< Lucas 3 >
1 Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni Tiberio Cesar, na noo'y gobernador sa Judea si Poncio Pilato, at tetrarka sa Galilea si Herodes, at ang kaniyang kapatid na si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia,
In the fifteenth year of the reign of the Emperor Tiberius, when Pontius Pilate was governor of Judea, Herod ruler of Galilee, his brother Philip ruler of the territory comprising Ituraea and Trachonitis, and Lysanias ruler of Abilene,
2 Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote si Anas at si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay Juan, anak ni Zacarias, sa ilang.
and when Annas and Caiaphas were high priests, a command from God came to John, the son of Zechariah, while he was in the wilderness.
3 At siya'y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;
And John went through the whole district of the Jordan, proclaiming a baptism of repentance, for the forgiveness of sins.
4 Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
This was in fulfilment of what is said in the writings of the prophet Isaiah – “The voice of one crying aloud in the wilderness: ‘Make ready the way of the Lord, make his paths straight.
5 Lahat ng libis ay tatambakan, At pababain ang bawa't bundok at burol; At ang liko ay matutuwid, At ang mga daang bakobako ay mangapapatag;
Every chasm will be filled, every mountain and hill will be levelled. The winding ways will be straightened, the rough roads made smooth,
6 At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios.
and everyone will see the salvation of God.’”
7 Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating?
And John said to the crowds that went to be baptized by him, ‘You children of snakes! Who has prompted you to seek refuge from the coming judgment?
8 Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito.
Let your lives, then, prove your repentance; and do not begin to say among yourselves “Abraham is our ancestor,” for I tell you that out of these stones God is able to raise descendants for Abraham!
9 At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.
Already, indeed, the axe is lying at the root of the trees. Therefore every tree that fails to bear good fruit will be cut down and thrown into the fire.’
10 At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, Ano ngang dapat namin gawin?
‘What are we to do then?’ the people asked.
11 At sinagot niya at sinabi sa kanila, Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin.
‘Let anyone who has two coats,’ answered John, ‘share with the person who has none; and anyone who has food do the same.’
12 At dumating naman ang mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo, at sinabi nila sa kaniya, Guro, anong dapat naming gawin?
Even tax collectors came to be baptized, and said to John, ‘Teacher, what are we to do?’
13 At sinabi niya sa kanila, Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo.
‘Do not collect more than you have authority to demand,’ John answered.
14 At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo.
And when some soldiers on active service asked ‘And we – what are we to do?’ he said, ‘Never use violence, or exact anything by false accusation; and be content with your pay.’
15 At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, kung siya kaya ang Cristo;
Then, while the people were in suspense, and were all debating with themselves whether John could be the Christ,
16 Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:
John, addressing them all, said, ‘I, indeed, baptize you with water; but there is coming one more powerful than I, and I am not fit even to unfasten his sandals. He will baptize you with the Holy Spirit and with fire.
17 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.
His winnowing-fan is in his hand so that he may clear his threshing-floor, and store the grain in his barn, but the chaff he will burn with a fire that cannot be put out.’
18 Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita;
And so with many different appeals John told his good news to the people.
19 Datapuwa't si Herodes na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,
But when John rebuked Herod the ruler, for Herodia his brother’s wife, and for all the evil things that he had done,
20 Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.
Herod crowned them all by shutting John up in prison.
21 Nangyari nga, nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,
Now after the baptism of all the people, and when Jesus had been baptized and was still praying, the heavens opened,
22 At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.
and the Holy Spirit came down on him in the form of a dove, and from the heavens came a voice – ‘You are my dearly loved son; you bring me great joy.’
23 At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon, na anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli,
When beginning his work, Jesus was about thirty years old. He was regarded as the son of Joseph, whose ancestors were – Eli,
24 Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose,
Mattith, Levi, Melchiah, Janna, Joseph,
25 Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage,
Mattithiah, Amos, Nahum, Azaliah, Nogah,
26 Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda,
Mattith, Mattithiah, Shimei, Joseph, Josheh,
27 Ni Joana, ni Resa, ni Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri,
Johanan, Rhesa, Zerubbabel, Salathiel, Neriah,
28 Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er,
Melchiah, Addi, Cosam, Elmodam, Er,
29 Ni Jesus, ni Eliezer, ni Jorim, ni Mata, ni Levi,
Joshua, Eliezer, Joram, Mattith, Levi,
30 Ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonan, ni Eliaquim,
Simeon, Judah, Joseph, Jonam, Eliakim,
31 Ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni Natan, ni David,
Meleah, Menan, Mattithiah, Nathan, David,
32 Ni Jesse, ni Obed, ni Booz, ni Salmon, ni Naason,
Jesse, Obed, Boaz, Salah, Nahshon,
33 Ni Aminadab, ni Aram, ni Esrom, ni Fares, ni Juda,
Aminadab, Arni, Hezron, Perez, Judah,
34 Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni Tare, ni Nacor,
Jacob, Isaac, Abraham, Terah, Nahor,
35 Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah,
Serug, Reu, Peleg, Eber, Shelah,
36 Ni Cainan, ni Arfaxjad, ni Sem, ni Noe, ni Lamec,
Kenan, Arpachshad, Shem, Noah, Lamech,
37 Ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan,
Methuselah, Enoch, Jared, Mahalalel, Kenan,
38 Ni Enos, ni Set, ni Adam, ng Dios.
Enosh, Seth, son of Adam, and Adam, son of God.