< Mikas 7 >
1 Sa aba ko! sapagka't ako'y gaya ng kanilang pisanin ang mga bunga sa taginit, gaya ng mga pamumulot ng ubas sa ubasan: walang kumpol na makain; ako'y nananabik sa unang bunga ng igos.
Vai man, jo es esmu, kā kad koku augļi sakrāti, kā kad vīna ogas otru reiz nolasītas; neviena ķekara ko ēst, nevienas agrīnās vīģes, kas manai dvēselei gribās.
2 Ang mabuting tao ay namatay sa lupa, at wala nang matuwid sa mga tao: silang lahat ay nagsisibakay upang magbubo ng dugo; hinuhuli ng bawa't isa ang kaniyang kapatid sa pamamagitan ng silo.
Dievbijīgie iznīkuši no zemes, un taisna nav cilvēku vidū; tie visnotaļ glūn uz asinīm, cits citam tie met tīklus.
3 Ang kanilang mga kamay ay nangasa kasamaan upang sikaping isagawa; ang prinsipe ay humihingi, at ang hukom ay maagap sa suhol; at ang dakilang tao ay nangagsasalita ng masamang hangad ng kaniyang kaluluwa: ganito nila nilalala.
Abām rokām tie dara ļaunu cik spēdami; valdnieks prasa un soģis tiesā par maksu, un lielskungs izrunā savas sirds kārību, un tā tie to sapin.
4 Ang pinakamahusay sa kanila ay parang dawag; ang pinakamatuwid ay masama kay sa isang bakod na tinikan: ang araw ng inihula sa iyo ng mga bantay, sa makatuwid baga'y ang araw ng pagdalaw sa iyo, ay dumating; ngayo'y mangatitigilan sila.
Tas labākais no tiem ir kā ērkšķis, un tas taisnākais kā ērkšķu krūms. Tavu sargu diena, tava piemeklēšana nāk - tad tie būs izsamisuši.
5 Huwag kayong magsitiwala sa kalapit bahay; huwag kayong magkatiwala sa kaibigan; ingatan mo ang mga pinto ng inyong bibig sa kaniya na humihiga sa inyong sinapupunan.
Neticat tuvākam un nepaļaujaties uz draugu; pasargi savas mutes durvis priekš tās, kas guļ tavā klēpī.
6 Sapagka't sinisiraang puri ng anak na lalake ang ama, ang anak na babae ay tumitindig laban sa kaniyang ina, ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae; ang mga kaaway ng tao ay ang kaniyang sariling kasangbahay.
Jo dēls nicina tēvu, meita ceļas pret savu māti, vedekla pret savu vīra māti, cilvēka ienaidnieki ir viņa paša mājas ļaudis.
7 Nguni't sa ganang akin, ako'y titingin sa Panginoon; ako'y maghihintay sa Dios ng aking kaligtasan: didinggin ako ng aking Dios.
Bet es cerēšu uz To Kungu, es gaidīšu uz Dievu, savu Pestītāju; mans Dievs mani paklausīs.
8 Huwag kang magalak laban sa akin, Oh aking kaaway: pagka ako'y nabuwal, ako'y babangon; pagka ako'y naupo sa kadiliman, ang Panginoo'y magiging ilaw sa akin.
Nepriecājies, mana ienaidniece! Kad es esmu kritis, es atkal celšos; kad es sēžu tumsībā, tad Tas Kungs ir mans gaišums.
9 Aking babatahin ang kagalitan ng Panginoon, sapagka't ako'y nagkasala laban sa kaniya, hanggang sa kaniyang ipagsanggalang ang aking usap, at lapatan ako ng kahatulan: kaniyang ilalabas ako sa liwanag, at aking mamasdan ang kaniyang katuwiran.
Es nesīšu Tā Kunga dusmību, jo es pret Viņu esmu grēkojis, tiekams Viņš iztiesās manu tiesas lietu un man nesīs tiesu. Viņš mani vedīs gaismā, es redzēšu ar prieku Viņa taisnību.
10 Kung magkagayo'y makikita ng aking kaaway, at kahihiyan ang tatakip sa kaniya, na nagsabi sa akin, Saan nandoon ang Panginoon mong Dios? Makikita ng aking mga mata ang nais ko sa kaniya; siya nga'y yayapakan na parang putik sa mga lansangan.
Un mana ienaidniece to redzēs un taps apsegta ar kaunu, - kas uz mani saka: kur ir Tas Kungs, tavs Dievs? Manas acis redzēs, ka viņu samīs kā dubļus ielā.
11 Kaarawan ng pagtatayo ng iyong mga kuta! sa kaarawang yaon ay malalayo ang pasiya.
Nāks diena, tad tavi mūri taps uzcelti, tanī dienā robeža tālu sniegsies.
12 Sa kaarawang yaon ay magsisiparoon sila sa iyo mula sa Asiria at sa mga bayan ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa ilog, at mula sa dagat at dagat, at sa bundok at bundok.
Tanī dienā pie tevis nāks no Asura un Ēģiptes pilsētām, un no Ēģiptes līdz lielupei, un no vienas jūras līdz otrai un no viena kalna līdz otram.
13 Gayon ma'y masisira ang lupain dahil sa kanila na nagsisitahan doon, dahil sa bunga ng kanilang mga gawa.
Bet zeme taps postā savu iedzīvotāju dēļ, viņu darba augļu dēļ.
14 Pakanin mo ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong tungkod, ang kawan na iyong mana, na tumatahang magisa, sa gubat sa gitna ng Carmelo: pakanin mo sila sa Basan at sa Galaad, gaya ng mga araw nang una.
Tu tad gani Savus ļaudis ar Savu zizli, Savas mantības ganāmo pulku, kas savrup dzīvo Karmeļa mežā; lai tie gana pa Basanu un Gileādu tā kā vecos laikos.
15 Gaya ng mga araw ng iyong paglabas sa lupain ng Egipto ay aking pagpapakitaan sila ng mga kagilagilalas na bagay.
Es tiem likšu brīnumus redzēt, kā tanīs dienās, kad jūs izgājāt no Ēģiptes zemes.
16 Makikita ng mga bansa, at mangapapahiya sa buo nilang kapangyarihan; kanilang ilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ang kanilang mga pakinig ay mabibingi.
Pagāni to redzēs un taps kaunā ar visu savu varu, tie roku liks uz muti, viņu ausis taps kurlas.
17 Sila'y magsisihimod sa alabok na parang ahas; parang nagsisiusad na hayop sa lupa sila'y magsisilabas na nagsisipanginig mula sa kanilang mga kulungan; sila'y magsisilapit na may takot sa Panginoon nating Dios, at mangatatakot dahil sa iyo.
Tie laizīs pīšļus kā čūska, kā zemes tārpi tie trīcēs savās pilīs, tie bīsies To Kungu, mūsu Dievu, un baiļosies no Tevis.
18 Sino ang Dios na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob.
Kur ir tāds Dievs kā Tu? Kas piedod noziegumu un pamet pārkāpumu Savas mantības atlikušiem; Viņš nepatur Savu dusmību mūžīgi, jo Viņam ir labs prāts žēlot.
19 Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.
Viņš atkal par mums apžēlosies, Viņš deldēs mūsu noziegumus. Tiešām, Tu visus viņu grēkus metīsi jūras dziļumos.
20 Iyong isasagawa ang katotohanan kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una.
Jēkabam Tu parādīsi uzticību, Ābrahāmam žēlastību, ko mūsu tēviem esi zvērējis no vecām dienām.