< Nehemias 13 >

1 Nang araw na yaon ay bumasa sila sa aklat ni Moises sa pakinig ng bayan; at doo'y nasumpungang nakasulat, na ang Ammonita at Moabita, ay huwag papasok sa kapulungan ng Dios magpakailan man.
У то време чита се књига Мојсијева народу, и у њој се нађе написано да не улази Амонац ни Моавац у сабор Божји до века;
2 Sapagka't hindi nila sinalubong ang mga anak ni Israel ng tinapay at ng tubig, kundi inupahan si Balaam laban sa kanila, upang sumpain sila: gayon ma'y pinapaging pagpapala ng aming Dios ang sumpa.
Јер не сретоше синове израиљеве с хлебом и водом, него најмише на њих Валама да их прокуне, али Бог наш обрати ону клетву у благослов.
3 At nangyari, nang kanilang marinig ang kautusan, na inihiwalay nila sa Israel ang buong karamihang halohalo.
А кад чуше тај закон одлучише од Израиља све туђинце.
4 Bago nga nangyari ito, si Eliasib na saserdote, na nahalal sa mga silid ng bahay ng aming Dios, palibhasa'y nakipisan kay Tobias.
А пре тога Елијасив свештеник, који беше над клетима дома Бога нашег, опријатељи се с Товијом,
5 Ay ipinaghanda siya ng isang malaking silid, na kinasisidlan noong una ng mga handog na harina, ng mga kamangyan, at ng mga sisidlan, at ng mga ikasangpung bahagi ng trigo, ng alak, at ng langis, na nabigay sa pamamagitan ng utos sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto; at ang mga handog na itataas na ukol sa mga saserdote.
И начини му велику клет, где се пре остављаху дари и кад и судови и десетак од жита, вина и уља, одређени Левитима и певачима и вратарима, и приноси за свештенике.
6 Nguni't sa buong panahong ito ay wala ako sa Jerusalem: sapagka't sa ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na hari sa Babilonia ay naparoon ako sa hari, at pagkatapos ng ilang araw ay nagpaalam ako sa hari:
А кад то све биваше, не бејах у Јерусалиму, јер тридесет друге године Артаксеркса, цара вавилонског, вратих се к цару, и после неколико година измолих се опет у цара.
7 At ako'y naparoon sa Jerusalem, at naalaman ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib tungkol kay Tobias, sa paghahanda niya sa kaniya ng isang silid sa mga looban ng bahay ng Dios.
И кад дођох у Јерусалим, видех зло што учини Елијасив ради Товије начинивши му клет у трему дома Божјег.
8 At ikinamanglaw kong mainam: kaya't aking inihagis ang lahat na kasangkapan ni Tobias sa labas ng silid.
И би ми врло мрско, те избацих све покућство Товијино напоље из клети.
9 Nang magkagayo'y nagutos ako, at nilinis nila ang mga silid; at dinala ko uli roon ang mga sisidlan ng bahay ng Dios pati ng mga handog na harina at ng kamangyan.
И заповедих, те очистише клети; и унесох у њих опет посуђе дома Божјег, даре и кад.
10 At nahalata ko na ang mga bahagi ng mga Levita ay hindi nangabigay sa kanila; na anopa't ang mga Levita, at ang mga mangaawit na nagsisigawa ng gawain, ay nangagsitakas bawa't isa sa kanikaniyang bukid.
Потом дознах да се Левитима нису давали делови, те су се разбегли сваки на своју њиву и Левити и певачи, који рађаху посао.
11 Nang magkagayo'y nakipagtalo ako sa mga pinuno, at sinabi ko, Bakit pinabayaan ang bahay ng Dios? At pinisan ko sila, at inilagay sa kanilang kalagayan.
И укорих старешине и рекох: Зашто је остављен дом Божји? И сабрах их опет и поставих на њихово место.
12 Nang magkagayo'y dinala ng buong Juda ang ikasangpung bahagi ng trigo at ng alak at ng langis sa mga ingatang-yaman.
И сви Јудејци доносише десетке од жита и вина и уља у спреме.
13 At ginawa kong mga tagaingat-yaman sa mga ingatang-yaman, si Selemias na saserdote, at si Sadoc na kalihim, at sa mga Levita, si Pedaias: at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zaccur, na anak ni Mathanias: sapagka't sila'y nangabilang na tapat, at ang kanilang mga katungkulan ay magbahagi sa kanilang mga kapatid.
И поставих настојнике над спремама, Селмију свештеника и Садока књижевника, и између Левита Федају, и уз њих Анана, сина Захура сина Матанијиног, јер се за верне држаху; и беше им посао делити браћи својој.
14 Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, tungkol dito, at huwag mong pawiin ang aking mga mabuting gawa na aking ginawa sa ikabubuti ng bahay ng aking Dios, at sa pagganap ng kaugaliang paglilingkod doon.
Помени ме, Боже мој, зато, и немој избрисати добра мојих која учиних дому Бога свог и служби његовој.
15 Nang mga araw na yaon ay nakita ko sa Juda ang ilang nagpipisa sa mga ubasan sa sabbath, at nagdadala ng mga uhay, at nangasasakay sa mga asno; gaya naman ng alak, mga ubas, at mga higos, at lahat na sarisaring pasan, na kanilang ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng sabbath: at ako'y nagpatotoo laban sa kanila sa kaarawan na kanilang ipinagbibili ang mga pagkain.
У то време видех у Јудеји где газе у кацама у суботу и носе снопове натоваривши на магарце, и вино, грожђе и смокве и свакојаке товаре, и носе у Јерусалим у суботу, и прекорих их онај дан кад продаваху житак.
16 Doo'y nagsisitahan naman ang mga taga Tiro, na nangagpapasok ng isda, at ng sarisaring kalakal, at nangagbibili sa sabbath sa mga anak ni Juda, at sa Jerusalem.
И Тирци који живљаху у Јерусалиму доношаху рибу и свакојаки трг и продаваху у суботу синовима Јудиним у Јерусалиму.
17 Nang magkagayo'y nakipagtalo ako sa mga mahal na tao sa Juda, at sinabi ko sa kanila, Anong masamang bagay itong inyong ginagawa, at inyong nilalapastangan ang araw ng sabbath?
Зато прекорих главаре јудејске и рекох им: Какво је то зло што чините те скврните суботу?
18 Hindi ba nagsigawa ng ganito ang inyong mga magulang, at hindi ba dinala ng ating Dios ang buong kasamaang ito sa atin, at sa bayang ito? gayon ma'y nangagdala pa kayo ng higit na pag-iinit sa Israel, sa paglapastangan ng sabbath.
Нису ли тако чинили оци ваши, те Бог наш пусти на нас и на овај град све ово зло? И ви још умножавате гнев на Израиља скврнећи суботу.
19 At nangyari, na nang ang pintuang-bayan ng Jerusalem ay magpasimulang magdilim bago dumating ang sabbath, aking iniutos na ang mga pintuan ay sarhan, at iniutos ko na huwag nilang buksan hanggang sa makaraan ang sabbath: at ang ilan sa aking mga lingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-bayan, upang walang maipasok na pasan sa araw ng sabbath.
И кад дође сен на врата јерусалимска уочи суботе, заповедих те затворише врата, и заповедих да их не отварају до после суботе; и поставих неколико својих момака на вратима да се не уноси никакав товар у суботу.
20 Sa gayo'y ang mga mangangalakal at manininda ng sarisaring kalakal, ay nangatigil sa labas ng Jerusalem na minsan o makalawa.
И преноћише трговци и који продаваху свакојаки трг иза Јерусалима једном и другом.
21 Nang magkagayo'y nagpatotoo ako laban sa kanila, at nagsabi sa kanila, Bakit nagsisitigil kayo sa may kuta? kung kayo'y magsigawa uli ng ganiyan, aking pagbubuhatan ng kamay kayo. Mula nang panahong yaon ay hindi na sila naparoon pa ng sabbath.
И опоменух их и рекох им: Зашто ноћујете око зида? Ако још једном то учините, уложићу на вас. Од тада не долазише у суботу.
22 At ako'y nagutos sa mga Levita na sila'y mangagpakalinis, at sila'y magsiparoon, at ingatan ang mga pintuang-bayan, upang ipangilin ang araw ng sabbath. Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, dito man, at kahabagan mo ako ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan.
А Левитима заповедих да се очисте и да дођу и чувају врата да буде свет дан суботни. И за ово помени ме, Боже мој, и опрости ми по великој милости својој.
23 Nang mga araw namang yaon ay nakita ko ang mga Judio na nangagaasawa sa mga babae ng Asdod, ng Ammon, at ng Moab:
Још видех у то време Јудејце који се беху оженили Азоћанкама, Амонкама и Моавкама.
24 At ang kanilang mga anak ay nagsasalita ng kalahati sa wikang Asdod, at hindi makapagsalita ng wikang Judio, kundi ayon sa wika ng bawa't bayan.
И синови њихови говораху пола азотски, и не умеху говорити јудејски него језиком и једног и другог народа.
25 At ako'y nakipagtalo sa kanila, at sinumpa ko sila, at sinaktan ko ang iba sa kanila, at sinabunutan ko sila, at pinasumpa ko sila sa pamamagitan ng Dios, na sinasabi ko, Kayo'y huwag mangagbibigay ng inyong mga anak na babae na maging asawa sa kanilang mga anak na lalake, ni magsisikuha man ng kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake, o sa inyong sarili.
Зато их карах и псовах, и неке између њих бих и чупах, и заклех их Богом да не дају кћери своје синовима њиховим нити да узимају кћери њихове за синове своје или за себе.
26 Hindi ba nagkasala si Salomon na hari sa Israel sa pamamagitan ng mga bagay na ito? gayon man sa gitna ng maraming bansa ay walang haring gaya niya; at siya'y minahal ng kaniyang Dios, at ginawa siyang hari ng Dios sa buong Israel: gayon ma'y pinapagkasala rin siya ng mga babaing taga ibang lupa.
Није ли тим згрешио Соломун, цар Израиљев, ако и не беше у многим народима цара њему равног и мио беше Богу свом и Бог га беше поставио царем над свим Израиљем? Па опет га навратише на грех жене туђинке.
27 Didinggin nga ba namin kayo na inyong gawin ang lahat na malaking kasamaang ito, na sumalangsang laban sa ating Dios sa pagaasawa sa mga babaing taga ibang lupa?
А вама ли ћемо допустити да чините то све велико зло и грешите Богу нашем узимајући жене туђинке?
28 At isa sa mga anak ni Joiada, na anak ni Eliasib na dakilang saserdote, ay manugang ni Sanballat na Horonita: kaya't aking pinalayas siya sa akin.
И од синова Јојаде, сина Елијасива поглавара свештеничког, један беше зет Санавалату Ороњанину, ког отерах од себе.
29 Alalahanin mo sila, Oh Dios ko, sapagka't kanilang dinumhan ang pagkasaserdote, at ang tipan ng pagkasaserdote at ng sa mga Levita.
Помени их, Боже мој, што оскрвнише свештенство и завет свештенички и левитски.
30 Ganito ko nilinis sila sa lahat ng taga ibang lupa, at tinakdaan ko ng mga katungkulan ang mga saserdote at ang mga Levita, na bawa't isa'y sa kaniyang gawain;
И тако их очистих од свих туђинаца, и опет поставих редове свештеничке и левитске, сваког на посао његов,
31 At tungkol sa kaloob na panggatong, sa mga takdang panahon, at tungkol sa mga unang bunga. Alalahanin mo ako, Oh Dios ko, sa ikabubuti.
И да се доносе дрва за жртве на рокове, и првине. Помени ме, Боже мој, на добро.

< Nehemias 13 >