< Marcos 10 >
1 At siya'y umalis doon, at pumasok sa mga hangganan ng Judea at sa dako pa roon ng Jordan: at ang mga karamihan ay muling nakipisan sa kaniya; at, ayon sa kaniyang kinaugalian, ay muling tinuruan niya sila.
On leaving that place, Jesus went into the district of Judea on the other side of the Jordan. Crowds gathered about him again; and again, as usual, he began teaching them.
2 At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, at siya'y tinanong, Matuwid baga sa lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa? na siya'y tinutukso.
Presently some Pharisees came up and, to test him, asked, ‘Has a husband the right to divorce his wife?’
3 At sumagot siya at sa kanila'y sinabi, Ano ang iniutos sa inyo ni Moises?
‘What direction did Moses give you?’ replied Jesus.
4 At sinabi nila, Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay siya.
‘Moses,’ they said, ‘permitted a man to draw up in writing a notice of separation and divorce his wife.’
5 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito.
‘It was owing to the hardness of your hearts,’ said Jesus, ‘that Moses gave you this direction;
6 Nguni't buhat nang pasimula ng paglalang, Lalake at babaing ginawa niya sila.
but, at the beginning of the Creation, “God made them male and female.”
7 Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa;
“For this reason a man will leave his father and mother,
8 At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman.
and the man and his wife will become one;” so that they are no longer two, but one.
9 Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.
What God himself, then, has yoked together no one must separate.’
10 At sa bahay ay muling tinanong siya ng mga alagad tungkol sa bagay na ito.
When they were indoors, the disciples asked him again about this,
11 At sinabi niya sa kanila, Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa:
and he said, ‘Anyone who divorces his wife and marries another woman is guilty of adultery against his wife;
12 At kung ihiwalay ng babae ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.
and, if the woman divorces her husband and marries another man, she is guilty of adultery.’
13 At dinadala nila sa kaniya ang maliliit na bata, upang sila'y kaniyang hipuin: at sinaway sila ng mga alagad.
Some of the people were bringing little children to Jesus, for him to touch them; but the disciples rebuked those who had brought them.
14 Datapuwa't nang ito'y makita ni Jesus, ay nagdalang galit siya, at sinabi sa kanila, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata; huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.
When, however, Jesus saw this, he was indignant. ‘Let the little children come to me,’ he said, ‘do not hinder them; for it is to the childlike that the kingdom of God belongs.
15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan.
I tell you, unless a person receives the kingdom of God like a child, they will not enter it at all.’
16 At kinalong niya sila, at sila'y pinagpala, na ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kanila.
Then he embraced the children, and, placing his hands on them, gave them his blessing.
17 At nang siya'y umalis na lumalakad sa daan, ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya, at lumuhod sa harap niya, at siya'y tinanong, Mabuting Guro, ano ang gagawin ko upang ako'y magmana ng buhay na walang hanggan? (aiōnios )
As Jesus was resuming his journey, a man came running up to him, and threw himself on his knees before him. ‘Good teacher,’ he asked, ‘what must I do to gain eternal life?’ (aiōnios )
18 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit tinatawag mo akong mabuti? walang mabuti kundi isa lamang, ang Dios.
‘Why do you call me good?’ answered Jesus. ‘No one is good but God.
19 Nalalaman mo ang mga utos, Huwag kang pumatay, Huwag kang mangalunya, Huwag kang magnakaw, Huwag kang sumaksi sa di katotohanan, Huwag kang magdaya, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina.
You know the commandments – “Do not kill. Do not commit adultery. Do not steal. Do not say what is false about others. Do not cheat. Honour your father and your mother.”’
20 At sinabi niya sa kaniya, Guro, ang lahat ng mga bagay na ito'y aking ginanap mula sa aking kabataan.
‘Teacher,’ he replied, ‘I have observed all these from my childhood.’
21 At pagtitig sa kaniya ni Jesus, ay giniliw siya, at sinabi sa kaniya, Isang bagay ang kulang sa iyo: yumaon ka, ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ibigay mo sa dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.
Jesus looked at the man, and his heart went out to him, and he said, ‘There is still one thing wanting in you; go and sell all that you have, and give to the poor, and you will have wealth in heaven; then come and follow me.’
22 Datapuwa't siya'y nahapis sa sabing ito, at siya'y yumaong namamanglaw: sapagka't siya'y isang may maraming mga pag-aari.
But the man’s face clouded at these words, and he went away distressed, for he had great possessions.
23 At lumingap si Jesus sa palibotlibot, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan!
Then Jesus looked round, and said to his disciples, ‘How hard it will be for people of wealth to enter the kingdom of God!’
24 At nangagtaka ang mga alagad sa kaniyang mga salita. Datapuwa't si Jesus ay muling sumagot at nagsabi sa kanila, Mga anak, kay hirap na magsipasok sa kaharian ng Dios ang mga magsisiasa sa mga kayamanan!
The disciples were amazed at his words. But Jesus said again, ‘My children, how hard a thing it is to enter the kingdom of God!
25 Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios.
It is easier for a camel to get through a needle’s eye, than for a rich person to enter the kingdom of God.’
26 At sila'y nangagtatakang lubha, na sinasabi sa kaniya, Sino nga kaya ang makaliligtas?
‘Then who can be saved?’ they exclaimed in the greatest astonishment.
27 Pagtingin ni Jesus sa kanila'y nagsabi, Hindi maaari ito sa mga tao, datapuwa't hindi gayon sa Dios: sapagka't ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa Dios.
Jesus looked at them, and answered, ‘With people it is impossible, but not with God; for everything is possible with God.’
28 Si Pedro ay nagpasimulang magsabi sa kaniya, Narito, iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo.
‘But we,’ began Peter, ‘we left everything and have followed you.’
29 Sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga lupa, dahil sa akin, at dahil sa evangelio,
‘I tell you,’ said Jesus, ‘there is no one who has left house, or brothers, or sisters, or mother, or father, or children, or land, for my sake and for the good news,
30 Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga paguusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay. (aiōn , aiōnios )
who will not receive a hundred times as much, even now in the present – houses, and brothers, and sisters, and mothers, and children, and land, though not without persecutions – and in the age that is coming, eternal life. (aiōn , aiōnios )
31 Datapuwa't maraming nangauuna ay mangahuhuli; at nangahuhuli na mangauuna.
But many who are first now will then be last, and the last will be first.’
32 At sila'y nangasa daan, na nagsisiahon sa Jerusalem; at nangunguna sa kanila si Jesus: at sila'y nangagtaka; at ang nangagsisisunod ay nangatakot. At muling kinuha niya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinabi sa kanila ang mga bagay na sa kaniya'y mangyayari,
They were on the road going up to Jerusalem, with Jesus walking in front of them. The disciples were filled with awe, while those who were following behind were overwhelmed with fear. Gathering the Twelve round him once more, Jesus began to tell them what was about to happen to him.
33 Na sinasabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at siya'y kanilang hahatulang patayin, at ibibigay siya sa mga Gentil:
‘Listen!’ he said. ‘We are going up to Jerusalem; and there the Son of Man will be betrayed to the chief priests and the teachers of the Law, and they will condemn him to death, and they will give him up to the Gentiles,
34 At siya'y kanilang aalimurahin, at siya'y luluraan, at siya'y hahampasin, at siya'y papatayin; at pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon siyang muli.
who will mock him, spit on him, and scourge him, and put him to death; and after three days he will rise again.’
35 At nagsilapit sa kaniya si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, na sa kaniya'y nagsisipagsabi, Guro, ibig naming iyong gawin sa amin ang anomang aming hingin sa iyo.
James and John, the two sons of Zebedee, went to Jesus, and said, ‘Teacher, we want you to do for us whatever we ask.’
36 At sinabi niya sa kanila, Ano ang ibig ninyong sa inyo'y aking gawin?
‘What do you want me to do for you?’ he asked.
37 At sinabi nila sa kaniya, Ipagkaloob mo sa amin na mangakaupo kami, ang isa'y sa iyong kanan, at ang isa'y sa iyong kaliwa, sa iyong kaluwalhatian.
‘Grant us this,’ they answered, ‘to sit, one on your right, and the other on your left, when you come in glory.’
38 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin?
‘You do not know what you are asking,’ Jesus said to them. ‘Can you drink the cup that I am to drink? Or receive the baptism that I am to receive?’
39 At sinabi nila sa kaniya, Kaya namin. At sinabi sa kanila ni Jesus, Ang sarong aking iinuman ay iinuman ninyo; at sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo;
‘Yes,’ they answered, ‘we can.’ ‘You will indeed drink the cup that I am to drink,’ Jesus said, ‘and receive the baptism that I am to receive,
40 Datapuwa't ang maupo sa aking kanan o sa aking kaliwa ay hindi ako ang magbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghahandaan.
but as to a seat at my right or at my left – that is not mine to give, but it is for those for whom it has been prepared.’
41 At nang marinig ito ng sangpu, ay nangagpasimula silang mangagalit kay Santiago at kay Juan.
On hearing of this, the ten others were at first very indignant about James and John.
42 At sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sa kanila'y sinabi, Nalalaman ninyo na yaong mga inaaring mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila; at ang sa kanila'y mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.
But Jesus called the ten to him, and said, ‘Those who are regarded as ruling among the Gentiles lord it over them, as you know, and their great men oppress them.
43 Datapuwa't sa inyo ay hindi gayon: kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo, ay magiging lingkod ninyo;
But among you it is not so. No, whoever wants to become great among you must be your servant,
44 At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat.
and whoever wants to take the first place among you must be the servant of all;
45 Sapagka't ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.
for even the Son of Man came, not be served, but to serve, and to give his life as a ransom for many.’
46 At nagsidating sila sa Jerico: at habang nililisan niya ang Jerico, na kasama ng kaniyang mga alagad at ng lubhang maraming mga tao, ang anak ni Timeo, si Bartimeo, na isang pulubing bulag, ay nakaupo sa tabi ng daan.
They came to Jericho. When Jesus was going out of the town with his disciples and a large crowd, Bartimaeus, the son of Timaeus, a blind beggar, was sitting by the roadside.
47 At nang marinig niya na yao'y si Jesus na Nazareno, siya'y nagpasimulang magsisigaw, at nagsabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.
Hearing that it was Jesus the Nazarene, he began to call out, ‘Jesus, Son of David, take pity on me.’
48 At siya'y pinagwikaan ng marami upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong sumisigaw, Ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa akin.
Many of the people kept telling him to be quiet; but the man continued to call out all the louder, ‘Son of David, take pity on me.’
49 At tumigil si Jesus, at sinabi, Tawagin ninyo siya. At tinawag nila ang lalaking bulag, na sinasabi sa kaniya, Laksan mo ang iyong loob; ikaw ay magtindig, tinatawag ka niya.
Then Jesus stopped. ‘Call him,’ he said. So they called the blind man. ‘Have courage!’ they exclaimed. ‘Get up; he is calling you.’
50 At siya, pagkatapon ng kaniyang balabal, ay nagmadaling tumindig, at lumapit kay Jesus.
The man threw off his cloak, sprang up, and came to Jesus.
51 At sumagot sa kaniya si Jesus, at sinabi, Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo? At sinabi ng lalaking bulag, Raboni, na tanggapin ang aking paningin.
‘What do you want me to do for you?’ said Jesus, addressing him. ‘Rabboni,’ the blind man answered, ‘I want to recover my sight.’
52 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka ng iyong lakad; pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin, at siya'y sumunod sa kaniya sa daan.
‘You may go,’ Jesus said, ‘Your faith has delivered you.’ Immediately he recovered his sight, and began to follow Jesus along the road.