< Nehemias 9 >
1 Nang ikadalawang pu't apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may pananamit na magaspang, at may lupa sa ulo nila.
In the foure and twentieth day of this moneth the children of Israel were assembled with fasting, and with sackecloth, and earth vpon them.
2 At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang.
(And they that were of the seede of Israel were separated from all the strangers) and they stoode and confessed their sinnes and the iniquities of their fathers.
3 At sila'y nagsitayo sa kanilang dako, at bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Dios ng isang ikaapat na bahagi ng araw; at ang isang ikaapat na bahagi ay nagpahayag ng kasalanan, at nagsisamba sa Panginoon nilang Dios.
And they stood vp in their place and read in the booke of the Lawe of the Lord their GOD foure times on the day, and they confessed and worshipped the Lord their God foure times.
4 Nang magkagayo'y nagsitayo sa mga baytang ng mga Levita, si Jesua, at si Bani, si Cadmiel, si Sebanias, si Bunni, si Serebias, si Bani at si Chenani, at nagsidaing ng malakas sa Panginoon nilang Dios.
Then stoode vp vpon the staires of the Leuites Ieshua, and Bani, Kadmiel, Shebaniah, Bunni, Sherebiah, Bani, and Chenani, and cryed with a loud voyce vnto the Lord their God.
5 Nang magkagayo'y ang mga Levita; si Jesua at si Cadmiel, si Bani, at si Hosabnias, si Serebias, si Odaias, si Sebanias, at si Pethaia, ay nagsipagsabi, Kayo'y magsitayo at magsipuri sa Panginoon ninyong Dios na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan: at purihin ang iyong maluwalhating pangalan, na nataas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri.
And the Leuites said, euen Ieshua and Kadmiel, Bani, Hashabniah, Sherebiah, Hodiiah, Shebaniah and Pethahiah, Stande vp, and praise the Lord your God for euer, and euer, and let them praise thy glorious Name, O God, which excelleth aboue all thankesgiuing and praise.
6 Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.
Thou art Lord alone: thou hast made heauen, and the heauen of all heauens, with all their hoste, the earth, and all things that are therein, the seas, and al that are in them, and thou preseruest them all, and the host of the heauen worshippeth thee.
7 Ikaw ang Panginoon na Dios, na siyang pumili kay Abram, at naglabas sa kaniya sa Ur ng mga Caldeo, at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.
Thou art, O Lord, the God, that hast chosen Abram, and broughtest him out of Vr in Caldea, and madest his name Abraham,
8 At nasumpungan mo ang kaniyang puso na tapat sa harap mo, at nakipagtipan ka sa kaniya, upang ibigay ang lupain ng Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Jebuseo, at ng Gergeseo, upang ibigay sa kaniyang binhi, at tumupad ng iyong mga salita; sapagka't ikaw ay matuwid.
And foundest his heart faithful before thee, and madest a couenant with him, to giue vnto his seede the lande of the Canaanites, Hittites, Amorites, and Perizzites, and Iebusites, and Girgashites, and hast performed thy wordes, because thou art iust.
9 At iyong nakita ang kadalamhatian ng aming mga magulang sa Egipto, at iyong dininig ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Mapula:
Thou hast also considered the affliction of our fathers in Egypt, and heard their cry by the red Sea,
10 At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod, at sa buong bayan ng kaniyang lupain; sapagka't iyong nakilala na sila'y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila; at ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito.
And shewed tokens and wonders vpon Pharaoh, and on all his seruants, and on all the people of his land: for thou knewest that they dealt proudely against them: therefore thou madest thee a Name, as appeareth this day.
11 At iyong hinawi ang dagat sa harap nila na anopa't sila'y nagsidaan sa gitna ng dagat sa tuyong lupa; at ang mga manghahabol sa kanila ay iyong ibinulusok sa mga kalaliman na gaya ng isang bato sa malalim na tubig.
For thou didest breake vp the Sea before them, and they went through the middes of the Sea on dry lande: and those that pursued them, hast thou cast into the bottomes as a stone, in the mightie waters:
12 Bukod dito'y iyong pinatnubayan sila sa isang tila haliging ulap sa araw; at sa isang tila haliging apoy sa gabi, upang bigyan sila ng tanglaw sa daan na kanilang lalakaran.
And leddest them in the day with a pillar of a cloude, and in the night with a pillar of fire to giue them light in the way that they went.
13 Ikaw rin naman ay bumaba sa bundok ng Sinai, at nagsalita ka sa kanila mula sa langit, at binigyan mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan, mga mabuting palatuntunan at mga utos:
Thou camest downe also vpon mount Sinai, and spakest vnto them from heauen, and gauest them right iudgements, and true lawes, ordinances and good commandements,
14 At ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na sabbath, at nagutos ka sa kanila ng mga utos, at ng mga palatuntunan, at ng kautusan, sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod:
And declaredst vnto them thine holy Sabbath, and commandedst them precepts, and ordinances, and lawes, by the hande of Moses thy seruant:
15 At nagbigay ka sa kanila ng tinapay na mula sa langit sa kanilang pagkagutom, at nilabasan mo sila ng tubig na mula sa malaking bato sa kanilang pagkauhaw, at inutusan mo sila na magsipasok na ariin ang lupain na iyong isinumpa upang ibigay sa kanila.
And gauest them bread from heauen for their hunger, and broughtest forth water for them out of the rocke for their thirst: and promisedst them that they shoulde goe in, and take possession of the land: for the which thou haddest lift vp thine hand for to giue them.
16 Nguni't sila at ang aming mga magulang ay nagsigawa na may kapalaluan, at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi dininig ang iyong mga utos.
But they and our fathers behaued them selues proudely, and hardened their neck, so that they hearkened not vnto thy commandements,
17 At nagsitanggi na magsisunod, ni hindi man inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila, kundi nagpatigas ng kanilang leeg, at sa kanilang panghihimagsik ay naghalal ng isang punong kawal upang magsibalik sa kanilang pagkabihag. Nguni't ikaw ay Dios na madaling magpatawad, mapagbiyaya at puspos ng kaawaan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kahabagan, at hindi mo pinabayaan sila.
But refused to obey, and would not remember thy marueilous works that thou haddest done for them, but hardened their neckes, and had in their heads to returne to their bondage by their rebellion: but thou, O God of mercies, gratious and full of compassion, of long suffring and of great mercie, yet forsookest them not.
18 Oo, nang sila'y magsigawa sa kanila ng isang guyang binubo, at magsabi, Ito ay iyong Dios na nagahon sa iyo mula sa Egipto, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi;
Moreouer, when they made them a molten calfe (and said, This is thy God that brought thee vp out of the land of Egypt) and committed great blasphemies,
19 Gayon ma'y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang: ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw, upang patnubayan sila sa daan; ni ang tila haliging apoy man sa gabi, upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran.
Yet thou for thy great mercies forsookest them not in the wildernesse: the pillar of the cloude departed not from them by day to leade them the way, neither the pillar of fire by night, to shew them light, and the way whereby they should goe.
20 Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig, at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw.
Thou gauest also thy good Spirite to instruct them, and withheldest not thy MAN from their mouth, and gauest them water for their thirst.
21 Oo apat na pung taon na iyong kinandili sila sa ilang, at hindi sila nagkulang ng anoman; ang kanilang mga suot ay hindi naluma, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.
Thou didest also feede them fourtie yeres in ye wildernes: they lacked nothing: their clothes waxed not old, and their feete swelled not.
22 Bukod dito'y binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan, na iyong binahagi ayon sa kanilang mga bahagi: sa gayo'y kanilang inari ang lupain ng Sehon, sa makatuwid baga'y ang lupain ng hari sa Hesbon, at ang lupain ni Og na hari, sa Basan.
And thou gauest them kingdomes and people, and scatteredst them into corners: so they possessed the land of Sihon and the land of ye King of Heshbon, and the land of Og King of Bashan.
23 Ang kanila namang mga anak ay pinarami mo na gaya ng mga bituin sa langit, at mga ipinasok mo sila sa lupain, tungkol doon sa iyong sinabi sa kanilang mga magulang, na sila'y magsiparoon, upang ariin.
And thou diddest multiplie their children, like the starres of the heauen, and broughtest them into the lande, whereof thou haddest spoken vnto their fathers, that they should goe, and possesse it.
24 Sa gayo'y ang mga anak ay pumasok at inari ang lupain, at iyong pinasuko sa harap nila ang mga mananahan sa lupain, ang mga Cananeo, at ibinigay mo sa kanilang mga kamay, pati ng kanilang mga hari, at ang mga bayan ng lupain, upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang ibigin.
So the children went in, and possessed the lande, and thou subduedst before them the inhabitants of the lande, euen the Canaanites, and gauest them into their handes, with their Kings and the people of the lande, that they might do with them what they would.
25 At sila'y nagsisakop ng mga bayan na nakukutaan, at ng matabang lupain, at nangagari ng mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, ng mga balon na hinukay, ng mga ubasan, at ng mga olibohan, at ng mga punong kahoy na may bungang sagana: na anopa't sila'y nagsikain, at nangabusog, at naging mataba, at nangaaliw sa iyong malaking kagandahang loob.
And they tooke their strong cities and the fat lande, and possessed houses, full of all goods, cisternes digged out, vineyardes, and oliues, and trees for foode in abundance, and they did eate, and were filled, and became fat, and liued in pleasure through thy great goodnesse.
26 Gayon ma'y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo, at tinalikdan ang iyong kautusan, at pinatay ang iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila'y magsipanumbalik sa iyo, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi.
Yet they were disobedient, and rebelled against thee, and cast thy Lawe behinde their backes, and slewe thy Prophets (which protested among them to turne them vnto thee) and committed great blasphemies.
27 Kaya't iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na siyang nangagpapanglaw sa kanila: at sa panahon ng kanilang kabagabagan, nang sila'y magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas, na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban.
Therefore thou deliueredst them into the hande of their enemies that vexed them: yet in the time of their affliction, when they cryed vnto thee, thou heardest them from the heauen, and through thy great mercies thou gauest them sauiours, who saued them out of the hande of their aduersaries.
28 Nguni't pagkatapos ng kanilang kapahingahan, sila'y nagsigawa uli ng kasamaan sa harap mo: kaya't pinabayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na anopa't mga napapanginoon sa kanila: gayon ma'y nang sila'y magsipanumbalik, at magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at madalas na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan.
But when they had rest, they returned to doe euill before thee: therefore leftest thou them in the hande of their enemies, so that they had the dominion ouer them, yet when they conuerted and cryed vnto thee, thou heardest them from heauen, and deliueredst them according to thy great mercies many times,
29 At sumaksi ka laban sa kanila, upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan. Gayon ma'y nagsigawa sila na may kapalaluan, at hindi dininig ang iyong mga utos, kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan, (na kung gawin ng isang tao, siya'y mabubuhay sa kanila, ) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi nangakinig.
And protestedst among them that thou mightest bring them againe vnto thy Lawe: but they behaued them selues proudely, and hearkened not vnto thy commandements, but sinned against thy iudgements (which a man should doe and liue in them) and pulled away the shoulder, and were stiffenecked, and woulde not heare.
30 Gayon ma'y tiniis mong malaon sila, at sumaksi ka laban sa kanila ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta: gayon ma'y hindi sila nangakinig: kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain.
Yet thou diddest forbeare them many yeeres, and protestedst among them by thy Spirite, euen by the hande of thy Prophets, but they woulde not heare: therefore gauest thou them into the hande of the people of the lands.
31 Gayon ma'y sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo lubos na niwakasan sila, o pinabayaan man sila; sapagka't ikaw ay mapagbiyaya at maawaing Dios.
Yet for thy great mercies thou hast not consumed them, neither forsaken them: for thou art a gracious and mercifull God.
32 Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.
Nowe therefore our God, thou great God, mightie and terrible, that keepest couenant and mercie, let not all the affliction that hath come vnto vs, seeme a litle before thee, that is, to our Kings, to our princes, and to our Priests, and to our Prophets, and to our fathers, and to all thy people since the time of the Kings of Asshur vnto this day.
33 Gayon ma'y banal ka sa lahat na dumating sa amin; sapagka't gumawa kang may pagtatapat, nguni't nagsigawa kaming may kasamaan:
Surely thou art iust in all that is come vpon vs: for thou hast dealt truely, but we haue done wickedly.
34 Kahit ang aming mga hari, ang aming mga pangulo, ang aming mga saserdote, o ang aming mga magulang man, hindi nangagingat ng iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo, na iyong ipinatotoo laban sa kanila.
And our kings and our princes, our Priests and our fathers haue not done thy Lawe, nor regarded thy commandements nor thy protestations, wherewith thou hast protested among them.
35 Sapagka't sila'y hindi nangaglingkod sa iyo sa kanilang kaharian, at sa iyong dakilang kagandahang loob na iyong ipinakita sa kanila, at sa malaki at mabungang lupain na iyong ibinigay sa harap nila, o nagsihiwalay man sila sa kanilang mga masamang gawa.
And they haue not serued thee in their kingdome, and in thy great goodnesse that thou shewedst vnto them, and in the large and fat lande which thou diddest set before them, and haue not conuerted from their euill workes.
36 Narito, kami ay mga alipin sa araw na ito, at tungkol sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang upang kanin ang bunga niyaon, at ang buti niyaon, narito, kami ay mga alipin doon.
Beholde, we are seruants this day, and the lande that thou gauest vnto our fathers, to eate the fruite thereof, and the goodnesse thereof, beholde, we are seruants therein.
37 At ang lupain ay nagbubunga ng marami sa ganang mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan: sila nama'y may kapangyarihan din sa aming mga katawan, at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila, at kami ay nangasa malaking kapanglawan.
And it yeeldeth much fruit vnto the kings whom thou hast set ouer vs, because of our sinnes: and they haue dominion ouer our bodyes and ouer our cattell at their pleasure, and we are in great affliction.
38 At gayon ma'y dahil sa lahat na ito ay tapat na nangakikipagtipan kami, at isinusulat namin; at tinatakdaan ng aming mga prinsipe, ng aming mga Levita, at ng aming mga saserdote.
Now because of all this we make a sure couenant, and write it, and our princes, our Leuites and our Priestes seale vnto it.