< Marcos 7 >

1 At nakisama sa kanila ang mga Fariseo, at ilan sa mga eskriba, na nagsipanggaling sa Jerusalem,
One day the Pharisees and some of the teachers of the Law who had come from Jerusalem gathered round Jesus.
2 At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay ng mga kamay na marurumi, sa makatuwid baga'y mga kamay na hindi hinugasan.
They had noticed that some of his disciples ate their food with their hands “defiled,” by which they meant unwashed.
3 (Sapagka't ang mga Fariseo, at ang lahat ng mga Judio, ay hindi nagsisikain, kundi muna mangaghugas na maingat ng mga kamay, na pinanghahawakan ang mga sali't-saling sabi ng matatanda;
(For the Pharisees, and indeed all strict Jews, will not eat without first scrupulously washing their hands, holding in this to the traditions of their ancestors.
4 At kung nagsisipanggaling sila sa pamilihan, kung hindi muna mangaghugas, ay hindi sila nagsisikain; at may iba pang maraming bagay na kanilang minana, upang ganapin; gaya ng mga paghuhugas ng mga inuman, at ng mga saro, at ng mga inumang tanso.)
When they come from market, they will not eat without first sprinkling themselves; and there are many other customs which they have inherited and hold to, such as the ceremonial washing of cups, and jugs, and copper pans).
5 At siya'y tinanong ng mga Fariseo at ng mga eskriba, Bakit ang iyong mga alagad ay hindi nagsisilakad ng ayon sa sali't-saling sabi ng matatanda, kundi nagsisikain sila ng kanilang tinapay ng mga kamay na karumaldumal?
So the Pharisees and the teachers of the Law asked Jesus this question – ‘How is it that your disciples do not follow the traditions of our ancestors, but eat their food with defiled hands?’
6 At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
His answer was, ‘It was well said by Isaiah when he prophesied about you hypocrites in the words – “This is a people who honour me with their lips, while their hearts are far removed from me;
7 Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.
but vainly do they worship me, For they teach but human precepts.”
8 Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga tao.
You neglect God’s commandments and hold to human traditions.
9 At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali't-saling sabi.
Wisely do you set aside God’s commandments,’ he exclaimed, ‘to keep your own traditions!
10 Sapagka't sinabi ni Moises, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala:
For while Moses said “Honour your father and your mother,” and “Let anyone who abuses their father or mother suffer death,”
11 Datapuwa't sinasabi ninyo, Kung sabihin ng isang tao sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay Corban, sa makatuwid baga'y, hain sa Dios;
you say “If a person says to their father or mother ‘Whatever of mine might have been of service to you is Corban’” (which means “Set apart for God”) –
12 Hindi na ninyo siya pinabayaang gumawa ng anoman na ukol sa kaniyang ama o sa kaniyang ina;
why, then you do not allow them to do anything further for their father or mother!
13 Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali't-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito.
In this way you nullify the words of God by your traditions, which you hand down; and you do many similar things.’
14 At muling pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sinabi sa kanila, Pakinggan ninyong lahat ako, at inyong unawain:
Then Jesus called the people to him again, and said, ‘Listen to me, all of you, and mark my words.
15 Walang anomang nasa labas ng katawan ng tao, na pagpasok sa kaniya ay makakahawa sa kaniya; datapuwa't ang mga bagay na nagsisilabas sa tao yaon ang nangakakahawa sa tao.
There is nothing external to a person, which by going into them can defile them; but the things that come out of a person are the things that defile them.’
16 Kung ang sinoman ay may pakinig na ipakikinig ay makinig.
17 At nang pumasok siya sa bahay na mula sa karamihan, ay itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad ang talinghaga.
When Jesus went indoors, away from the crowd, his disciples began questioning him about this saying.
18 At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya;
‘What, do even you understand so little?’ exclaimed Jesus. ‘Don’t you see that there is nothing external to a person, which by going into a person, can defile them,
19 Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nililinis niya ang lahat ng pagkain.
because it does not pass into his heart, but into his stomach, and is afterwards got rid of?’ – in saying this Jesus pronounced all food clean.
20 At sinabi niya, Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakakahawa sa tao.
‘It is what comes out from a person,’ he added, ‘that defiles them,
21 Sapagka't mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya,
for it is from within, out of the hearts of people, that there come evil thoughts – sexual immorality, theft, murder, adultery,
22 Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan:
greed, wickedness, deceit, indecency, envy, slander, haughtiness, folly;
23 Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao.
all these wicked things come from within, and do defile a person.’
24 At nagtindig siya doon, at napasa mga hangganan ng Tiro at ng Sidon. At pumasok siya sa isang bahay, at ibig niya na sinomang tao'y huwag sanang makaalam; at hindi siya nakapagtago.
On leaving that place, Jesus went to the district of Tyre and Sidon. He went into a house, and did not wish anyone to know it, but could not escape notice.
25 Nguni't ang isang babae na ang kaniyang munting anak na babae ay may isang karumaldumal na espiritu, pagdaka'y nang mabalitaan siya, ay lumapit at nagpatirapa sa kaniyang paanan.
For a woman, whose little daughter had a foul spirit in her, heard of him immediately, and came and threw herself at his feet –
26 Ang babae nga ay isang Griega, isang Sirofenisa, ayon sa lahi. At ipinamamanhik niya sa kaniya na palabasin sa kaniyang anak ang demonio.
the woman was a foreigner, from Syrian Phoenicia – and she begged him to drive the demon out of her daughter.
27 At sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mo munang mangabusog ang mga anak: sapagka't hindi marapat na kunin ang tinapay ng mga anak at itapon sa mga aso.
‘Let the children be satisfied first,’ answered Jesus. ‘For it is not fair to take the children’s food, and throw it to dogs.’
28 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kaniya, Oo, Panginoon; kahit ang mga aso sa ilalim ng dulang ay nagsisikain ng mga mumo ng mga anak.
‘Yes, Master,’ she replied. ‘Even the dogs under the table do feed on the children’s crumbs.’
29 At sinabi niya sa kaniya, Dahil sa sabing ito humayo ka; nakaalis na ang demonio sa iyong anak.
‘For saying that,’ he answered, ‘you may go. The demon has gone out of your daughter.’
30 At umuwi siya sa kaniyang bahay, at naratnan ang anak na nakahiga sa higaan, at nakaalis na ang demonio.
The woman went home, and found the child lying on her bed, and the demon gone.
31 At siya'y muling umalis sa mga hangganan ng Tiro, at napasa Sidon hanggang sa dagat ng Galilea, na kaniyang tinahak ang mga hangganan ng Decapolis.
On returning from the district of Tyre, Jesus went, by way of Sidon, to the Sea of Galilee, across the district of the Ten Towns.
32 At dinala nila sa kaniya ang isang bingi at utal; at ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya.
Some people brought to him a man who was deaf and almost dumb, and they begged Jesus to place his hand on him.
33 At siya'y inihiwalay niya ng bukod sa karamihan, at isinuot ang kaniyang mga daliri sa mga tainga niya, at siya'y lumura, at hinipo ang kaniyang dila;
Jesus took him aside from the crowd quietly, put his fingers into the man’s ears, and touched his tongue with saliva.
34 At pagkatingala sa langit, ay siya'y nagbuntong-hininga, at sinabi sa kaniya, Ephatha, sa makatuwid baga'y, Mabuksan.
Then, looking up to heaven, he sighed, and said to the man, ‘Ephphatha!’ which means “Be opened.”
35 At nangabuksan ang kaniyang mga pakinig, at nakalag ang tali ng kaniyang dila, at siya'y nakapagsalitang malinaw.
The man’s ears were opened, the string of his tongue was freed, and he began to talk plainly.
36 At ipinagbilin niya sa kanila na kanino mang tao ay huwag nilang sabihin: nguni't kung kailan lalong ipinagbabawal niya sa kanila, ay lalo namang kanilang ibinabantog.
Jesus insisted on their not telling anyone; but the more he insisted, the more perseveringly they made it known,
37 At sila'y nangagtataka ng di kawasa, na nangagsasabi, Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay; kaniyang binibigyang pakinig pati ng mga bingi, at pinapagsasalita ang mga pipi.
and a profound impression was made on the people. ‘He has done everything well!’ they exclaimed. ‘He makes even the deaf hear and the dumb speak!’

< Marcos 7 >