< Mateo 19 >
1 At nangyari na nang matapos ni Jesus ang mga salitang ito, ay umalis siya sa Galilea at napasa mga hangganan ng Judea sa dako pa roon ng Jordan;
Lè Jésus te fin pale pawòl sa yo, li te kite Galilée pou ale nan rejyon Judée, lòtbò Jourdain an.
2 At nagsisunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, at sila'y pinagaling niya doon.
Gran foul yo te swiv Li, e Li te geri yo la.
3 At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, na siya'y tinutukso nila, at kanilang sinasabi, Naaayon baga sa kautusan na ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa't kadahilanan?
Kèk Farizyen te vin kote Li pou fè pase L eprèv. Yo mande L: “Èske li pèmèt pou yon nonm divòse ak madanm li pou okenn rezon?”
4 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae,
Li te reponn yo: “Èske nou pa konn li ke Sila ki te kreye yo depi nan kòmansman an, te fè yo mal ak femèl,
5 At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman?
ke: ‘pou koz sa a, yon nonm ap kite papa li ak manman li pou vin atache a madanm li, epi yo de a ap vini yon sèl chè?
6 Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.
Konsa, se pa de yo ye ankò, men yon sèl chè. Sa ke Bondye mete ansanm, pa kite okenn moun separe l.’”
7 Sinabi nila sa kaniya, Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay ang babae?
Yo te mande L: “Ebyen, poukisa Moïse te kòmande yo pou ‘Bay li yon sètifika divòs e voye li ale?’”
8 Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon.
Li te reponn yo: “Akoz kè di nou, Moïse te pèmèt nou divòse ak madanm nou yo, men depi nan kòmansman an, se pa konsa li te ye.
9 At sinasabi ko sa inyo, Sinomang ihiwalay ang kaniyang asawang babae, liban na kung sa pakikiapid, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing yaon na hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.
Mwen di nou: Nenpòt moun ki divòse ak madanm li, sof ke pou imoralite, epi marye avèk yon lòt fanm, li fè adiltè.”
10 Ang mga alagad ay nangagsasabi sa kaniya, Kung ganyan ang kalagayan ng lalake sa kaniyang asawa, ay hindi nararapat magasawa.
Disip Li yo te di L: “Si se konsa relasyon a yon mesye ye avèk madanm li, li pi bon pou pa marye.”
11 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi matatanggap ng lahat ng mga tao ang pananalitang ito, kundi niyaong mga pinagkalooban.
Men Li te di yo: “Se pa tout moun ki kapab aksepte sa nou di a, men sèl sa yo ke li te bay.
12 Sapagka't may mga bating, na ipinanganak na gayon mula sa tiyan ng kanilang mga ina: at may mga bating, na ginagawang bating ng mga tao: at may mga bating, na nangagpapakabating sa kanilang sarili dahil sa kaharian ng langit. Ang makakatanggap nito, ay pabayaang tumanggap.
Paske gen enik ki te fèt konsa depi nan vant manman yo, e gen enik ki te fèt konsa pa lòm; e gen enik ki te fèt konsa pou tèt yo, pou koz a wayòm syèl la. Sila ki kapab aksepte sa, kite l aksepte li.”
13 Nang magkagayon ay dinala sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad.
Apre sa, yo te mennen kèk timoun kote L pou Li ta kapab mete men Li sou yo e priye pou yo; men disip yo te reprimande yo.
14 Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit.
Konsa, Jésus te di: “Bay timoun yo pèmi, e pa anpeche yo vin kote Mwen, paske wayòm syèl la se pou sila ki tankou yo”.
15 At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at umalis doon.
Apre Li mete men Li sou yo, Li kite la.
16 At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? (aiōnios )
Konsa, youn moun te vini la, e te di: “Mèt, ki bon bagay Mwen kapab fè pou m jwenn lavi etènèl?” (aiōnios )
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos.
Li te di l: “Poukisa ou ap kesyone M sou sa ki bon? Gen yon sèl ki bon, Bondye. Men si ou vle antre nan lavi, kenbe kòmandman yo.”
18 Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan,
Li te mande Li: “Kilès nan yo?” Jésus te reponn li: “Ou pa pou touye moun, ou pa pou fè adiltè, ou pa pou vòlè, ou pa pou pote fo temwayaj.
19 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Onore papa ou avèk manman ou, epi renmen pwochen ou tankou tèt ou.”
20 Sinabi sa kaniya ng binata, Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko: ano pa ang kulang sa akin?
Jennonm nan te di L: “Tout bagay sa yo, mwen fè yo. Kisa mwen manke?”
21 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.
Jésus te di l: “Si ou vle pafè, ale vann tout sa ou posede, bay malere yo, e w ap gen richès nan syèl la; epi vin swiv Mwen.”
22 Datapuwa't nang marinig ng binata ang ganitong pananalita, ay yumaon siyang namamanglaw; sapagka't siya'y isang may maraming pag-aari.
Men lè jennonm nan te tande pawòl sa a, li te sòti dezole, paske li te gen anpil byen.
23 At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Mahirap na makapasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng langit.
Jésus te di a disip Li yo: “Anverite Mwen di nou: Li difisil pou yon nonm rich antre nan wayòm syèl la.
24 At muling sinasabi ko sa inyo, Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios.
Ankò, Mwen di nou: Li pi fasil pou yon chamo pase nan zye a yon zegwi, pase pou yon nonm rich antre nan wayòm Bondye a.”
25 At nang marinig ito ng mga alagad, ay lubhang nangagtaka, na nagsisipagsabi, Sino nga kaya ang makaliligtas?
Lè disip Li yo te tande sa, yo te etone e te di: “Kilès konsa ki kab sove?”
26 At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari.
Jésus te byen gade yo, e te di: “Avèk moun, li pa posib, men avèk Bondye, tout bagay posib.”
27 Nang magkagayo'y sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, Narito, iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo: ano nga baga ang kakamtin namin?
Konsa Pierre te reponn Li. Li te di: “Gade, nou fin kite tout bagay pou te swiv Ou. Kisa k ap gen pou nou?”
28 At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel.
Jésus te di yo: “Anverite, Mwen di nou ke nou ki te swiv Mwen yo, nan tan renouvèlman tout bagay la, lè Fis a Lòm nan vin chita sou twòn Li nan tout glwa Li, nou menm tou, n ap chita sou douz twòn pou jije douz tribi Israël yo.
29 At ang bawa't magiwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng tigisang daan, at magsisipagmana ng walang hanggang buhay. (aiōnios )
“Tout moun ki kite kay yo oubyen frè yo oubyen sè yo, papa, Manman, zanfan, oubyen tè pou koz a Non Mwen, ap resevwa anpil fwa sa a, e va eritye lavi etènèl. (aiōnios )
30 Datapuwa't maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna.
Men anpil moun ki premye ap dènye, e dènye yo, ap vin premye.”