< Mateo 26 >

1 At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang lahat ng mga salitang ito, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad,
Yesu wiee nsɛm yi nyinaa ka no, ɔka kyerɛɛ nʼasuafo no se,
2 Nalalaman ninyo na pagkaraan ng dalawang araw ay darating ang paskua, at ibibigay ang Anak ng tao upang ipako sa krus.
“Sɛnea munim no aka nnaanu na Twam Afahyɛ no adu, na wobeyi Onipa Ba no ama, na wɔabɔ no asennua mu.”
3 Nang magkagayo'y ang mga pangulong saserdote, at ang mga matanda sa bayan ay nangagkatipon sa looban ng dakilang saserdote, na tinatawag na Caifas;
Saa bere no ara na asɔfo mpanyin ne Yudafo mpanyin bi ahyia mu wɔ Ɔsɔfopanyin Kaiafa fi,
4 At sila'y nangagsanggunian upang hulihin si Jesus sa pamamagitan ng daya, at siya'y patayin.
retu agyina ahwehwɛ ɔkwan a wɔbɛfa so akyere Yesu, akum no a obiara renhu akyi.
5 Datapuwa't sinabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo sa bayan.
Nanso wɔkae se, “Ɛnsɛ sɛ wɔkyere no Twam Afahyɛ no mu, anyɛ saa a, ɛde basabasayɛ bɛba ɔman no mu.”
6 Nang nasa Betania nga si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin,
Afei Yesu kɔɔ Betania na ɔkɔɔ Simon ɔkwatani fi.
7 Ay lumapit sa kaniya ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro ng unguento na lubhang mahalaga, at ibinuhos sa kaniyang ulo, samantalang siya'y nakaupo sa pagkain.
Ɔwɔ hɔ redidi no, ɔbea bi a okura ngo huamhuam bi a ne bo yɛ den yiye toa ma baa hɔ, behwie guu Yesu tirim.
8 Datapuwa't nang makita ito ng mga alagad, ay nangagalit sila, na nangagsasabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito?
Asuafo no hui no, anyɛ wɔn dɛ. Wɔkae se, “Adesɛe yi ase ne dɛn?
9 Sapagka't ito'y maipagbibili sa malaking halaga, at maibibigay sa mga dukha.
Anka wobetumi atɔn srade huamhuam yi anya sika bebree de ama ahiafo.”
10 Datapuwa't nang mahalata ito ni Jesus ay sinabi sa kanila, Bakit ninyo binabagabag ang babae? sapagka't gumawa siya sa akin ng mabuting gawa.
Yesu huu wɔn adwene na ɔka kyerɛɛ wɔn se, “Adɛn na mohaw ɔbea yi? Wayɛ ade pa ama me.
11 Sapagka't laging nangasa inyo ang mga dukha; datapuwa't ako'y hindi laging nasa inyo.
Mo ne ahiafo wɔ ha daa na me de, me ne mo nni hɔ daa.
12 Sapagka't sa pagbubuhos niya nitong unguento sa aking katawan, ay ginawa niya ito upang ihanda ako sa paglilibing.
Wahwie ngo huamhuam yi agu me so de asiesie me nipadua ama me sie.
13 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saan man ipangaral ang evangeliong ito sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya.
Nokware, mise mo sɛ, wɔbɛka nea ɔyɛe yi wɔ wiase baabiara a wɔka asɛmpa no de akae no.”
14 Nang magkagayo'y isa sa labingdalawa, na tinatawag na Judas Iscariote, ay naparoon sa mga pangulong saserdote,
Afei Yuda Iskariot a ɔyɛ asuafo dumien no mu baako kɔɔ asɔfo mpanyin no nkyɛn
15 At sinabi, Ano ang ibig ninyong ibigay sa akin, at siya'y ibibigay ko sa inyo? At siya'y tinimbangan nila ng tatlongpung putol na pilak.
kobisaa wɔn se, “Sɛ miyi Yesu ma mo a, ahe na mode bɛma me?” Wɔmaa no dwetɛ mpɔw aduasa.
16 At buhat nang panahong yao'y humanap siya ng pagkakataon upang maibigay siya.
Efi saa bere no, Yuda hwehwɛɛ ɔkwan a ɔbɛfa so ayi no ama wɔn.
17 Nang unang araw nga ng mga tinapay na walang lebadura ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nagsisipagsabing, Saan mo ibig na ipaghanda ka namin upang kumain ng kordero ng paskua?
Apiti Afahyɛ da a edi kan no, asuafo no baa Yesu nkyɛn bebisaa no se, “Ɛhe na wopɛ sɛ yekodi Twam Afahyɛ no?”
18 At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad.
Obuaa wɔn se, “Monkɔ kurow no mu nkohu ɔpanyin asiamasi nka nkyerɛ no se, ‘Kyerɛkyerɛfo no se, Me bere abɛn, na wo fi na me ne nʼasuafo no bedi Twam Afahyɛ no.’”
19 At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua.
Asuafo no dii nea ɔka kyerɛɛ wɔn no so, yɛɛ Twam Afahyɛ aduan no.
20 Nang dumating nga ang gabi, ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad;
Anwummere no na ɔne Dumien no te adidii.
21 At samantalang sila'y nagsisikain, ay sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.
Wɔredidi no ɔkae se, “Mereka mo nokware, mo mu baako beyi me ama.”
22 At sila'y lubhang nangamanglaw, at nagpasimula ang bawa't isa na magsabi sa kaniya, Ako baga, Panginoon?
Asɛm yi maa wɔn werɛ howee yiye, na wofii ase bisabisaa mmaako mmaako se, “Awurade, ɛyɛ me ana?”
23 At siya'y sumagot at sinabi, Yaong kasabay kong idampot ang kamay sa pinggan, ay siya ring magkakanulo sa akin.
Yesu buae se, “Nea ɔne me nsa da asanka baako mu no, ɔno na obeyi me ama.
24 Ang Anak ng tao ay papanaw, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya: datapuwa't sa aba niyaong taong magkakanulo sa Anak ng tao! mabuti pa sana sa taong yaon ang hindi na siya ipinanganak.
Onipa Ba no rekɔ sɛnea wɔakyerɛw afa ne ho de, nanso onipa a obeyi no ama no, nnue! Sɛ wɔanwo saa onipa no mpo a, anka eye.”
25 At si Judas, na sa kaniya'y nagkanulo, ay sumagot at nagsabi, Ako baga, Rabi? Sinabi niya sa kaniya, Ikaw ang nagsabi.
Yuda a obeyi no ama nso bisaa no se, “Kyerɛkyerɛfo, ɛyɛ me ana?” Yesu buaa no se, “Woaka.”
26 At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.
Bere a wɔredidi no. Yesu faa brodo, na ohyiraa so bubuu mu, de maa nʼasuafo no kae se: “Munnye nni, eyi ne me nipadua.”
27 At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;
Na ɔfaa kuruwa no, na ɔdaa ase no, ɔde maa wɔn kae se, “Mo nyinaa monnom bi,
28 Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
na eyi ne me mogya a ɛhyɛ Apam Foforo no mu den, a wohwie gu ma nnipa bebree nya bɔnefakyɛ.
29 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama.
Mise mo sɛ, merennom saa nsa yi bi bio da, de bɛkɔ akosi da a me ne mo bɛnom bi bio wɔ mʼAgya Ahenni no mu.”
30 At pagkaawit nila ng isang himno, ay nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.
Na wɔtoo dwom wiee no, wofii adi kɔɔ Ngo Bepɔw no so.
31 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan.
Yesu ka kyerɛɛ wɔn se, “Anadwo yi, mo nyinaa beguan agya me. Na wɔakyerɛw se, “‘wɔbɛbɔ oguanhwɛfo no, na nguankuw no abɔ apete.’
32 Datapuwa't pagkapagbangon ko, ay mauuna ako sa inyo sa Galilea.
Na sɛ miwu sɔre a, medi mo kan akɔ Galilea.”
33 Datapuwa't sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Kung ang lahat ay mangagdaramdam sa iyo, ako kailan ma'y hindi magdaramdam.
Petro buae se, “Sɛ nnipa nyinaa beguan agya wo a, me de, merenguan nnya wo da.”
34 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo.
Yesu buae se, “Nokware mise wo sɛ, ansa na akokɔ bɛbɔn no, na woapa me mprɛnsa!”
35 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Kahima't ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.
Petro pae mu kae se, “Mpo sɛ etwa sɛ me ne wo wu a, merempa wo da!” Asuafo no nyinaa nso kaa saa asɛm koro yi ara.
36 Nang magkagayo'y dumating si Jesus na kasama sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin.
Yesu de wɔn kɔɔ baabi a wɔfrɛ hɔ Getsemane. Woduu hɔ no, ɔka kyerɛɛ wɔn se, “Montena ha na merekɔ hɔ akɔbɔ mpae.”
37 At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo.
Ɔfaa Petro ne Sebedeo mma baanu no kaa ne ho, na ne werɛ fii ase howee, na ne ho nso yeraw no.
38 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin.
Ɔka kyerɛɛ wɔn se, “Awerɛhow ahyɛ me kra so de kɔ owu mu. Montena ha na mo ne me nwɛn.”
39 At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
Na ɔkɔɔ nʼanim kakra, de nʼanim kobutuw fam bɔɔ mpae se, “MʼAgya, sɛ ebetumi a, ma wonyi kuruwa yi mfi me so. Nanso nea wopɛ na ɛnyɛ na ɛnyɛ nea mepɛ.”
40 At lumapit siya sa mga alagad, at sila'y kaniyang naratnang nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Ano, hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras?
Na ɔsan baa asuafo baasa no nkyɛn behuu sɛ wɔadeda. Ɔfrɛɛ Petro bisaa no se, “Petro, woantumi antena ase ne me anwɛn dɔnhwerew baako pɛ mpo?
41 Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman.
Monwɛn na mommɔ mpae, na moankɔ sɔhwɛ mu. Honhom no pɛ de, nanso ɔhonam no yɛ mmerɛw!”
42 Muli siyang umalis na bilang ikalawa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung di mangyayaring makalampas ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban.
Ɔsan gyaw wɔn hɔ nea ɛto so abien kɔbɔɔ mpae se, “MʼAgya, sɛ wɔrenyi kuruwa yi mfi me so, na nom ara na ɛsɛ sɛ menom a, nea wopɛ nyɛ.”
43 At siya'y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog, sapagka't nangabibigatan ang kanilang mga mata.
Ɔsan baa wɔn nkyɛn bio behuu wɔn sɛ wɔadeda efisɛ na wɔn ani kum yiye.
44 At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo, na sinabing muli ang gayon ding mga salita.
Ɔsan kɔɔ mpaebɔ a ɛto so abiɛsa so kɔbɔɔ mpae kaa asɛm koro no ara.
45 Nang magkagayo'y lumapit siya sa mga alagad, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: narito, malapit na ang oras, at ang Anak ng tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.
Ɔsan baa asuafo no nkyɛn bɛka kyerɛɛ wɔn se, “Afei de, monna na monhome. Nanso dɔn no adu. Wɔrebeyi Onipa Ba no ahyɛ nnebɔneyɛfo nsa!
46 Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin.
Monsɔre na yɛnkɔ! Monhwɛ! Nea ɔreyi me ama no na ɔreba no!”
47 At samantalang nagsasalita pa siya, narito, dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas, mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan.
Ogu so rekasa no, Yuda a ɔyɛ asuafo dumien no mu baako ne dɔm a Yudafo mpanyin asoma wɔn a wokurakura afoa ne nkontimmaa baa hɔ.
48 Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga: hulihin ninyo siya.
Na Yuda aka akyerɛ wɔn se, “Nea mefew nʼafono no ne onipa no; mokyere no”
49 At pagdaka'y lumapit siya kay Jesus, at nagsabi, Magalak, Rabi; at siya'y hinagkan.
Yuda baa Yesu nkyɛn bɛbam no kae se, “Me wura!” Na ofew nʼafono.
50 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Gawin mo ang dahil ng pagparito mo. Nang magkagayon ay nagsilapit sila at kanilang sinunggaban si Jesus, at siya'y kanilang dinakip.
Yesu ka kyerɛɛ no se, “Damfo, nea wobaa ha se worebɛyɛ no, yɛ no ntɛm.” Ɛhɔ ara, wɔn a wɔne Yuda nam no kyeree Yesu.
51 At narito, ang isa sa mga kasama ni Jesus ay iniunat ang kaniyang kamay at binunot ang kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang tainga.
Wɔn a wɔka Yesu ho no mu baako twee nʼafoa de twaa Ɔsɔfopanyin no akoa bi aso.
52 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan: sapagka't ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay.
Yesu ka kyerɛɛ no se, “Fa wʼafoa no to nea ɛda. Na wɔn a wɔtwe afoa no, afoa ano na wobewu.
53 O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?
Munnim sɛ metumi aka akyerɛ mʼAgya na wasoma nʼabɔfo mpempem aba ntɛm so, na wɔabɛbɔ yɛn ho ban?
54 Kung gayo'y paano bagang mangatutupad ang mga kasulatan, na ganyan ang nauukol na mangyari?
Nanso sɛ meyɛ saa a, ɛbɛyɛ dɛn na nea Kyerɛwsɛm no ka se ɛsɛ sɛ esi wɔ eyi ho no bɛba mu?”
55 Sa oras na yaon ay sinabi ni Jesus sa mga karamihan, Kayo baga'y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo, at hindi ninyo ako dinakip.
Bere no mu ara na Yesu bisaa dɔm a wɔbaa ne so no se, “Midi atuatewfo anim nti na mode afoa ne nkontimmaa aba me so sɛ mode rebɛkyere me yi? Metenaa mo nkyɛn kyerɛkyerɛɛ wɔ hyiadan mu da biara, nso moansiw me kwan.
56 Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas.
Nanso eyi nyinaa aba sɛnea ɛbɛyɛ a nea adiyifo no kae wɔ Kyerɛwsɛm mu no bɛba mu.” Saa bere no ara mu na asuafo no nyinaa guan gyaa no.
57 At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si Caifas, na doo'y nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda.
Afei dɔm a wɔkyeree Yesu no de no kɔɔ Ɔsɔfopanyin Kaiafa anim, baabi a mmarakyerɛfo ne Yudafo mpanyin nyinaa ahyia hɔ.
58 Datapuwa't si Pedro'y sumunod sa kaniya sa malayo, hanggang sa looban ng dakilang saserdote, at siya'y pumasok, at nakiumpok sa mga punong kawal, upang makita niya ang wakas.
Petro tew ne ho dii nnipadɔm no akyi baa Ɔsɔfopanyin no fi hɔ bi. Ɔkɔtenaa asomfo a wɔwɔ hɔ no mu se ɔrehwɛ asɛm a ebesi.
59 Ang mga pangulong saserdote nga at ang buong Sanedrin ay nagsisihanap ng patotoong kabulaanan laban kay Jesus, upang siya'y kanilang maipapatay;
Asɔfo mpanyin ne Yudafo asennifo akunini nyinaa hyiaa wɔ hɔ hwehwɛɛ sɛ wobenya nnansefo bi a wobedi adansekurum ato Yesu so, na wɔagyina so abu no kumfɔ.
60 At yao'y hindi nila nangasumpungan, bagaman maraming nagsiharap na mga saksing bulaan. Nguni't pagkatapos ay nagsidating ang dalawa,
Nnipa bebree bedii adanse, nanso wohuu sɛ wɔredi adansekurumu, efisɛ na wɔn nsɛm a wɔka no nyinaa bɔ abira. Akyiri no, nnipa baanu bi ba bɛkae
61 At nangagsabi, Sinabi ng taong ito, Maigigiba ko ang templo ng Dios, at muling itatayo ko sa tatlong araw.
se, “Saa onipa yi kae se, ‘Metumi abubu Onyankopɔn asɔredan na masi no nnansa!’”
62 At nagtindig ang dakilang saserdote, at sinabi sa kaniya, Wala kang isinasagot na anoman? Ano itong sinasaksihan ng mga ito laban sa iyo?
Ɔsɔfopanyin no sɔre bisaa Yesu se, “Dɛn na wowɔ ka? Wokaa saa anaasɛ woanka saa?”
63 Datapuwa't hindi umimik si Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, Kita'y pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng Dios.
Nanso Yesu ammua no. Ɔsɔfopanyin no ka kyerɛɛ no se, “Meka Onyankopɔn teasefo no sɛ, sɛ wone Agyenkwa no, Onyankopɔn Ba no a, ka kyerɛ yɛn!”
64 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit.
Yesu ka kyerɛɛ no se, “Yiw, woaka. Na mereka kyerɛ mo nyinaa: Efi nnɛ mubehu Onipa Ba no sɛ mete Onyankopɔn nifa na ɔnam omununkum mu resan aba.”
65 Nang magkagayo'y hinapak ng dakilang saserdote ang kaniyang mga damit, na sinasabi, Nagsalita siya ng kapusungan: ano pa ang kailangan natin ng mga saksi? narito, ngayo'y narinig ninyo ang kapusungan:
Ɔsɔfopanyin no sunsuan nʼatade mu teɛɛ mu se, “Abususɛm! Nnansefo bɛn na wɔn ho hia yɛn bio? Mo nyinaa ate abususɛm a ɔkae no!
66 Ano ang akala ninyo? Nagsisagot sila at kanilang sinabi, Karapatdapat siya sa kamatayan.
Asɛm bɛn na mowɔ ka?” Wɔn nyinaa teɛɛ mu se, “Ɔsɛ owu!”
67 Nang magkagayo'y niluraan nila ang kaniyang mukha at siya'y kanilang pinagsusuntok: at tinatampal siya ng mga iba,
Afei wɔtee ntasu guu nʼani so. Ebinom bobɔɔ no akuturuku na ebinom nso bobɔɔ no asotɔre
68 Na nangagsasabi, Hulaan mo sa amin, ikaw Cristo: sino ang sa iyo'y bumubugbog?
kae se, “Wone Agyenkwa no! Kyerɛ yɛn nea ɔbɔɔ wo?”
69 Nakaupo nga si Pedro sa labas ng looban: at lumapit sa kaniya ang isang alilang babae, na nagsasabi, Ikaw man ay kasama ng taga Galileang si Jesus.
Saa bere no na Petro te adiwo. Abaawa bi baa ne nkyɛn bɛka kyerɛɛ no se, “Wo nso, na wo ne Yesu na ɛnam. Mo nyinaa mufi Galilea.”
70 Datapuwa't siya'y kumaila sa harap nilang lahat, na sinasabi, Hindi ko nalalaman ang sinasabi mo.
Nanso Petro san se, “Minnim nea woreka yi ho hwee.”
71 At paglabas niya sa portiko ay nakita siya ng ibang alila, at sinabi sa nangaroon, Ang taong ito ay kasama rin ni Jesus na taga Nazaret.
Akyiri no, abaawa foforo bi hyiaa no wɔ ɔpon bi ano ka kyerɛɛ wɔn a ɔne wɔn gyina hɔ no se, “Na saa ɔbarima yi ne Yesu Nasareni no na ɛnam.”
72 At muling kumailang may sumpa, Hindi ko nakikilala ang tao.
Petro de ntam san bio se, “Minnim saa onipa a moreka ne ho asɛm no.”
73 At pagkaraan ng sandali ay nagsilapit ang nangakatayo roon at kanilang sinabi kay Pedro, Sa katotohanang ikaw man ay isa rin sa kanila; sapagka't ipinakikilala ka ng iyong pananalita.
Ɛkyɛe kakra no, mmarima a wogyina hɔ no bi bɛka kyerɛɛ Petro se, “Yenim sɛ woyɛ nʼasuafo no mu baako, na wo kasa nso da wo adi sɛ woyɛ Galileani.”
74 Nang magkagayo'y nagpasimula siyang manungayaw at manumpa, Hindi ko nakikilala ang tao. At pagdaka'y tumilaok ang manok.
Petro fii ase dii nsew, kekaa ntam se, “Minnim onipa no!” Amono mu hɔ ara na akokɔ bɔnee.
75 At naalaala ni Pedro ang salitang sinabi ni Jesus, Bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo. At siya'y lumabas at nanangis na mainam.
Ɛhɔ na Petro kaee asɛm a Yesu ka kyerɛɛ no se, “Akokɔ remmɔn na woapa me mprɛnsa” no. Na ofii adi kosui.

< Mateo 26 >