< Lucas 6 >
1 Nangyari nga nang dumaraan siya sa mga trigohan nang isang sabbath, ay kumitil ng mga uhay ang mga alagad niya, at kinakain pagkaligis sa kanilang mga kamay.
And it came to passe on a second solemne Sabbath, that hee went through the corne fieldes, and his disciples plucked the eares of corne, and did eate, and rub them in their hands.
2 Datapuwa't sinabi ng ilan sa mga Fariseo, Bakit ginagawa ninyo ang di matuwid gawin sa araw ng sabbath?
And certaine of the Pharises sayde vnto them, Why doe ye that which is not lawfull to doe on the Sabbath dayes?
3 At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi, Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David, nang siya'y magutom, siya, at ang mga kasamahan niya;
Then Iesus answered them, and said, Haue ye not read this, that Dauid did when he himselfe was an hungred, and they which were with him,
4 Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain ng mga tinapay na handog, at binigyan pati ang kaniyang mga kasamahan; na hindi naaayon sa kautusan na kanin ninoman kundi ng mga saserdote lamang?
Howe he went into the house of God, and tooke, and ate the shewbread, and gaue also to them which were with him, which was not lawful to eate, but for the Priests onely?
5 At sinabi niya sa kanila, Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.
And he sayd vnto them, The Sonne of man is Lord also of the Sabbath day.
6 At nangyari nang ibang sabbath, na siya'y pumasok sa sinagoga at nagturo: at doo'y may isang lalake, at tuyo ang kaniyang kanang kamay.
It came to passe also on another Sabbath, that hee entred into the Synagogue, and taught, and there was a man, whose right hand was dryed vp.
7 At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siya'y magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siya'y maisakdal.
And the Scribes and Pharises watched him, whether he would heale on the Sabbath day, that they might finde an accusation against him.
8 Datapuwa't nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siya'y nagtindig at tumayo.
But he knew their thoughts, and sayd to the man which had the withered hand, Arise, and stand vp in the middes. And hee arose, and stoode vp.
9 At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa?
Then sayd Iesus vnto them, I will aske you a question, Whether is it lawfull on the Sabbath dayes to doe good, or to doe euill? to saue life, or to destroy?
10 At minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot, at sinabi sa kaniya, Iunat mo ang iyong kamay. At ginawa niyang gayon; at gumaling ang kaniyang kamay.
And he behelde them all in compasse, and sayd vnto the man, Stretch forth thine hand. And he did so, and his hand was restored againe, as whole as the other.
11 Datapuwa't sila'y nangapuno ng galit; at nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus.
Then they were filled full of madnes, and communed one with another, what they might doe to Iesus.
12 At nangyari nang mga araw na ito, na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.
And it came to passe in those dayes, that he went into a mountaine to praye, and spent the night in prayer to God.
13 At nang araw na, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad; at siya'y humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol:
And when it was day, he called his disciples, and of them he chose twelue which also he called Apostles.
14 Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome.
(Simon whome he named also Peter, and Andrew his brother, Iames and Iohn, Philippe and Bartlemewe:
15 At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na Masikap,
Matthewe and Thomas: Iames the sonne of Alpheus, and Simon called Zelous,
16 At si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo;
Iudas Iames brother, and Iudas Iscariot, which also was the traitour.)
17 At bumaba siya na kasama nila, at tumigil sa isang patag na dako, at ang lubhang marami sa mga alagad niya, at ang lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem, at sa pangpangin ng dagat ng Tiro at Sidon, na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit;
Then he came downe with them, and stood in a plaine place, with the company of his disciples, and a great multitude of people out of all Iudea, and Hierusalem, and from the sea coast of Tyrus and Sidon, which came to heare him, and to be healed of their diseases:
18 Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling.
And they that were vexed with foule spirits, and they were healed.
19 At pinagpipilitan ng buong karamihan na siya'y mahipo; sapagka't lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa, at nagpapagaling sa lahat.
And the whole multitude sought to touch him: for there went vertue out of him, and healed them all.
20 At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios.
And hee lifted vp his eyes vpon his disciples, and sayd, Blessed be ye poore: for yours is the kingdome of God.
21 Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa.
Blessed are ye that hunger nowe: for ye shalbe satisfied: blessed are ye that weepe now: for ye shall laugh.
22 Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao.
Blessed are ye when men hate you, and when they separate you, and reuile you, and put out your name as euill, for the Sonne of mans sake.
23 Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta.
Reioyce ye in that day, and be glad: for beholde, your reward is great in heauen: for after this maner their fathers did to the Prophets.
24 Datapuwa't sa aba ninyong mayayaman! sapagka't tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan.
But wo be to you that are rich: for ye haue receiued your consolation.
25 Sa aba ninyo mga busog ngayon! sapagka't kayo'y mangagugutom. Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon! sapagka't kayo'y magsisitaghoy at magsisitangis.
Wo be to you that are full: for ye shall hunger. Wo be to you that now laugh: for ye shall wayle and weepe.
26 Sa aba ninyo, pagka ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo! sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga bulaang propeta.
Wo be to you when all men speake well of you: for so did their fathers to the false prophets.
27 Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo,
But I say vnto you which heare, Loue your enemies: doe well to them which hate you.
28 Pagpalain ninyo ang sa inyo'y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo'y lumalait.
Blesse them that curse you, and pray for them which hurt you.
29 Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; at ang sa iyo'y magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika.
And vnto him that smiteth thee on ye one cheeke, offer also the other: and him that taketh away thy cloke, forbid not to take thy coate also.
30 Bigyan mo ang bawa't sa iyo'y humihingi; at sa kumuha ng pag-aari mo, ay huwag mong hinging muli.
Giue to euery man that asketh of thee: and of him that taketh away the things that be thine, aske them not againe.
31 At kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.
And as ye would that men should doe to you, so doe ye to them likewise.
32 At kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila.
For if yee loue them which loue you, what thanke shall ye haue? for euen the sinners loue those that loue them.
33 At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan.
And if ye do good for them which do good for you, what thanke shall ye haue? for euen the sinners doe the same.
34 At kung kayo'y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din.
And if ye lend to them of whom ye hope to receiue, what thanke shall yee haue? for euen the sinners lend to sinners, to receiue the like.
35 Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at kayo'y magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagka't siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama.
Wherefore loue ye your enemies, and doe good, and lend, looking for nothing againe, and your rewarde shalbe great, and ye shalbe the children of the most High: for he is kinde vnto the vnkinde, and to the euill.
36 Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.
Be ye therefore mercifull, as your Father also is mercifull.
37 At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain:
Iudge not, and ye shall not be iudged: condemne not, and ye shall not bee condemned: forgiue, and ye shalbe forgiuen.
38 Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin.
Giue, and it shalbe giuen vnto you: a good measure, pressed downe, shaken together and running ouer shall men giue into your bosome: for with what measure ye mete, with the same shall men mete to you againe.
39 At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay?
And he spake a parable vnto them, Can the blinde leade the blinde? shall they not both fall into the ditche?
40 Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro: datapuwa't ang bawa't isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro.
The disciple is not aboue his master: but whosoeuer will be a perfect disciple, shall bee as his master.
41 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, datapuwa't hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata?
And why seest thou a mote in thy brothers eye, and considerest not the beame that is in thine owne eye?
42 O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid.
Either howe canst thou say to thy brother, Brother, let me pull out the mote that is in thine eye, when thou seest not the beame that is in thine owne eye? Hypocrite, cast out the beame out of thine owne eye first, and then shalt thou see, perfectly to pull out the mote that is in thy brothers eye.
43 Sapagka't walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti.
For it is not a good tree that bringeth foorth euill fruite: neither an euill tree, that bringeth foorth good fruite.
44 Sapagka't bawa't punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagka't ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag, at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan.
For euery tree is knowen by his owne fruite: for neither of thornes gather men figges, nor of bushes gather they grapes.
45 Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.
A good man out of the good treasure of his heart bringeth foorth good, and an euill man out of the euill treasure of his heart bringeth foorth euill: for of the aboundance of the heart his mouth speaketh.
46 At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?
But why call ye me Lord, Lord, and do not the things that I speake?
47 Ang bawa't lumalapit sa akin, at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad:
Whosoeuer commeth to mee, and heareth my wordes, and doeth the same, I will shewe you to whome he is like:
48 Siya'y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka't natitirik na mabuti.
He is like a man which built an house, and digged deepe, and layde the fundation on a rocke: and when the waters arose, the flood beat vpon that house, and coulde not shake it: for it was grounded vpon a rocke.
49 Datapuwa't ang dumirinig, at hindi ginagawa, ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa, na walang patibayan; laban sa yaon ay hinampas ng agos, at pagdaka'y nagiba; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon.
But hee that heareth and doeth not, is like a man that built an house vpon the earth without foundation, against which the flood did beate, and it fell by and by: and the fall of that house was great.