< Lucas 6 >

1 Nangyari nga nang dumaraan siya sa mga trigohan nang isang sabbath, ay kumitil ng mga uhay ang mga alagad niya, at kinakain pagkaligis sa kanilang mga kamay.
Догоди Му се пак у прву суботу по другом дану пасхе да иђаше кроз усеве, и ученици Његови тргаху класје, и сатираху рукама те јеђаху.
2 Datapuwa't sinabi ng ilan sa mga Fariseo, Bakit ginagawa ninyo ang di matuwid gawin sa araw ng sabbath?
А неки од фарисеја рекоше им: Зашто чините шта не ваља чинити у суботу?
3 At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi, Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David, nang siya'y magutom, siya, at ang mga kasamahan niya;
И одговарајући Исус рече им: Зар нисте читали оно што учини Давид кад огладне, он и који беху с њим?
4 Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain ng mga tinapay na handog, at binigyan pati ang kaniyang mga kasamahan; na hindi naaayon sa kautusan na kanin ninoman kundi ng mga saserdote lamang?
Како уђе у кућу Божију, и узе хлебове постављене и изједе, и даде их онима што беху с њим, којих никоме не ваљаше јести осим јединих свештеника.
5 At sinabi niya sa kanila, Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.
И рече им: Син је човечији Господар и од суботе.
6 At nangyari nang ibang sabbath, na siya'y pumasok sa sinagoga at nagturo: at doo'y may isang lalake, at tuyo ang kaniyang kanang kamay.
А догоди се у другу суботу да Он уђе у зборницу и учаше, и беше онде човек коме десна рука беше сува.
7 At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siya'y magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siya'y maisakdal.
Књижевници пак и фарисеји гледаху за Њим неће ли у суботу исцелити, да Га окриве.
8 Datapuwa't nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siya'y nagtindig at tumayo.
А Он знаше помисли њихове, и рече човеку који имаше суву руку: Устани и стани на среду. А он устаде и стаде.
9 At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa?
А Исус рече им: Да вас запитам: Шта ваља у суботу чинити, добро или зло? Одржати душу или погубити? А они ћутаху.
10 At minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot, at sinabi sa kaniya, Iunat mo ang iyong kamay. At ginawa niyang gayon; at gumaling ang kaniyang kamay.
И погледавши на све њих рече му: Пружи руку своју. А он учини тако; и рука поста здрава као и друга.
11 Datapuwa't sila'y nangapuno ng galit; at nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus.
А они се сви напунише безумља, и говораху један другом шта би учинили Исусу.
12 At nangyari nang mga araw na ito, na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.
Тих, пак, дана изиђе на гору да се помоли Богу; и проведе сву ноћ на молитви Божијој.
13 At nang araw na, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad; at siya'y humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol:
И кад би дан, дозва ученике своје, и изабра из њих дванаесторицу, које и апостолима назва:
14 Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome.
Симона, кога назва Петром, и Андрију брата његовог, Јакова и Јована, Филипа и Вартоломија,
15 At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na Masikap,
Матеја и Тому, Јакова Алфејевог и Симона прозваног Зилота,
16 At si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo;
Јуду Јаковљевог, и Јуду Искариотског, који Га и издаде.
17 At bumaba siya na kasama nila, at tumigil sa isang patag na dako, at ang lubhang marami sa mga alagad niya, at ang lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem, at sa pangpangin ng dagat ng Tiro at Sidon, na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit;
И изишавши с њима стаде на месту равном, и гомила ученика Његових; и мноштво народа из све Јудеје и из Јерусалима, и из приморја тирског и сидонског,
18 Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling.
Који дођоше да Га слушају и да се исцељују од својих болести, и које мучаху духови нечисти; и исцељиваху се.
19 At pinagpipilitan ng buong karamihan na siya'y mahipo; sapagka't lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa, at nagpapagaling sa lahat.
И сав народ тражаше да Га се дотакну; јер из Њега излажаше сила и исцељиваше их све.
20 At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios.
И Он подигнувши очи на ученике своје говораше: Благо вама који сте сиромашни духом; јер је ваше царство Божије.
21 Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa.
Благо вама који сте гладни сад; јер ћете се наситити. Благо вама који плачете сад; јер ћете се насмејати.
22 Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao.
Благо вама кад на вас људи омрзну и кад вас раставе и осрамоте, и разгласе име ваше као зло Сина ради човечијег.
23 Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta.
Радујте се у онај дан и играјте, јер гле, ваша је велика плата на небу. Јер су тако чинили пророцима очеви њихови.
24 Datapuwa't sa aba ninyong mayayaman! sapagka't tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan.
Али тешко вама богати; јер сте већ примили утеху своју.
25 Sa aba ninyo mga busog ngayon! sapagka't kayo'y mangagugutom. Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon! sapagka't kayo'y magsisitaghoy at magsisitangis.
Тешко вама сити сад; јер ћете огладнети. Тешко вама који се смејете сад; јер ћете заплакати и заридати.
26 Sa aba ninyo, pagka ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo! sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga bulaang propeta.
Тешко вама кад стану сви добро говорити за вама; јер су тако чинили и лажним пророцима очеви њихови.
27 Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo,
Али вама кажем који слушате: љубите непријатеље своје, добро чините онима који на вас мрзе;
28 Pagpalain ninyo ang sa inyo'y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo'y lumalait.
Благосиљајте оне који вас куну, и молите се Богу за оне који вас вређају.
29 Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; at ang sa iyo'y magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika.
Који те удари по образу, окрени му и други; и који хоће да ти узме кабаницу, подај му и кошуљу.
30 Bigyan mo ang bawa't sa iyo'y humihingi; at sa kumuha ng pag-aari mo, ay huwag mong hinging muli.
А свакоме који иште у тебе, подај; и који твоје узме, не ишти.
31 At kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.
И како хоћете да чине вама људи чините и ви њима онако.
32 At kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila.
И ако љубите оне који вас љубе, каква вам је хвала? Јер и грешници љубе оне који њих љубе.
33 At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan.
И ако чините добро онима који вама добро чине, каква вам је хвала? Јер и грешници чине тако.
34 At kung kayo'y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din.
И ако дајете у зајам онима од којих се надате да ћете узети, каква вам је хвала? Јер и грешници грешницима дају у зајам да узму опет онолико.
35 Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at kayo'y magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagka't siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama.
Али, љубите непријатеље своје, и чините добро, и дајте у зајам не надајући се ничему; и биће вам велика плата, и бићете синови Највишега, јер је Он благ и неблагодарнима и злима.
36 Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.
Будите дакле милостиви као и Отац ваш што је милостив.
37 At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain:
И не судите, и неће вам судити; и не осуђујте, и нећете бити осуђени; опраштајте, и опростиће вам се.
38 Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin.
Дајте, и даће вам се: меру добру и набијену и стресену и препуну даће вам у наручје ваше. Јер каквом мером дајете онаквом ће вам се вратити.
39 At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay?
И каза им причу: Може ли слепац слепца водити? Неће ли оба пасти у јаму?
40 Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro: datapuwa't ang bawa't isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro.
Нема ученика над учитељем својим, него и сасвим кад се изучи, биће као и учитељ његов.
41 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, datapuwa't hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata?
А зашто видиш трун у оку брата свог, а брвна у свом оку не осећаш?
42 O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid.
Или како можеш рећи брату свом: Брате! Стани да извадим трун који је у оку твом, кад сам не видиш брвна у свом оку? Лицемере! Извади најпре брвно из ока свог, па ћеш онда видети извадити трун из ока брата свог.
43 Sapagka't walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti.
Јер нема дрвета доброг да рађа зао род; нити дрвета злог да рађа добар род.
44 Sapagka't bawa't punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagka't ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag, at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan.
Јер се свако дрво по роду свом познаје: јер се смокве не беру с трња, нити се грожђе бере с купине,
45 Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.
Добар човек из добре клети срца свог износи добро, а зао човек из зле клети срца свог износи зло, јер уста његова говоре од сувишка срца.
46 At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?
А што ме зовете: Господе! Господе! А не извршујете шта вам говорим?
47 Ang bawa't lumalapit sa akin, at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad:
Сваки који иде за мном и слуша речи моје и извршује их, казаћу вам какав је:
48 Siya'y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka't natitirik na mabuti.
Он је као човек који гради кућу, па ископа и удуби и удари темељ на камену; а кад дођоше воде, навали река на ону кућу и не може је покренути, јер јој је темељ на камену.
49 Datapuwa't ang dumirinig, at hindi ginagawa, ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa, na walang patibayan; laban sa yaon ay hinampas ng agos, at pagdaka'y nagiba; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon.
А који слуша и не извршује он је као човек који начини кућу на земљи без темеља, на коју навали река и одмах је обори, и распаде се кућа она страшно.

< Lucas 6 >