< Mikas 3 >

1 At aking sinabi, Isinasamo ko sa inyo, na inyong dinggin, ninyong mga pangulo ng Jacob, at mga pinuno ng sangbahayan ni Israel: hindi baga sa inyo ang pagalam ng katuwiran.
我說:雅各的首領, 以色列家的官長啊,你們要聽! 你們不當知道公平嗎?
2 Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan; na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila, at ng kanilang laman sa kanilang mga buto;
你們惡善好惡, 從人身上剝皮, 從人骨頭上剔肉,
3 Kayo ring kumakain ng laman ng aking bayan, at lumalapnos ng kanilang balat, at bumabali ng kanilang mga buto, at kanilang pinagputolputol yaon, na wari'y para sa palyok, at parang laman sa loob ng caldera.
吃我民的肉, 剝他們的皮, 打折他們的骨頭, 分成塊子像要下鍋, 又像釜中的肉。
4 Kung magkagayo'y magsisidaing sila sa Panginoon, nguni't hindi niya sasagutin sila; oo, kaniyang ikukubli ang kaniyang mukha sa kanila sa panahong yaon, ayon sa kanilang ginawang kasamaan sa kanilang mga gawa.
到了遭災的時候, 這些人必哀求耶和華, 他卻不應允他們。 那時他必照他們所行的惡事向他們掩面。
5 Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan; na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw, Kapayapaan; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig, ay pinaghahandaan siya nila ng digma:
論到使我民走差路的先知- 他們牙齒有所嚼的, 他們就呼喊說:平安了! 凡不供給他們吃的, 他們就預備攻擊他- 耶和華如此說:
6 Kaya't magiging gabi sa inyo, na hindi kayo magkakaroon ng pangitain; at magkakaroon ng kadiliman, na hindi kayo makapanghuhula; at ang araw ay lulubog sa mga propeta, at ang araw ay mangungulimlim sa kanila.
你們必遭遇黑夜,以致不見異象; 又必遭遇幽暗,以致不能占卜。 日頭必向你們沉落, 白晝變為黑暗。
7 At ang mga tagakita ay mangapapahiya, at ang mga manghuhula ay mangatutulig; oo, silang lahat ay mangagtatakip ng kanilang mga labi; sapagka't walang kasagutan ng Dios.
先見必抱愧, 占卜的必蒙羞, 都必摀着嘴唇, 因為上帝不應允他們。
8 Nguni't sa ganang akin, ako'y puspos ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ng Panginoon, at ng kahatulan, at ng kapangyarihan, upang ipahayag sa Jacob ang kaniyang pagsalansang, at sa Israel ang kaniyang kasalanan.
至於我,我藉耶和華的靈, 滿有力量、公平、才能, 可以向雅各說明他的過犯, 向以色列指出他的罪惡。
9 Dinggin ninyo ito, isinasamo ko sa inyo, ninyong mga pangulo sa sangbahayan ni Jacob, at mga pinuno sa sangbahayan ni Israel, na nangapopoot sa kahatulan, at nangagbabaluktot ng matuwid.
雅各家的首領、以色列家的官長啊, 當聽我的話! 你們厭惡公平, 在一切事上屈枉正直;
10 Kanilang itinatayo ang Sion sa pamamagitan ng dugo, at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.
以人血建立錫安, 以罪孽建造耶路撒冷。
11 Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.
首領為賄賂行審判; 祭司為雇價施訓誨; 先知為銀錢行占卜。 他們卻倚賴耶和華,說: 耶和華不是在我們中間嗎? 災禍必不臨到我們。
12 Kaya't ang Sion ay bubukirin na parang isang bukid dahil sa inyo, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang mga bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa isang gubat.
所以因你們的緣故, 錫安必被耕種像一塊田, 耶路撒冷必變為亂堆; 這殿的山必像叢林的高處。

< Mikas 3 >