall be on him.’”
32 At samantalang ang mga anak ni Israel ay nangasa ilang, ay nakasumpong sila ng isang lalake na namumulot ng kahoy sa araw ng sabbath.
While the children of Israel were in the wilderness, they found a man gathering sticks on the Sabbath day.
33 At silang nakasumpong sa kaniya na namumulot ng kahoy, ay dinala siya kay Moises, at kay Aaron, at sa buong kapisanan.
Those who found him gathering sticks brought him to Moses and Aaron, and to all the congregation.
34 At kanilang inilagay siya sa bilangguan, sapagka't hindi pa ipinahahayag kung ano ang gagawin sa kaniya.
They put him in custody, because it had not been declared what should be done to him.
35 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang lalake ay walang pagsalang papatayin; babatuhin siya ng buong kapisanan sa labas ng kampamento.
The LORD said to Moses, “The man shall surely be put to death. All the congregation shall stone him with stones outside of the camp.”
36 At inilabas siya ng buong kapisanan sa kampamento at kanilang binato siya hanggang sa mamatay ng mga bato; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
All the congregation brought him outside of the camp, and stoned him to death with stones, as the LORD commanded Moses.
37 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
The LORD spoke to Moses, saying,
38 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila na sila'y gumawa ng mga tirintas sa mga laylayan ng kanilang mga damit sa buong panahon ng kanilang mga lahi, at kanilang patungan ang tirintas ng bawa't laylayan ng isang panaling bughaw:
“Speak to the children of Israel, and tell them that they should make themselves fringes on the borders of their garments throughout their generations, and that they put on the fringe of each border a cord of blue.
39 At sa inyo'y magiging isang tirintas, upang inyong mamasdan, at inyong maalaala ang lahat ng mga utos ng Panginoon, at inyong tuparin; at upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso at sa inyong sariling mga mata, na siya ninyong ipinangaapid:
It shall be to you for a fringe, that you may see it, and remember all the LORD’s commandments, and do them; and that you don’t follow your own heart and your own eyes, after which you used to play the prostitute;
40 Upang inyong maalaala at gawin ang lahat ng aking mga utos, at maging banal kayo sa inyong Dios.
so that you may remember and do all my commandments, and be holy to your God.
41 Ako ang Panginoon ninyong Dios, na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang maging inyong Dios: ako ang Panginoon ninyong Dios.
I am the LORD your God, who brought you out of the land of Egypt, to be your God: I am the LORD your God.”

< Mga Bilang 15 >