< Mateo 22 >
1 At sumagot si Jesus at muling pinagsalitaan sila sa mga talinghaga, na sinasabi,
And Jesus resuming his discourse spake unto them again in parables,
2 Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake,
saying, The kingdom of heaven is like a certain king, who made a wedding-feast for his son;
3 At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan: at sila'y ayaw magsidalo.
and sent his servants to call those that were invited to the wedding: and they would not come.
4 Muling nagsugo siya sa ibang mga alipin, na sinasabi, Sabihin ninyo sa mga inanyayahan, Narito, inihanda ko na ang aking piging; pinatay ko ang aking mga baka at mga hayop na matataba, at ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na: magsiparito kayo sa piging ng kasalan.
Then he sent other servants, saying, Tell them that are invited, I have prepared my dinner, my oxen and my fatlings are killed, and all things are ready; come to the wedding.
5 Datapuwa't hindi nila pinansin, at sila'y nagsiyaon sa kanilang lakad, ang isa'y sa kaniyang sariling bukid, ang isa'y sa kaniyang mga kalakal;
But they slighted him, and went away, one to his field and another to his merchandize:
6 At hinawakan ng mga iba ang kaniyang mga alipin, at sila'y dinuwahagi, at pinagpapatay.
and others seized his servants, and shamefully abused them, and slew them.
7 Datapuwa't ang hari ay nagalit; at sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamataytaong yaon, at sinunog ang kanilang bayan.
And when the king heard of it, he was highly provoked, and sent his troops, and destroyed those murderers, and burnt their city.
8 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alipin, Nahahanda ang kasalan, nguni't hindi karapatdapat ang mga inanyayahan.
Then saith he to his servants, The feast is ready, but they that were invited were not worthy of it:
9 Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan.
go therefore into the public streets, and as many as ye meet with invite to the wedding.
10 At nagsilabas ang mga aliping yaon sa mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat nilang nangasumpungan, masasama at mabubuti: at napuno ng mga panauhin ang kasalan.
And those servants went out into the high-ways, and brought in all they met with, both bad and good: and the wedding was filled with guests.
11 Datapuwa't pagpasok ng hari upang tingnan ang mga panauhin, ay doo'y nakita niya ang isang tao na hindi nararamtan ng damit-kasalan:
But when the king came in to look at the guests, he saw there a man that had not put on a wedding-garment, and saith to him,
12 At sinabi niya sa kaniya, Kaibigan, ano't pumasok ka rito na walang damit-kasalan? At siya'y naumid.
Friend, how camest thou in here without a wedding-garment? and he was struck speechless.
13 Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang mga paa at mga kamay niya, at itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
Then said the king to his attendants, Bind him hand and foot, and take him up, and throw him out into the darkness; there shall be weeping and gnashing of the teeth:
14 Sapagka't marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga nahirang.
for there are many called, but few approved.
15 Nang magkagayo'y nagsialis ang mga Fariseo, at nangagsanggunian sila kung paano kayang mahuhuli nila siya sa kaniyang pananalita.
Then the pharisees went and consulted how they might insnare Him in his discourse.
16 At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad, na kasama ng mga Herodiano, na nagsisipagsabi, Guro, nalalaman naming ikaw ay totoo, at itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios, at hindi ka nangingimi kanino man: sapagka't hindi ka nagtatangi ng tao.
And they send to Him their disciples along with the Herodians, saying, Master, we know that thou art a man of truth, and teachest the way of God in truth, neither carest for any man; for thou regardest not the person of men: Tell us therefore what thou thinkest,
17 Sabihin mo nga sa amin, Ano sa akala mo? Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi?
Is it lawful to give tribute to Cesar, or not?
18 Datapuwa't napagkikilala ni Jesus ang kanilang kasamaan, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso, kayong mga mapagpaimbabaw?
But Jesus knew their malice, and said, Why do ye tempt me, ye hypocrites?
19 Ipakita ninyo sa akin ang salaping pangbuwis. At dinala nila sa kaniya ang isang denario.
Shew me the tribute-money. And they brought Him a Roman Penny.
20 At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat?
And He saith unto them, Whose image and inscription is this?
21 Sinabi nila sa kaniya, Kay Cesar. Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Kaya't ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios.
They answered, Cesar's. Then saith He unto them, Render therefore to Cesar the things that are Cesar's; and to God the things that are God's.
22 At pagkarinig nila nito ay nagsipanggilalas sila, at siya'y iniwan, at nagsiyaon.
And when they heard this, they marvelled, and left Him and went away.
23 Nang araw na yaon ay nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabing walang pagkabuhay na maguli: at siya'y kanilang tinanong,
On the same day came the sadducees to Him, who say there is no resurrection,
24 Na sinasabi, Guro, sinabi ni Moises, Kung mamatay na walang mga anak ang isang lalake, ay magasawa ang kaniyang kapatid na lalake sa asawa niya, at magkakaanak sa kaniyang kapatid na lalake.
and asked Him, saying, Master, Moses said, If any man die, having no children, his brother shall marry his wife and raise up seed unto his brother.
25 Nagkaroon nga sa amin ng pitong magkakapatid na lalake: at nagasawa ang panganay at namatay, at sapagka't hindi siya nagkaanak ay iniwan niya ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid na lalake;
Now there were with us seven brothers, and the first married and died, and having no issue left his wife to his brother;
26 Gayon din naman ang nangyari sa pangalawa, at sa pangatlo, hanggang sa ikapito.
likewise the second also, and the third, even to seven;
27 At sa kahulihulihan nilang lahat, ay namatay ang babae.
and last of all the woman died also;
28 Sa pagkabuhay ngang maguli sino kaya doon sa pito ang magiging asawa? sapagka't siya'y naging asawa nilang lahat.
therefore in the resurrection whose wife shall she be of the seven? for they all had her.
29 Nguni't sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.
But Jesus answered them, Ye are mistaken, not knowing the scriptures nor the power of God:
30 Sapagka't sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit.
for in the resurrection they neither marry nor are given in marriage; but are as the angels of God in heaven.
31 Datapuwa't tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios, na nagsasabi,
But concerning the resurrection of the dead, have ye not read what is spoken to you by God,
32 Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay.
saying, I am the God of Abraham, and the God of Isaac, and the God of Jacob? God is not the God of the dead, but of the living.
33 At nang marinig ito ng karamihan ay nangagtaka sa kaniyang aral.
And when the people heard this, they were astonished at his doctrine.
34 Datapuwa't nang marinig ng mga Fariseo na kaniyang napatahimik ang mga Saduceo, ay nangagkatipon sila.
But when the pharisees heard that He had silenced the sadducees,
35 At isa sa kanila, na tagapagtanggol ng kautusan, ay tinanong siya ng isang tanong, upang siya'y tuksuhin:
they gathered together again, and one of them, an interpreter of the law, propounded a question, to try Him,
36 Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan?
and said, Master, which is the greatest commandment in the law?
37 At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo.
And Jesus said unto him, Thou shalt love the Lord thy God with all thy heart, and with all thy soul, and with all thy mind: this is the first and great command.
38 Ito ang dakila at pangunang utos.
And the second is like it,
39 At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Thou shalt love thy neighbour as thyself.
40 Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.
On these two precepts depend all the law and the prophets.
41 Habang nangagkakatipon nga ang mga Fariseo, ay tinanong sila ni Jesus ng isang tanong.
Now while the pharisees were thus gathered together, Jesus asked them,
42 Na sinasabi, Ano ang akala ninyo tungkol kay Cristo? kanino bagang anak siya? Sinabi nila sa kaniya, kay David.
saying, What think ye of the Messiah? whose son is He? They say unto Him, David's.
43 Sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y bakit tinatawag siya ni David na Panginoon, sa espiritu, na nagsasabi,
He saith unto them, How then does David by inspiration call Him Lord,
44 Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?
saying, The Lord said unto my Lord, "Sit thou on my right hand, till I make thine enemies thy footstool?"
45 Kung tinatawag nga siya ni David na Panginoon, paanong siya'y kaniyang anak?
therefore if David call Him Lord, how is He his son?
46 At wala sinomang nakasagot sa kaniya ng isang salita, ni wala sinomang nangahas buhat sa araw na yaon na tumanong pa sa kaniya ng anomang mga tanong.
And no one was able to answer Him a word, nor did any dare, from that day, to ask Him any more such questions.