< Nehemias 9 >

1 Nang ikadalawang pu't apat na araw nga ng buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may pananamit na magaspang, at may lupa sa ulo nila.
Potom dvadcátého čtvrtého dne téhož měsíce shromáždili se synové Izraelští, a postíce se v žíních, posypali se prstí,
2 At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang.
(Oddělilo se pak bylo símě Izraelské ode všech cizozemců), a stojíce, vyznávali hříchy své i nepravosti otců svých.
3 At sila'y nagsitayo sa kanilang dako, at bumasa sa aklat ng kautusan ng Panginoon nilang Dios ng isang ikaapat na bahagi ng araw; at ang isang ikaapat na bahagi ay nagpahayag ng kasalanan, at nagsisamba sa Panginoon nilang Dios.
I stáli na místech svých, a čtli v knize zákona Hospodina Boha svého čtyřikrát za den, a čtyřikrát vyznávali a klaněli se Hospodinu Bohu svému.
4 Nang magkagayo'y nagsitayo sa mga baytang ng mga Levita, si Jesua, at si Bani, si Cadmiel, si Sebanias, si Bunni, si Serebias, si Bani at si Chenani, at nagsidaing ng malakas sa Panginoon nilang Dios.
Za tím vystoupivše na výstupek Levítský Jesua a Báni, Kadmiel, Sebaniáš, Bunni, Serebiáš, Báni a Chenani, volali hlasem velikým k Hospodinu Bohu svému.
5 Nang magkagayo'y ang mga Levita; si Jesua at si Cadmiel, si Bani, at si Hosabnias, si Serebias, si Odaias, si Sebanias, at si Pethaia, ay nagsipagsabi, Kayo'y magsitayo at magsipuri sa Panginoon ninyong Dios na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan: at purihin ang iyong maluwalhating pangalan, na nataas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri.
A řekli Levítové ti, Jesua, Kadmiel, Báni, Chasabniáš, Serebiáš, Hodiáš, Sebaniáš a Petachiáš: Vstaňte, dobrořečte Hospodinu Bohu svému, od věků až na věky, a ať dobrořečí slavnému jménu jeho, a vyššímu nad každé dobrořečení i chválu.
6 Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.
Ty jsi, Hospodine, sám ten jediný, ty jsi učinil nebesa, nebesa nebes i všecko vojsko jejich, zemi i všecko, což jest na ní, moře i všecko, což jest v nich, obživuješ také všecko, ano i vojska nebeská před tebou se sklánějí.
7 Ikaw ang Panginoon na Dios, na siyang pumili kay Abram, at naglabas sa kaniya sa Ur ng mga Caldeo, at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.
Ty jsi, Hospodine, Bůh ten, kterýž jsi vyvolil Abrama, a vyvedl jej z Ur Kaldejských, a dal jsi jemu jméno Abraham.
8 At nasumpungan mo ang kaniyang puso na tapat sa harap mo, at nakipagtipan ka sa kaniya, upang ibigay ang lupain ng Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Jebuseo, at ng Gergeseo, upang ibigay sa kaniyang binhi, at tumupad ng iyong mga salita; sapagka't ikaw ay matuwid.
A nalezl jsi srdce jeho věrné před sebou, a učinil jsi s ním smlouvu, že dáš zemi Kananejského, Hetejského, Amorejského, Ferezejského, Jebuzejského a Gergezejského, že dáš ji semeni jeho, a naplnils slova svá, nebo spravedlivý jsi ty.
9 At iyong nakita ang kadalamhatian ng aming mga magulang sa Egipto, at iyong dininig ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Mapula:
Popatřil jsi zajisté na trápení otců našich v Egyptě, a křik jejich vyslyšel jsi při moři Rudém.
10 At nagpakita ka ng mga tanda at mga kababalaghan kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod, at sa buong bayan ng kaniyang lupain; sapagka't iyong nakilala na sila'y nagsigawa na may kapalaluan laban sa kanila; at ipinagimbot mo ikaw ng pangalan gaya sa araw na ito.
A ukazovals znamení a zázraky na Faraonovi i na všech služebnících jeho, i na všem lidu země jeho; nebo věděl jsi, že jsou pýchu provodili nad nimi. Čímž jsi dobyl sobě jména, jakž se to podnes vidí.
11 At iyong hinawi ang dagat sa harap nila na anopa't sila'y nagsidaan sa gitna ng dagat sa tuyong lupa; at ang mga manghahabol sa kanila ay iyong ibinulusok sa mga kalaliman na gaya ng isang bato sa malalim na tubig.
Nadto i moře jsi před nimi rozdělil, tak že přešli prostředkem moře po suše, a ty, jenž je stihali, uvrhl jsi do hlubin, jako kámen do vody veliké.
12 Bukod dito'y iyong pinatnubayan sila sa isang tila haliging ulap sa araw; at sa isang tila haliging apoy sa gabi, upang bigyan sila ng tanglaw sa daan na kanilang lalakaran.
A sloupem oblakovým vodils je ve dne, a sloupem ohnivým v noci, osvěcuje jim cestu, kudy by jíti měli.
13 Ikaw rin naman ay bumaba sa bundok ng Sinai, at nagsalita ka sa kanila mula sa langit, at binigyan mo sila ng mga matuwid na kahatulan at mga tunay na kautusan, mga mabuting palatuntunan at mga utos:
Potom jsi sstoupil na horu Sinai, a mluvil jsi s nimi s nebe, a vydal jsi jim soudy přímé a zákony pravé, ustanovení a přikázaní dobrá.
14 At ipinakilala mo sa kanila ang iyong banal na sabbath, at nagutos ka sa kanila ng mga utos, at ng mga palatuntunan, at ng kautusan, sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod:
Též i sobotu svou svatou známu jsi jim učinil, a přikázaní, ustanovení i zákon vydals jim skrze Mojžíše, služebníka svého.
15 At nagbigay ka sa kanila ng tinapay na mula sa langit sa kanilang pagkagutom, at nilabasan mo sila ng tubig na mula sa malaking bato sa kanilang pagkauhaw, at inutusan mo sila na magsipasok na ariin ang lupain na iyong isinumpa upang ibigay sa kanila.
Také i chléb s nebe dal jsi jim v hladu jejich, a vodu z skály vyvedl jsi jim v žízni jejich, a rozkázal jsi jim, aby šli a dědičně vládli zemí, kterouž jsi zdvihna ruku svou, přisáhl dáti jim.
16 Nguni't sila at ang aming mga magulang ay nagsigawa na may kapalaluan, at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi dininig ang iyong mga utos.
Oni pak a otcové naši pyšně sobě počínali, a zatvrdivše šíji svou, neposlouchali přikázaní tvých.
17 At nagsitanggi na magsisunod, ni hindi man inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila, kundi nagpatigas ng kanilang leeg, at sa kanilang panghihimagsik ay naghalal ng isang punong kawal upang magsibalik sa kanilang pagkabihag. Nguni't ikaw ay Dios na madaling magpatawad, mapagbiyaya at puspos ng kaawaan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kahabagan, at hindi mo pinabayaan sila.
Nýbrž hned nechtěli slyšeti, aniž se rozpomenuli na divné činy tvé, kteréž jsi působil při nich, a zatvrdivše šíji svou, ustavovali sobě vůdce, chtíce se navrátiti k porobení svému z zarputilosti své. Ty však, Bože, snadný k odpuštění, milostivý a lítostivý, dlouho shovívající a hojný v milosrdenství, neopustils jich.
18 Oo, nang sila'y magsigawa sa kanila ng isang guyang binubo, at magsabi, Ito ay iyong Dios na nagahon sa iyo mula sa Egipto, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi;
Ano i tehdáž, když sobě udělali tele slité a řekli: Tito jsou bohové tvoji, kteříž tě vyvedli z Egypta, a dopustili se velikého rouhání.
19 Gayon ma'y ikaw sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo pinabayaan sila sa ilang: ang tila haliging ulap ay hindi humiwalay sa kanila sa araw, upang patnubayan sila sa daan; ni ang tila haliging apoy man sa gabi, upang pagpakitaan sila ng liwanag at ng daan na kanilang lalakaran.
Ty však pro svá mnohá slitování neopustil jsi jich na poušti. Sloup oblakový neodcházel od nich ve dne, veda je po cestě, ani sloup ohnivý v noci, osvěcuje je a cestu, po níž jíti měli.
20 Iyo rin namang ibinigay ang iyong mabuting Espiritu upang turuan sila, at hindi mo inaalis ang iyong mana sa kanilang bibig, at bigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw.
Nadto Ducha svého dobrého dal jsi k vyučování jich, manny své také neodjals od úst jejich, a vodu dal jsi jim v žízni jejich.
21 Oo apat na pung taon na iyong kinandili sila sa ilang, at hindi sila nagkulang ng anoman; ang kanilang mga suot ay hindi naluma, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.
A tak za čtyřidceti let krmil jsi je na poušti. V ničemž nedostatku neměli, oděv jejich nezvetšel, a nohy jejich se neodhnetly.
22 Bukod dito'y binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bayan, na iyong binahagi ayon sa kanilang mga bahagi: sa gayo'y kanilang inari ang lupain ng Sehon, sa makatuwid baga'y ang lupain ng hari sa Hesbon, at ang lupain ni Og na hari, sa Basan.
Potom dal jsi jim království a národy, kteréž jsi rozehnal do koutů, tak že dědičně obdrželi zemi Seonovu, a zemi krále Ezebon, i zemi Oga krále Bázan.
23 Ang kanila namang mga anak ay pinarami mo na gaya ng mga bituin sa langit, at mga ipinasok mo sila sa lupain, tungkol doon sa iyong sinabi sa kanilang mga magulang, na sila'y magsiparoon, upang ariin.
Syny pak jejich rozmnožil jsi jako hvězdy nebeské, a uvedl jsi je do země, o kteréž jsi byl řekl otcům jejich, že do ní vejdou, aby jí vládli.
24 Sa gayo'y ang mga anak ay pumasok at inari ang lupain, at iyong pinasuko sa harap nila ang mga mananahan sa lupain, ang mga Cananeo, at ibinigay mo sa kanilang mga kamay, pati ng kanilang mga hari, at ang mga bayan ng lupain, upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang ibigin.
Nebo všedše synové, dědičně obdrželi zemi tu, když jsi snížil před nimi obyvatele té země Kananejské, a dals je v ruku jejich, i krále jejich, i národy té země, aby s nimi nakládali podlé vůle své.
25 At sila'y nagsisakop ng mga bayan na nakukutaan, at ng matabang lupain, at nangagari ng mga bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, ng mga balon na hinukay, ng mga ubasan, at ng mga olibohan, at ng mga punong kahoy na may bungang sagana: na anopa't sila'y nagsikain, at nangabusog, at naging mataba, at nangaaliw sa iyong malaking kagandahang loob.
A tak vzali města hrazená i pole úrodná, a dědičně ujali domy plné všeho dobrého, studnice vykopané, vinice a olivoví, i stromoví ovoce nesoucí velmi mnohé. I jedli, a nasyceni jsouce, vytyli, a v dobrodiní tvém hojném rozkoší oplývali.
26 Gayon ma'y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo, at tinalikdan ang iyong kautusan, at pinatay ang iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila'y magsipanumbalik sa iyo, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi.
Když pak popouzejíce tě, zprotivili se tobě, zavrhše zákon tvůj za hřbet svůj, a proroky tvé zmordovali, kteříž jim osvědčovali, aby je obrátili k tobě, a dopouštěli se velikého rouhání,
27 Kaya't iyong ibinigay sila sa kamay ng kanilang mga kalaban, na siyang nangagpapanglaw sa kanila: at sa panahon ng kanilang kabagabagan, nang sila'y magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at ayon sa iyong saganang mga kaawaan ay iyong binigyan sila ng mga tagapagligtas, na nangagligtas sa kanila sa kamay ng kanilang mga kalaban.
Dával jsi je v ruku nepřátel jejich, kteříž je ssužovali. A když v čas ssoužení svého volali k tobě, tys je s nebe vyslýchal, a podlé mnohých slitování svých dával jsi jim vysvoboditele, kteříž je vysvobozovali z ruky nepřátel jejich.
28 Nguni't pagkatapos ng kanilang kapahingahan, sila'y nagsigawa uli ng kasamaan sa harap mo: kaya't pinabayaan mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na anopa't mga napapanginoon sa kanila: gayon ma'y nang sila'y magsipanumbalik, at magsidaing sa iyo, iyong dininig mula sa langit; at madalas na iyong iniligtas sila ayon sa iyong mga kaawaan.
Mezitím, jakž jen oddechnutí měli, zase znovu činili zlé před tebou, a protož pouštěl jsi je v ruku nepřátel jejich, aby panovali nad nimi. Když se pak opět obrátili, a křičeli k tobě, tys je s nebe vyslýchal a vysvobozoval podlé slitování svých po mnohé časy.
29 At sumaksi ka laban sa kanila, upang mangaibalik mo sila sa iyong kautusan. Gayon ma'y nagsigawa sila na may kapalaluan, at hindi dininig ang iyong mga utos, kundi nangagkasala laban sa iyong mga kahatulan, (na kung gawin ng isang tao, siya'y mabubuhay sa kanila, ) at iniurong ang balikat at nagpatigas ng kanilang leeg, at hindi nangakinig.
A napomínals jich, abys je obrátil k zákonu svému, ale oni pyšně sobě počínali, a neposlouchali přikázaní tvých, a proti soudům tvým hřešili, v nichžto, činil-li by je člověk, byl by živ. Nýbrž plece svého uchylujíce, šíji svou zatvrzovali, a neposlouchali.
30 Gayon ma'y tiniis mong malaon sila, at sumaksi ka laban sa kanila ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta: gayon ma'y hindi sila nangakinig: kaya't ibinigay mo sila sa kamay ng mga bayan ng mga lupain.
A však shovíval jsi jim po mnohá léta, osvědčuje jim duchem svým skrze proroky své, a když neposlouchali, dal jsi je v ruku národům zemí.
31 Gayon ma'y sa iyong masaganang mga kaawaan ay hindi mo lubos na niwakasan sila, o pinabayaan man sila; sapagka't ikaw ay mapagbiyaya at maawaing Dios.
Ale pro slitování svá mnohá nedals jim do konce zahynouti, aniž jsi jich opustil, proto že jsi Bůh milostivý a lítostivý.
32 Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.
Nyní tedy, ó Bože náš, silný, veliký, mocný a hrozný, kterýž ostříháš smlouvy a milosrdenství, nechť to není u tebe za málo, že ty všecky těžkosti na nás přišly, na krále naše, knížata naše, kněží naše, proroky naše i na otce naše, a na všecken lid tvůj, hned ode dnů králů Assyrských, až do tohoto dne,
33 Gayon ma'y banal ka sa lahat na dumating sa amin; sapagka't gumawa kang may pagtatapat, nguni't nagsigawa kaming may kasamaan:
Ačkoli ty jsi spravedlivý ve všech těch věcech, kteréž přišly na nás. Nebo jsi spravedlivě to učinil, ale my jsme bezbožně činili.
34 Kahit ang aming mga hari, ang aming mga pangulo, ang aming mga saserdote, o ang aming mga magulang man, hindi nangagingat ng iyong kautusan, o nakinig man sa iyong mga utos at sa iyong mga patotoo, na iyong ipinatotoo laban sa kanila.
I králové naši, knížata naše, kněží naši i otcové naši neplnili zákona tvého, aniž šetřili přikázaní tvých a svědectví tvých, jimiž se jim osvědčoval.
35 Sapagka't sila'y hindi nangaglingkod sa iyo sa kanilang kaharian, at sa iyong dakilang kagandahang loob na iyong ipinakita sa kanila, at sa malaki at mabungang lupain na iyong ibinigay sa harap nila, o nagsihiwalay man sila sa kanilang mga masamang gawa.
Nebo oni v království svém a v dobrodiní tvém hojném, kteréž jsi jim ukazoval, a v zemi široké a úrodné, kterouž jsi jim dal, nesloužili tobě, aniž se odvrátili od činů svých zlých.
36 Narito, kami ay mga alipin sa araw na ito, at tungkol sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang upang kanin ang bunga niyaon, at ang buti niyaon, narito, kami ay mga alipin doon.
Aj, my jsme dnes manové, a to v zemi, kterouž jsi dal otcům našim, aby jedli ovoce její a dobré věci její, aj, jsme v ní manové.
37 At ang lupain ay nagbubunga ng marami sa ganang mga hari na iyong inilagay sa amin dahil sa aming mga kasalanan: sila nama'y may kapangyarihan din sa aming mga katawan, at sa aming hayop sa ikapagsasaya nila, at kami ay nangasa malaking kapanglawan.
Jižť úrody své vydává v hojnosti králům, kteréž jsi postavil nad námi pro hříchy naše, a oniť i nad těly našimi se potřásají, i nad hovady našimi podlé vůle své, tak že jsme u veliké úzkosti.
38 At gayon ma'y dahil sa lahat na ito ay tapat na nangakikipagtipan kami, at isinusulat namin; at tinatakdaan ng aming mga prinsipe, ng aming mga Levita, at ng aming mga saserdote.
Se vším však tím činíme smlouvu nepohnutelnou, i zapisujeme, kteréž potvrzují knížata naše, Levítové naši, i kněží naši.

< Nehemias 9 >