< Mikas 5 >
1 Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo, Oh anak na babae ng mga hukbo: siya'y nangubkob laban sa atin; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel ng isang tungkod.
Riv nu Sår i din Hud! De bar opkastet en Vold imod os; med Stokken slår de Israels Hersker på Kinden.
2 Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.
Og du du Betlehems-Efrata, liden til at være blandt Judas Tusinder! Af dig skal udgå mig een til at være Hersker i Israel. Hans Udspring er fra fordum, fra Evigheds Dage.
3 Kaya't kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel.
Derfor giver han dem hen, så længe til hun, som skal føde, føder, og Resten af hans Brødre vender hjem til Israeliterne.
4 At siya'y titindig, at magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios: at sila'y mananatili; sapagka't ngayon siya'y magiging dakila hanggang sa mga wakas ng lupa.
Han skal stå og vogte i HERRENs Kraft, i HERREN sin Guds høje Navn. De skal bo trygt, thi nu skal hans Storhed nå Jordens Grænser.
5 At ang lalaking ito ay magiging kapayapaan natin. Pagka ang taga Asiria ay papasok sa ating lupain, at pagka siya'y tutungtong sa ating mga palacio, tayo nga'y mangagtitindig laban sa kaniya ng pitong pastor, at walong pinakapangulong tao.
Og han skal være Fred. Når Assur trænger ind i vort Land, og når han træder ind i vore Borge, stiller vi syv Hyrder imod ham og otte fyrstelige Mænd,
6 At kanilang wawasakin ng tabak ang lupain ng Asiria, at ang lupain ng Nimrod sa mga pasukan niyaon: at kaniyang ililigtas tayo sa taga Asiria, pagka siya'y pumasok sa ating lupain, at pagka siya'y tumungtong sa loob ng ating hangganan.
som skal vogte Assurs Land med Sværd og Nimrods Land med Klinge. Og han skal fri os fra Assur, når han trænger ind i vort Land, træder ind på vore Enemærker.
7 At ang nalabi sa Jacob ay magiging parang hamog na mula sa Panginoon sa gitna ng maraming bayan, parang ulan sa damo, na hindi naghihintay sa tao, ni naghihintay man sa mga anak ng tao.
Da bliver Jakobs Rest i de mange Folkeslags Midte som Dug, der kommer fra HERREN, som Regnens Dråber på Græs, der ikke venter på nogen eller bier på Menneskens Børn.
8 At ang nalabi sa Jacob ay magiging sa gitna ng mga bansa, sa gitna ng maraming bayan, na parang leon sa mga hayop sa gubat, na parang batang leon sa mga kawan ng mga tupa; na kung siya'y dumaraan ay yumayapak at lumalapa, at walang magligtas.
Da bliver Jakobs Rest blandt Folkene i de mange Folkeslags Midte som en Løve blandt Skovens Dyr, en Ungløve blandt Fårehjorde, der nedtramper, når den går frem, og sønderriver redningsløst.
9 Mataas ang iyong kamay sa iyong mga kaaway, at mangahiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway.
Din Hånd skal være over dine Uvenner, alle dine Fjender ryddes bort.
10 At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na aking ihihiwalay ang iyong mga kabayo sa gitna mo, at aking gigibain ang iyong mga karo:
På hin Dag, lyder det fra HERREN, udrydder jeg Hestene af dig, dine Stridsvogne gør jeg til intet.
11 At aking ihihiwalay ang mga bayan ng iyong lupain, at aking ibabagsak ang lahat ng iyong katibayan:
rydder Byerne bort i dit Land, river alle dine Fæstninger ned,
12 At aking ihihiwalay ang mga panghuhula sa iyong kamay; at hindi ka na magkakaroon ng mga manghuhula:
rydder Trolddommen bort af din Hånd, Tegntydere får du ej mer;
13 At aking ihihiwalay ang iyong mga inanyuang larawan at ang iyong mga haligi mula sa gitna mo; at hindi ka na sasamba sa gawa ng iyong mga kamay;
jeg rydder dine Billeder bort, Stenstøtterne bort af din Midte og du skal ikke mer tilbede dine Hænders Værk.
14 At aking bubunutin ang iyong mga Asera mula sa gitna mo; at aking sisirain ang iyong mga bayan.
Jeg udrydder dine Asjerer og lægger dine Afguder øde;
15 At ako'y maguukol ng panghihiganti sa galit at kapusukan sa mga bansa na hindi nangakinig.
i Vrede og Harme tager jeg Hævn over Folk, som ikke vil høre.