< Nahum 3 >
1 Sa aba ng mabagsik na bayan! siya'y puspos na lubos ng kabulaanan at mga agaw; ang panghuhuli ay hindi tumitigil.
Woe [to] the city of blood, She is all with lies — burglary — full, Prey doth not depart.
2 Ang higing ng panghagupit, at ang hugong ng pihit ng mga gulong, at ng mga madambang kabayo, at ng lukso ng mga karo,
The sound of a whip, And the sound of the rattling of a wheel, And of a prancing horse, and of a bounding chariot, Of a horseman mounting.
3 Ang sakay ng mga mangangabayo, at ang kinang ng tabak; at ang kislap ng sibat, at isang karamihan na patay, ay malaking bunton ng mga bangkay, at walang katapusang mga bangkay; sila'y nangatitisod sa kanilang mga bangkay;
And the flame of a sword, and the lightning of a spear, And the abundance of the wounded, And the weight of carcases, Yea, there is no end to the bodies, They stumble over their bodies.
4 Dahil sa karamihan ng pagpapatutot ng minagandang patutot, na panguna ng pangeenkanto, na nagbibili ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang pagpapatutot, at ng mga angkan sa pamamagitan ng kaniyang mga pangeenkanto.
Because of the abundance of the fornications of an harlot, The goodness of the grace of the lady of witchcrafts, Who is selling nations by her fornications, And families by her witchcrafts.
5 Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking ilililis ang iyong laylayan sa harap mo; at aking ipakikita sa mga bansa ang iyong kahubaran, at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan.
Lo, I [am] against thee, An affirmation of Jehovah of Hosts, And have removed thy skirts before thy face, And have shewed nations thy nakedness, And kingdoms thy shame,
6 At aking ihahagis sa iyo ang kasuklamsuklam na karumihan, at gagawin kitang hamak, at ilalagay kitang pinakakutya.
And I have cast upon thee abominations, And dishonoured thee, and made thee as a sight.
7 At mangyayari, na ang lahat na mangakakakita sa iyo, ay iilag sa iyo, at mangagsasabi, Ang Ninive ay nahahandusay na sira: sinong mananaghoy sa kaniya? saan ako hahanap ng mga mangaaliw sa iyo?
And it hath come to pass, Each of thy beholders fleeth from thee, And hath said: 'Spoiled is Nineveh, Who doth bemoan for her?' Whence do I seek comforters for thee?
8 Ikaw baga'y mabuti pa sa Noamon, na natatayo sa gitna ng mga ilog, na may tubig sa palibot niya; na ang katibaya'y ang dagat, at ang kaniyang kuta ay nasa dagat?
Art thou better than No-Ammon, That is dwelling among brooks? Waters she hath round about her, Whose bulwark [is] the sea, waters her wall.
9 Etiopia at Egipto ang kaniyang mga naging katibayan, at walang hanggan; Phut at Lubim ang iyong mga naging katulong.
Cush her might, and Egypt, and there is no end. Put and Lubim have been for thy help.
10 Gayon ma'y siya'y nadala, siya'y pumasok sa pagkabihag; ang kaniyang mga anak naman ay pinagputolputol sa dulo ng lahat ng mga lansangan; at pinagsapalaran ang kaniyang mga marangal na tao, at ang lahat niyang mahal na tao ay nangasabiran ng mga tanikala.
Even she doth become an exile, She hath gone into captivity, Even her sucklings are dashed to pieces At the top of all out-places, And for her honoured ones they cast a lot, And all her great ones have been bound in fetters.
11 Ikaw naman ay malalango; ikaw ay matatago; ikaw rin naman ay hahanap ng katibayan dahil sa kaaway.
Even thou art drunken, thou art hidden, Even thou dost seek a strong place, because of an enemy.
12 Lahat ng iyong kuta ay magiging parang puno ng igos, na may unang hinog na mga igos: kung mga ugugin, nangalalaglag sa bibig ng kumakain.
All thy fortresses [are] fig-trees with first-fruits, If they are shaken, They have fallen into the mouth of the eater.
13 Narito, ang iyong mga tao sa gitna mo ay mga babae; ang mga pintuang-bayan ng iyong lupain ay nangabubukas ng maluwang sa iyong mga kaaway: nilamon ng apoy ang iyong mga halang.
Lo, thy people [are] women in thy midst, To thine enemies thoroughly opened Have been the gates of thy land, Consumed hath fire thy bars.
14 Umigib ka ng tubig sa pagkakubkob; tibayan mo ang iyong mga katibayan; pumasok ka sa putikan, at yapakan mo ang argamasa, tibayan mo ang hurno ng ladrillo.
Waters of a siege draw for thyself, Strengthen thy fortresses, Enter into mire, and tread on clay, Make strong a brick-kiln.
15 Doon ka sasakmalin ng apoy; ihihiwalay ka ng tabak; sasakmalin kang parang uod: magpakarami kang gaya ng uod: magpakarami kang gaya ng balang.
There consume thee doth a fire, Cut thee off doth a sword, It doth consume thee as a cankerworm! Make thyself heavy as the cankerworm, Make thyself heavy as the locust.
16 Iyong pinarami ang iyong mga mangangalakal kay sa mga bituin sa langit: ang uod ay sumasamsam, at lumilipad.
Multiply thy merchants above the stars of the heavens, The cankerworm hath stripped off, and doth flee away.
17 Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang, at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton, na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig, nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad, at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon.
Thy crowned ones [are] as a locust, And thy princes as great grasshoppers, That encamp in hedges in a day of cold, The sun hath risen, and it doth flee away, And not known is its place where they are.
18 Ang iyong mga pastor ay nangatutulog, Oh hari sa Asiria; ang iyong mga bayani ay nangagpapahinga; ang iyong bayan ay nangangalat sa mga bundok, at walang magpisan sa kanila.
Slumbered have thy friends, king of Asshur, Rest do thine honourable ones, Scattered have been thy people on the mountains, And there is none gathering.
19 Walang kagamutan sa iyong sakit: ang iyong sugat ay malubha: lahat na makabalita sa iyo ay nagsisipakpak ng kamay dahil sa iyo; sapagka't sinong hindi nadaanan ng iyong kasamaan?
There is no weakening of thy destruction, Grievous [is] thy smiting, All hearing thy fame have clapped the hand at thee, For over whom did not thy wickedness pass continually?