< Marcos 12 >
1 At nagpasimulang pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga. Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at binakuran ng mga buhay na punong kahoy, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.
І почав Він у при́тчах до них промовляти: „Насадив був один чоловік виноградника, муром обгородив, ви́довбав у ньому чави́ло, башту поставив, — і віддав його винаря́м, та й пішов.
2 At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin niya sa mga magsasaka ang mga bunga ng ubasan.
А певного ча́су послав він раба до своїх винарі́в, щоб прийняти частину плоду з виноградинка в тих винарі́в.
3 At hinawakan nila siya, at hinampas siya, at siya'y pinauwing walang dala.
Та вони схопи́ли його та й побили, і відіслали ні з чим.
4 At siya'y muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin; at ito'y kanilang sinugatan sa ulo, at dinuwahagi.
І зно́ву послав він до них раба іншого, — та й того вони зранили в голову та знева́жили.
5 At nagsugo siya ng iba; at ito'y kanilang pinatay: at ang iba pang marami; na hinampas ang iba, at ang iba'y pinatay.
Тоді вислав він іншого, — і того вони вбили. І багатьо́х іще інших, — набили одни́х, а одни́х повбивали.
6 Mayroon pa siyang isa, isang sinisintang anak na lalake: ito'y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila, na sinasabi, Igagalang nila ang aking anak.
І він мав ще одно́го, — сина улю́бленого. Наоста́нок послав і того́ він до них і сказав: „Посоромляться сина мого́!“
7 Datapuwa't ang mga magsasakang yaon ay nangagsangusapan, Ito ang tagapagmana; halikayo, atin siyang patayin, at magiging atin ang mana.
А ті винарі міркували собі: „Це спадкоємець; ходім, заморду́ймо його, — і нашою спа́дщина бу́де!“
8 At siya'y kanilang hinawakan, at siya'y pinatay, at itinaboy sa labas ng ubasan.
І вони схопи́ли його та й убили, і викинули його за виноградник.
9 Ano nga kaya ang gagawin ng panginoon ng ubasan? siya'y paroroon at pupuksain ang mga magsasaka, at ibibigay ang ubasan sa mga iba.
Отож, що́ пан виноградинка зробить? — Він прибуде та й вигубить тих винарів, і віддасть виноградинка іншим.
10 Hindi man lamang baga nabasa ninyo ang kasulatang ito: Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
Чи ви не читали в Писа́нні: „Камінь, що його будівни́чі відкинули, — той нарі́жним став ка́менем!
11 Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
Від Господа сталося це, — і дивне воно в оча́х наших“.
12 At pinagsikapan nilang hulihin siya; at sila'y natakot sa karamihan; sapagka't kanilang napaghalata na kaniyang sinalita ang talinghaga laban sa kanila: at siya'y iniwan nila, at nagsialis.
І шукали Його, щоб схопи́ти, але побоялись наро́ду. Бо вони зрозуміли, що про них Він цю при́тчу сказав. І, лишивши Його, відійшли.
13 At kanilang sinugo sa kaniya ang ilan sa mga Fariseo at sa mga Herodiano, upang siya'y mahuli nila sa pananalita.
I вони вислали деяких із фарисеїв та іродія́нів до Нього, щоб зловити на слові Його.
14 At nang sila'y magsilapit, ay kanilang sinabi sa kaniya, Guro, nalalaman namin na ikaw ay totoo, at hindi ka nangingimi kanino man; sapagka't hindi ka nagtatangi ng mga tao, kundi itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios: Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi?
Ті ж прийшли та й говорять Йому: „Учителю, знаємо ми, що Ти справедливий, і не зважаєш зовсі́м ні на ко́го, бо на лю́дське обличчя не дивишся, а наставляєш на Божу дорогу правдиво. Чи годи́ться давати податок для кесаря, чи ні? Давати нам, чи не давати?“
15 Bubuwis baga kami, o hindi kami bubuwis? Datapuwa't siya, na nakatataho ng kanilang pagpapaimbabaw, ay nagsabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso? magdala kayo rito sa akin ng isang denario, upang aking makita.
А Ісус, знавши їх лицемірство, сказав їм: „Чого ви Мене випробо́вуєте? Принесіть Мені гріш податковий, щоб бачити“.
16 At dinalhan nila. At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat? At sinabi nila sa kaniya, kay Cesar.
І прине́сли вони. А Він каже до них: „Чий це образ і напис?“Ті ж Йому відказали: „Кесарів“.
17 At sinabi sa kanila ni Jesus, ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar, at sa Dios ang sa Dios. At sila'y nanggilalas na mainam sa kaniya.
Ісус тоді каже в відповідь їм: „Віддайте кесареве — кесареві, а Богові — Боже!“І дивувалися з Нього вони.
18 At nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabi na walang pagkabuhay na maguli; at siya'y kanilang tinanong, na sinasabi,
І прийшли до Нього ті саддукеї, що твердять, ніби нема воскресіння, і запитали Його та сказали:
19 Guro, isinulat sa amin ni Moises, Kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, at may maiwang asawa, at walang maiwang anak, ay kukunin ng kaniyang kapatid ang kaniyang asawa, at bigyan ng anak ang kaniyang kapatid.
„Учителю, Мойсей написав нам: „Як помре кому брат, і полишить дружи́ну, а дитини не лишить, то нехай його брат візьме дружи́ну його́, та й відновить насіння для брата свого́“.
20 May pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at nang mamatay ay walang naiwang anak;
Було сім братів. І перший взяв дружи́ну й умер, не лишивши дітей.
21 At nagasawa sa bao ang pangalawa, at namatay na walang naiwang anak; at gayon din naman ang pangatlo:
Другий теж її взяв та й помер, — і він не лиши́в дітей. Так само і третій.
22 At ang ikapito'y walang naiwang anak. Sa kahulihulihan ng lahat ay namatay naman ang babae.
І всі семеро не полишили дітей. А по всіх вмерла й жінка.
23 Sa pagkabuhay na maguli, sino sa kanila ang magiging asawa ng babae? sapagka't siya'y naging asawa ng pito.
А в воскресінні, як воскреснуть вони, то котро́му із них вона дружи́ною буде? Бо семеро мали за дружи́ну її“.
24 Sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kaya nangagkakamali kayo dahil diyan, na hindi ninyo nalalaman ang mga kasulatan, ni ang kapangyarihan ng Dios?
Ісус їм відказав: „Чи ви не тому помиляєтесь, що не знаєте ані Писа́ння, ані Божої сили?
25 Sapagka't sa pagbabangon nilang muli sa mga patay, ay hindi na mangagaasawa, ni papagaasawahin pa; kundi gaya ng mga anghel sa langit.
Бо як із мертвих воскреснуть, то не бу́дуть женитись, ані заміж вихо́дити, але будуть, немов анголи́ ті на небі.
26 Nguni't tungkol sa mga patay, na sila'y mga ibabangon; hindi baga ninyo nabasa sa aklat ni Moises, tungkol sa Mababang punong kahoy, kung paanong siya'y kinausap ng Dios na sinasabi, Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob?
Що ж до мертвих, що воскреснуть, чи ж ви не читали в Мойсеєвій книзі, як — при кущі́ — сказав йому Бог, промовляючи: „Я Бог Авраамів, і Бог Ісаків, і Бог Яковів“,
27 Hindi siya ang Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: kayo'y nangagkakamaling lubha.
Бо Він є Бог не мертвих, а живих! Тим то ви помиляєтесь ду́же“.
28 At lumapit ang isa sa mga eskriba, at nakarinig ng kanilang pagtatalo, at palibhasa'y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila, ay tinanong siya, Ano baga ang pangulong utos sa lahat?
А один із тих книжників, що чув, як вони сперечались, та бачив, як добре Він відповідав їм, приступив та й спитався Його: „Котра́ заповідь перша з усіх?“
29 Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:
Ісус відповів: Перша: „Слухай, Ізраїлю: наш Господь Бог — Бог єдиний“.
30 At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo.
І: „Люби Господа, Бога свого, усім серцем своїм, і всією душею своєю, і всім своїм розумом, і з ці́лої сили своєї!“(Це за́повідь перша!)
31 Ang pangalawa ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Walang ibang utos na hihigit sa mga ito.
А друга (одна́кова з нею): „Люби свого ближнього, як само́го себе!“Нема іншої більшої заповіді над оці!“
32 At sinabi sa kaniya ng eskriba, Sa katotohanan, Guro, ay mabuti ang pagkasabi mo na siya'y iisa; at wala nang iba liban sa kaniya:
І сказав Йому книжник: „Добре, Учителю! Ти поправді сказав, що „Один Він, і нема іншого, окрім Нього“,
33 At ang siya'y ibigin ng buong puso, at ng buong pagkaunawa, at ng buong lakas, at ibigin ang kapuwa niya na gaya ng sa kaniyang sarili, ay higit pa kay sa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain.
і що „Любити Його всім серцем, і всім розумом, (і всією душе́ю), і з ці́лої сили“, і що „Любити свого ближнього, як само́го себе“, — це важливіше за всі цілопа́лення й жертви!“
34 At nang makita ni Jesus na siya'y sumagot na may katalinuhan, ay sinabi niya sa kaniya, Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios. At walang tao, pagkatapos noon na nangahas na tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.
Ісус же, побачивши, що розумно той відповідь дав, промовив до нього: „Ти недалеко від Божого Царства!“І ніхто не насмілювався вже питати Його.
35 At sumagot si Jesus at nagsabi nang siya'y nagtuturo sa templo, Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David?
Пото́му Ісус відповів і промовив, у храмі навчаючи: „Як то книжники кажуть, що ніби Христос — син Давидів?
36 Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa.
Адже той Давид Святим Духом сказав: „Промовив Господь Господе́ві моєму: сядь право́руч Мене, доки не покладу́ Я Твоїх ворогів підніжком ногам Твоїм!“
37 Si David din ang tumatawag na Panginoon sa kaniya; at paano ngang siya'y kaniyang anak? At ang mga karaniwang tao ay nangakikinig sa kaniyang may galak.
Сам Давид Його Господом зве, — як же Він йому син?“
38 At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at pagpugayan sa mga pamilihan.
Він же казав у науці Своїй: „Стережіться тих книжників, що люблять у довгих одежах прохо́джуватись, і привіти на ринках,
39 At ibig nila ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan:
і перші лавки́ в синагогах, і перші місця на прийняття́х,
40 Silang nangananakmal ng mga bahay ng mga babaing bao, at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin; ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.
що вдови́ні хати поїдають, і моляться довго напо́каз, — вони тяжче осу́дження при́ймуть!“
41 At umupo siya sa tapat ng kabang-yaman, at minasdan kung paanong inihuhulog ng karamihan ang salapi sa kabang-yaman: at maraming mayayaman ang nangaghuhulog ng marami.
І сів Він навпроти скарбни́ці, і дививсь, як наро́д мідяки́ до скарбниці вкидає. І багато заможних укида́ли багато.
42 At lumapit ang isang babaing bao, at siya'y naghulog ng dalawang lepta, na ang halaga'y halos isang beles.
І підійшла одна вбога вдови́ця, і поклала дві ле́пти, цебто гріш.
43 At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang baong babaing ito, ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman:
І покликав Він учнів Своїх та й промовив до них: „Поправді кажу вам, що ця вбога вдовиця поклала найбільше за всіх, хто клав у скарбницю.
44 Sapagka't silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong nasa kaniya, sa makatuwid baga'y ang buong kaniyang ikabubuhay.
Бо всі клали від ли́шка свого, а вона покла́ла з убо́зтва свого все, що мала, — свій прожиток увесь“.