< Nehemias 6 >

1 Nangyari nga nang maibalita kay Sanballat at kay Tobias, at kay Gesem na taga Arabia, at sa nalabi sa aming mga kaaway, na aking naitayo na ang kuta, at wala nang sirang naiiwan doon; (bagaman hanggang sa panahong yaon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan; )
А кад чу Санавалат и Товија и Гисем Арапин и остали наши непријатељи да сам сазидао зид и да није остало у њему ништа проваљено, а до тада још не бејах наместио крила на врата,
2 Na si Sanballat at si Gesem ay nagsugo sa akin, na nagpapasabi, Ikaw ay parito, magkikita tayo sa isa ng mga nayon sa mga kapatagan ng Ono. Nguni't pinagisipan nila akong gawan ng masama.
Посла Санавалат и Гисем к мени и поручи: Ходи да се састанемо у коме селу у пољу ононском. А они мишљаху зло по ме.
3 At ako'y nagsugo ng mga sugo sa kanila, na nangagsasabi, Ako'y gumagawa ng dakilang gawain, na anopa't hindi ako makababa: bakit ititigil ang gawain, habang aking maiiwan, at binababa kayo?
И послах к њима гласнике и поручих: У послу сам великом, зато не могу доћи. Јер би стао посао кад бих га оставио да дођем к вама.
4 At sila'y nangagsugo sa aking makaapat sa dahilang ito; at sinagot ko sila ng ayon sa gayon ding paraan.
И слаше тако к мени четири пута; и ја им онако одговорих.
5 Nang magkagayo'y sinugo ni Sanballat ang kaniyang lingkod sa akin ng gaya ng paraan ng ikalima na may bukas na sulat sa kaniyang kamay.
Тада Санавалат посла к мени тако пети пут слугу свог с књигом отвореном у руци.
6 Na kinasusulatan: Naibalita sa mga bansa, at sinasabi ni Gasmu na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik; na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta: at ikaw ay magiging kanilang hari ayon sa mga salitang ito.
А у њој писаше: Чује се по народима и Гасмуј каже да се ти и Јудејци мислите одметнути, зато зидаш зид, и хоћеш да им будеш цар, како се говори,
7 At ikaw naman ay naghalal ng mga propeta upang magsipangaral tungkol sa iyo sa Jerusalem, na nangagsasabi, May isang hari sa Juda; at ngayo'y ibabalita sa hari ang ayon sa mga salitang ito. Parito ka nga ngayon, at magsanggunian tayo.
И да си поставио пророке да разглашују за тебе у Јерусалиму и говоре, цар је у Јудеји. А то ће доћи до цара. Него ходи да се договоримо.
8 Nang magkagayo'y nagsugo ako sa kaniya, na aking sinasabi, Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi, kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso.
Тада послах к њему и поручих: Није тако како ти кажеш; него си сам измислио.
9 Sapagka't ibig nilang lahat na sidlan ng takot kami, na sinasabi, Ang kanilang mga kamay ay manganghihina sa gawain na anopa't hindi mayayari. Nguni't ngayon, Oh Dios, palakasin mo ang aking mga kamay.
Јер они сви хтеше нас уплашити говорећи: Клонуће руке њихове од посла и неће се свршити. Зато, Боже, укрепи руке моје.
10 At ako'y naparoon sa bahay ni Semaias na anak ni Delaias na anak ni Mehetabeel na nakulong; at kaniyang sinabi, Tayo'y magpupulong na magkakasama sa bahay ng Dios, sa loob ng templo, at ating isara ang mga pinto ng templo: sapagka't sila'y magsisiparito upang patayin ka; oo, sa kinagabiha'y magsisiparito sila upang patayin ka.
Још отидох у кућу Симаји, сину Далаје сина Метавеиловог, који се беше затворио, и рече ми: Да отидемо заједно у дом Божји усред цркве и да закључамо врата цркви, јер ће доћи да те убију, доћи ће ноћу да те убију.
11 At aking sinabi, Tatakas ba ang isang lalaking gaya ko? at sino kaya; na sa paraang gaya ko, ay paroroon sa templo upang iligtas ang kaniyang buhay? hindi ako papasok.
А ја рекох: Зар ће човек какав сам ја бежати? Или ко би овакав какав сам ја ушао у цркву да остане у животу? Нећу ићи.
12 At nahalata ko, at, narito, hindi siya sinugo ng Dios; kundi kaniyang sinaysay ang hulang ito laban sa akin: at inupahan siya ni Tobias, at ni Sanballat.
И разумех да га није Бог послао, него то пророштво каза за ме, јер га Товија и Санавалат поткупише.
13 Dahil sa bagay na ito inupahan siya, upang ako'y matakot, at gumawa ng gayon, at magkasala, at upang sila'y magkaroon ng dahilan sa isang masamang pinaka hiwatig, upang kanilang madusta ako.
Зато беше поткупљен да ме уплаши да онако учиним и згрешим да бих се осрамотио да ме могу ружити.
14 Alalahanin mo, Oh aking Dios, si Tobias at si Sanballat ayon sa ganitong mga gawa nila, at gayon din ang propetisa na Noadias, at ang nalabi sa mga propeta, na ibig nilang sidlan ako ng katakutan.
Помени, Боже мој, Товију и Санавалата по овим делима њиховим, и Ноадију пророчицу и друге пророке који ме хтеше уплашити.
15 Sa gayo'y natapos ang kuta sa ikadalawang pu't limang araw ng buwan ng Elul, sa limang pu't dalawang araw.
И тако доврши се зид двадесет петог дана месеца Елула за педесет и два дана.
16 At nangyari, nang mabalitaan ng lahat naming mga kaaway, na ang lahat ng mga bansa na nangasa palibot namin ay nangatakot, at nangalumatang mainam: sapagka't kanilang nahalata na ang gawang ito ay gawa ng aming Dios.
И кад чуше сви непријатељи наши и видеше сви народи који беху око нас, уплашише се врло, јер познаше да је Бог наш учинио то дело.
17 Bukod dito'y sa mga araw na yao'y ang mga mahal na tao sa Juda ay nangagpadala ng maraming sulat kay Tobias at ang mga sulat ni Tobias ay dumating sa kanila.
И у оне дане многи главари јудејски слаху књиге Товији, и од Товије њима долажаху књиге.
18 Sapagka't marami sa Juda na nanganumpa sa kaniya, sapagka't siya'y manugang ni Sechanias na anak ni Arah; at ang kaniyang anak na si Johanan ay nagasawa sa anak na babae ni Mesullam na anak ni Berechias.
Јер многи Јудејци беху му се заклели; јер беше зет Сеханији, сину Араховом, и Јоанан син његов беше ожењен кћерју Меулама, сина Варахијиног.
19 Sila nama'y nangagsalita ng kaniyang mga mabuting gawa sa harap ko, at ibinalita ang aking mga salita sa kaniya. At si Tobias ay nagpadala ng mga sulat upang sidlan ako ng katakutan.
И говораху преда мном добро о њему, и речи моје доказиваху му; и Товија слаше књиге да ме уплаши.

< Nehemias 6 >