< Nehemias 7 >

1 Nangyari nga nang ang kuta ay maitayo, at aking mailagay ang mga pinto, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang mga Levita ay mangahalal.
Когда стена была построена, и я вставил двери, и поставлены были на свое служение привратники и певцы и левиты,
2 Na aking ibinigay kay Hanani, na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta, ang pamamahala sa Jerusalem: sapagka't siya'y tapat na lalake at natatakot sa Dios na higit kay sa marami.
тогда приказал я брату моему Ханани и начальнику Иерусалимской крепости Хананию, ибо он более многих других был человек верный и богобоязненный,
3 At aking sinabi sa kanila, Huwag buksan ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit; at samantalang sila'y nangagbabantay, isara nila ang mga pinto, at inyong mga itrangka: at kayo'y mangaghalal ng mga bantay sa mga taga Jerusalem, bawa't isa'y sa kaniyang pagbabantay, at bawa't isa'y sa tapat ng kaniyang bahay.
и сказал я им: пусть не отворяют ворот Иерусалимских, доколе не обогреет солнце, и доколе они стоят, пусть замыкают и запирают двери. И поставил я стражами жителей Иерусалима, каждого на свою стражу и каждого напротив дома его.
4 Ang bayan nga ay maluwang at malaki: nguni't ang mga tao ay kakaunti roon, at ang mga bahay ay hindi naitatayo pa.
Но город был пространен и велик, а народа в нем было немного, и домы не были построены.
5 At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao, at ang mga pinuno, at ang bayan, upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi. At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon noong una, at aking nasumpungang nakasulat doon:
И положил мне Бог мой на сердце собрать знатнейших и начальствующих и народ, чтобы сделать перепись. И нашел я родословную перепись тех, которые сначала пришли, и в ней написано:
6 Ang mga ito sa nangadala, ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;
вот жители страны, которые отправились из пленников, переселенных Навуходоносором, царем Вавилонским, и возвратились в Иерусалим и Иудею, каждый в свой город,
7 Na siyang nagsisama kay Zorobabel, kay Jesua, kay Nehemias, kay Azarias, kay Raamias, kay Nahamani, kay Mardocheo, kay Bilsan, kay Misperet, kay Bigvai, kay Nehum, kay Baana. Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito:
те, которые пошли с Зоровавелем, Иисусом, Неемиею, Азариею, Раамиею, Нахманием, Мардохеем, Билшаном, Мисферефом, Бигваем, Нехумом, Вааною. Число людей народа Израилева:
8 Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa.
сыновей Пароша две тысячи сто семьдесят два.
9 Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa.
Сыновей Сафатии триста семьдесят два.
10 Ang mga anak ni Ara, anim na raan at limang pu't dalawa.
Сыновей Араха шестьсот пятьдесят два.
11 Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Jesua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing walo.
Сыновей Пахаф-Моава, из сыновей Иисуса и Иоава, две тысячи восемьсот восемнадцать.
12 Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
Сыновей Елама тысяча двести пятьдесят четыре.
13 Ang mga anak ni Zattu, walong daan at apat na pu't lima.
Сыновей Заффу восемьсот сорок пять.
14 Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu.
Сыновей Закхая семьсот шестьдесят.
15 Ang mga anak ni Binnui, anim na raan at apat na pu't walo.
Сыновей Биннуя шестьсот сорок восемь.
16 Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't walo.
Сыновей Бевая шестьсот двадцать восемь.
17 Ang mga anak ni Azgad, dalawang libo't tatlong daan at dalawang pu't dalawa.
Сыновей Азгада две тысячи триста двадцать два.
18 Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't pito.
Сыновей Адоникама шестьсот шестьдесят семь.
19 Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo't anim na pu't pito.
Сыновей Бигвая две тысячи шестьсот семь.
20 Ang mga anak ni Addin, anim na raan at limang pu't lima.
Сыновей Адина шестьсот пятьдесят пять.
21 Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo.
Сыновей Атера из дома Езекии девяносто восемь.
22 Ang mga anak ni Hasum, tatlong daan at dalawang pu't walo.
Сыновей Хашума триста двадцать восемь.
23 Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't apat.
Сыновей Вецая триста двадцать четыре.
24 Ang mga anak ni Hariph, isang daan at labing dalawa.
Сыновей Харифа сто двенадцать.
25 Ang mga anak ni Gabaon, siyam na pu't lima.
Уроженцев Гаваона девяносто пять.
26 Ang mga lalake ng Bethlehem, at ng Netopha, isang daan at walong pu't walo.
Жителей Вифлеема и Нетофы сто восемьдесят восемь.
27 Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo.
Жителей Анафофа сто двадцать восемь.
28 Ang mga lalake ng Beth-azmaveth, apat na pu't dalawa.
Жителей Беф-Азмавефа сорок два.
29 Ang mga lalake ng Chiriathjearim, ng Chephra, at ng Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo.
Жителей Кириаф-Иарима, Кефиры и Беерофа семьсот сорок три.
30 Ang mga lalake ng Rama, at ng Gebaa, anim na raan at dalawang pu't isa.
Жителей Рамы и Гевы шестьсот двадцать один.
31 Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa.
Жителей Михмаса сто двадцать два.
32 Ang mga lalake ng Beth-el at ng Ai isang daan at dalawang pu't tatlo.
Жителей Вефиля и Гая сто двадцать три.
33 Ang mga lalake ng isang Nebo, limang pu't dalawa.
Жителей Нево другого пятьдесят два.
34 Ang mga anak ng isang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat.
Сыновей Елама другого тысяча двести пятьдесят четыре.
35 Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.
Сыновей Харима триста двадцать.
36 Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima.
Уроженцев Иерихона триста сорок пять.
37 Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't isa.
Уроженцев Лода, Хадида и Оно семьсот двадцать один.
38 Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo at siyam na raan at tatlong pu.
Уроженцев Сенаи три тысячи девятьсот тридцать.
39 Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaias sa sangbahayan ni Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo.
Священников, сыновей Иедаии, из дома Иисусова, девятьсот семьдесят три.
40 Ang mga anak ni Immer, isang libo't limang pu't dalawa.
Сыновей Иммера тысяча пятьдесят два.
41 Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito.
Сыновей Пашхура тысяча двести сорок семь.
42 Ang mga anak ni Harim, isang libo't labing pito.
Сыновей Харима тысяча семнадцать.
43 Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua, ni Cadmiel, sa mga anak ni Odevia, pitong pu't apat.
Левитов: сыновей Иисуса, из дома Кадмиилова, из дома сыновей Годевы, семьдесят четыре.
44 Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph isang daan at apat na pu't walo.
Певцов: сыновей Асафа сто сорок восемь.
45 Ang mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, isang daan at tatlong pu't walo.
Привратники: сыновья Шаллума, сыновья Атера, сыновья Талмона, сыновья Аккува, сыновья Хатиты, сыновья Шовая - сто тридцать восемь.
46 Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth;
Нефинеи: сыновья Цихи, сыновья Хасуфы, сыновья Таббаофа,
47 Ang mga anak ni Ceros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon:
сыновья Кироса, сыновья Сии, сыновья Фадона,
48 Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Salmai;
сыновья Леваны, сыновья Хагавы, сыновья Салмая,
49 Ang mga anak ni Hanan, ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar;
сыновья Ханана, сыновья Гиддела, сыновья Гахара,
50 Ang mga anak ni Rehaia, ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda;
сыновья Реаии, сыновья Рецина, сыновья Некоды,
51 Ang mga anak ni Gazzam, ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea;
сыновья Газзама, сыновья Уззы, сыновья Пасеаха,
52 Ang mga anak ni Besai, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephisesim;
сыновья Весая, сыновья Меунима, сыновья Нефишсима,
53 Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacupha, ang mga anak ni Harhur;
сыновья Бакбука, сыновья Хакуфы, сыновья Хархура,
54 Ang mga anak ni Baslit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;
сыновья Бацлифа, сыновья Мехиды, сыновья Харши,
55 Ang mga anak ni Barcos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;
сыновья Баркоса, сыновья Сисары, сыновья Фамаха,
56 Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha.
сыновья Нециаха, сыновья Хатифы.
57 Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon; ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Perida;
Сыновья рабов Соломоновых: сыновья Сотая, сыновья Соферефа, сыновья Фериды,
58 Ang mga anak ni Jahala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel;
сыновья Иаалы, сыновья Даркона, сыновья Гиддела,
59 Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni Amon.
сыновья Сафатии, сыновья Хаттила, сыновья Похереф-Гаццевайима, сыновья Амона.
60 Lahat ng Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon, ay tatlong daan at siyam na pu't dalawa.
Всех нефинеев и сыновей рабов Соломоновых триста девяносто два.
61 At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Telmelah, Telharsa, Cherub, Addon, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, o ang kanilang binhi man kung mga taga Israel:
И вот вышедшие из Тел-Мелаха, Тел-Харши, Херув-Аддона и Иммера; но они не могли показать о поколении своем и о племени своем, от Израиля ли они.
62 Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Necoda, anim na raan at apat na pu't dalawa.
Сыновья Делаии, сыновья Товии, сыновья Некоды - шестьсот сорок два.
63 At sa mga saserdote: ang mga anak ni Hobaias, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa anak ni Barzillai, na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan.
И из священников: сыновья Ховаии, сыновья Гаккоца, сыновья Верзеллия, который взял жену из дочерей Верзеллия Галаадитянина и стал называться их именем.
64 Ang mga ito ay nagsihanap ng kanilang talaan ng lahi sa mga yaon na nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi, nguni't hindi nasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote.
Они искали родословной своей записи, и не нашлось, и потому исключены из священства.
65 At ang tagapamahala ay nagsabi sa kanila na sila'y huwag magsikain ng mga kabanalbanalang bagay, hangang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at may Thummim.
И Тиршафа сказал им, чтоб они не ели великой святыни, доколе не восстанет священник с уримом и туммимом.
66 Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu.
Все общество вместе состояло из сорока двух тысяч трехсот шестидесяти человек,
67 Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae, na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y may dalawang daan at apat na pu't lima na mangaawit na lalake at babae.
кроме рабов их и рабынь их, которых было семь тысяч триста тридцать семь; и при них певцов и певиц двести сорок пять.
68 Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula, dalawang daan at apat na pu't lima;
Коней у них было семьсот тридцать шесть, лошаков у них двести сорок пять,
69 Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.
верблюдов четыреста тридцать пять, ослов шесть тысяч семьсот двадцать.
70 At ang mga iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa ingatang-yaman ng isang libong darikong ginto, limangpung mangkok, limang daan at tatlong pung bihisan ng mga saserdote.
Некоторые главы поколений дали вклады на производство работ. Тиршафа дал в сокровищницу золотом тысячу драхм, пятьдесят чаш, пятьсот тридцать священнических одежд.
71 At ang iba sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ay nangagbigay sa ingatang-yaman ng gawain ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawang daang librang pilak.
И некоторые из глав поколений дали в сокровищницу на производство работ двадцать тысяч драхм золота и две тысячи двести мин серебра.
72 At ang nangalabi sa bayan ay nangagbigay ng dalawang pung libong darikong ginto, at dalawang libong librang pilak, at anim na pu't pitong bihisan ng mga saserdote.
Прочие из народа дали двадцать тысяч драхм золота и две тысячи мин серебра и шестьдесят семь священнических одежд.
73 Sa gayo'y ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga tagatanod-pinto, at ang mga mangaawit, at ang iba sa bayan, at ang mga Nethineo, at ang buong Israel, ay nagsitahan sa kanilang mga bayan. At nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nangasa kanilang mga bayan.
И стали жить священники и левиты, и привратники и певцы, и народ и нефинеи, и весь Израиль в городах своих.

< Nehemias 7 >