< Nahum 2 >
1 Siyang bumabasag ay sumampa sa harapan mo: ingatan mo ang katibayan, bantayan mo ang daan, palakasin mo ang iyong mga balakang, patibayin mo ang iyong kapangyarihan na mainam,
Nineveh! The destroyer has come up against you; mount guard upon the rampart; watch the road; brace yourselves; strengthen your might to the utmost.
2 Sapagka't ibinabalik ng Panginoon ang karilagan ng Jacob na gaya ng karilagan ng Israel: sapagka't ang mga tagatuyo ay nagsituyo sa kanila, at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas.
For the Lord is restoring the majesty of Jacob and of Israel, though the devastators have plundered them and destroyed their vines.
3 Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula, ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula: ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda, at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot.
The shields of his warriors are dyed red, his soldiers are clothed in scarlet, his chariots gleam like fire on the day he prepares for battle spears are shaken.
4 Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan: ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo; nagsisitakbong parang mga kidlat.
Chariots rush across the fields, storm through the squares; they flame like torches, they dart like lightening.
5 Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani: sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon, at ang panakip ay handa.
A leader rallies his nobles, they hurl themselves forward. They speed on toward the wall; the storming-shield is set up.
6 Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas, at ang palacio ay nalansag.
The water-gates are thrown open, and the palace dissolves in ruins.
7 At si Huzab ay nahubdan; siya'y dinala; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati, na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib.
The queen is stripped, she is carried off. Her maids moan like doves, beating upon their breasts.
8 Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig: gayon ma'y nagsisitakas. Tigil kayo, tigil kayo, isinisigaw nila; nguni't walang lumilingon.
Like a pool of water is Nineveh, her waters fast ebbing away. ‘Stand firm! Stand firm!’ someone cries, but no one turns back.
9 Kunin ninyo ang samsam na pilak, kunin ninyo ang samsam na ginto; sapagka't walang katapusang kayamanan, na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan.
‘Loot the silver, loot the gold, for there is no end to the treasure, the wealth and precious things.’
10 Siya'y tuyo, at walang laman, at wasak; at ang puso ay natutunaw, at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan, at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang, at ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla.
Nineveh is empty, desolate, devastated, with faint heart and knocking knee. There is weakness in every limb, and faces grow pale.
11 Saan nandoon ang yungib ng mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila?
Where now is the den of lions? Where now the lair of their young? Where the lion used to withdraw, with his cubs, with none to disturb them?
12 Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon, at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib.
The lion tore enough for his cubs, and strangled prey for his lionesses. He filled his caves with the kill, he filled his lairs with fresh meat.
13 Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig.
‘But see, I am against you,’ the Lord of hosts declares, ‘I will burn your chariots in smoke and fire. The sword will devour your young lions. You will never again prey on the land. No more will your messengers be heard.’