< Lucas 20 >

1 At nangyari, sa isa sa mga araw, samantalang tinuturuan niya ang bayan sa templo, at ipinangangaral ang evangelio, na nagsilapit sa kaniya ang mga saserdote, at ang mga eskriba pati ng matatanda;
Lishaka limu Yesu kaweriti kankuwafunda wantu Mnumba nkulu ya Mlungu na kuvibwera visoweru viwagira, watambika wakulu na wafunda wa Malagaliru, pamuhera na wazewi, wiziti
2 At sila'y nangagsalita, na nangagsasabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin: Sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? o sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang ito?
na wamgambira, “Gutugambiri, gutenda vintu vyoseri avi kwa uwezu wa gaa? Ndo gaa yakakupiti uwezu wa kutenda aga?”
3 At siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Tatanungin ko naman kayo ng isang tanong; at sabihin ninyo sa akin:
Yesu kawankula, “Vinu naneni hanuwakosiyi. Mung'ambiri,
4 Ang bautismo ni Juan, ay mula baga sa langit, o sa mga tao?
uwezu wa kubatiza wa Yohani Mbatiza ulawiti kumpindi ama ulawiti kwa wantu?”
5 At sila'y nangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Kung sabihin natin, Mula sa langit; ay sasabihin niya, Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?
Womberi wanjiti kuligambirana weni, “Hatulongi hashi? Patulonga, ‘Ulawiti kumpindi,’ yomberi hakatakuli, ‘Iwera hashi munjimira ndiri?’
6 Datapuwa't kung sabihin natin, Mula sa mga tao; ay babatuhin tayo ng buong bayan, sapagka't sila'y nanganiniwala na si Juan ay propeta.
Kumbiti patulonga, ‘Ulawa kwa wantu,’ lipinga lyoseri lya wantu panu hawatugumi mabuhi, toziya woseri wavimaniti kuwera Yohani kaweriti mbuyi gwa Mlungu.”
7 At sila'y nagsisagot, na hindi nila nalalaman kung saan mula.
Su wamwankula, “Tuvimana ndiri uwezu wakuwi ulawiti koshi.”
8 At sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.
Yesu kawagambira, “Vira neni hapeni nuwagambirani ntenda vitwatira avi kwa uwezu wa gaa.”
9 At siya'y nagpasimulang magsabi sa bayan ng talinghagang ito: Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at ipinagkatiwala sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain na mahabang panahon.
Yesu kawagambiriti wantu mfanu agu, “Kweniti na muntu yakayaliti mizyabibu mulirambu, kawazimila wakulima na mweni kagenditi mwanja, kalikaliti kulii shipindi shivuwa.
10 At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang siya'y bigyan ng bunga ng ubas: datapuwa't hinampas siya ng mga magsasaka, at pinauwing walang dala.
Shipindi sha kubenanga zyabibu shisokiti, kamtumiti mmanda kagendi kwa wakulima, kakatoli seemu ya mabenangu ga lirambu lya mizyabibu. Kumbiti wakulima wamkomanga ntumintumi ulii na wamuwuziya ukaya mawoku hera.
11 At nagsugo pa siya ng ibang alipin: at ito nama'y kanilang hinampas, at inalimura, at pinauwing walang dala.
Su kamtumiti ntumintumi gwingi, kumbiti wakulima walii wamkoma kayi na kumtendera vidoda, na wamwuziya ukaya mawoku hera.
12 At nagsugo pa siya ng ikatlo: at kanila ring sinugatan ito, at pinalayas.
Kamtumiti ntumintumi gwa tatu, wakulima wamkoma mpaka kawera na vironda, shakapanu wamuwingawinga.
13 At sinabi ng panginoon ng ubasan, Anong gagawin ko? aking susuguin ang minamahal kong anak; marahil siya'y igagalang nila.
Mweni kana lirambu kalikosiya, ‘Hantendi hashi? Hanumtumi mwana gwangu yanumfira, neni wera na unakaka hawamupanani ligoya!’
14 Datapuwa't nang makita siya ng mga magsasaka, ay nangagsangusapan sila, na sinasabi, Ito ang tagapagmana; atin siyang patayin upang ang mana ay maging atin.
Kumbiti wakulima walii pawamwoniti, wanja kuligambira, ‘Ayu ndo mhala gwakuwi. Tumlagi, uhala wakuwi hawuweri wa twenga!’
15 At itinaboy nila siya sa ubasan, at pinatay siya. Ano nga kaya ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan?
Su wamlaviya kunja kulirambu, wamlaga.” Yesu kawakosiya, “Yakana lirambu ulii hakawatendi hashi wakulima walii?
16 Paroroon siya at pupuksain niya ang mga magsasakang ito, at ibibigay ang ubasan sa mga iba. At nang marinig nila ito, ay sinabi nila, Huwag nawang mangyari.
Hakizi kuwalaga wakulima woseri, na hakawapanani wakulima wamonga lirambu lilii lya mizyabibu.” Wantu pawapikaniriti, watakula, “Iwezekana ndiri!”
17 Datapuwa't kaniyang tinitigan sila, at sinabi, Ano nga baga ito na nasusulat, Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali. Ay siya ring ginawang pangulo sa panulok?
Yesu kawaloliti na kukosiya, “Su Malembu aga Mananagala gana mana gaa? ‘Libuwi lyawalilemiti wanyawa wa numba, vinu ligalambuka na liwera libuwi lyaliwera na mana nentu kuliku goseri.’
18 Ang bawa't mahulog sa ibabaw ng batong yaon ay madudurog; datapuwa't sinomang kaniyang malagpakan, ay kaniyang pangangalating gaya ng alabok.
Muntu yoseri pakaguwa pampindi pa libuwi hakamegeki vipandi vipandi, na libuwi palimtulukira muntu yoseri, halimtendi.”
19 At pinagsisikapan siyang hulihin sa oras ding yaon ng mga eskriba at ng mga pangulong saserdote; at sila'y nangatatakot sa bayan: sapagka't nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila.
Wafunda wa Malagaliru na watambika wakulu wafiriti kumbata, toziya wavimaniti mfanu agu guweriti kankuwatakula womberi, kumbiti palii wawatiriti wantu.
20 At siya'y inaabangan nila, at sila'y nangagsugo ng mga tiktik, na nangagpakunwaring mga matuwid, upang siya'y mahuli sa kaniyang salita, na siya'y maibigay sa pamiminuno at sa kapamahalaan ng gobernador.
Su waweriti wankusakula shipindi shifaa. Wawapanani wantu wamu mpiya walitendi waheri, su wawatuma wagendi kumjera Yesu kwa kumkosiya, su wawezi kumbata na kumjega kwa wakulu wa serikali ya Rumi.
21 At kanilang tinanong siya, na sinasabi, Guro, nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid, at wala kang itinatanging tao, kundi itinuturo mo ang katotohanan ng daan ng Dios.
Walolalo walii wamgambira Yesu, “mfunda, tuvimana ntambu yagutakula na kufunda vitwatira vya nakaka. Tuvimana gwenga gwahera ubagula kwa muntu yoseri ulii, kumbiti gwenga gufunda unakaka wa vintu vyakafira Mlungu.
22 Matuwid bagang kami ay bumuwis kay Cesar, o hindi?
Gutugambiri, handa vya halali ama vyahalali ndiri kulipa kodi kwa Kaisari!”
23 Datapuwa't napagkilala niya ang kanilang lalang, at sinabi sa kanila,
Kumbiti Yesu kavimaniti shawafira na kawagambira,
24 Pagpakitaan ninyo ako ng isang denario. Kanino ang larawan at ang nasusulat dito? At sinabi nila, Kay Cesar.
“Mnanguziyi mpiya. Sheni sha mumpiya sha gaa na malembu yagalembwa mumpiya?” Wamwankula, “vya Kaisari.”
25 At sinabi niya sa kanila, Kung gayo'y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar, at ang sa Dios ang sa Dios.
Su Yesu kawagambira, “Su vya Kaisari mpanani Kaisari na vya Mlungu mpanani Mlungu.”
26 At sila'y hindi nakahuli sa kaniyang mga pananalita sa harap ng bayan: at sila'y nanganggilalas sa kaniyang sagot, at hindi nangagsiimik.
Waweza ndiri kumbata kwa shisoweru shoseri palii palongolu pa wantu, su wanyamaliti, pawalikangasha ntambu yakawankuliti.
27 At may lumapit sa kaniyang ilan sa mga Saduceo, na nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli;
Shakapanu Masadukayu wamu, yawalongaga wantu yawahowa hapeni wazyuki, wamwiziriti Yesu na kulonga,
28 At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, isinulat sa amin ni Moises, na kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, na may asawa, at siya'y walang anak, ay kunin ng kaniyang kapatid ang asawa, at bigyang anak ang kaniyang kapatid.
“mfunda, Musa katulembiriti Lilagaliru ali, ‘Muntu pakahowa na kumleka mdala yakahera mwana, mpaka mlongu gwakuwi kamtoli mkenja ulii su kamleleri wana mlongu gwakuwi yakahowiti.’
29 Mayroon ngang pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at namatay na walang anak;
Vinu kuweriti na walongu saba. Mkulu yakalongoleriti kumyuga kahowa pakaleka ndiri mwana.
30 At ang pangalawa:
Mlongu gwa pili kamuyuga mdala mkenja ulii,
31 At ang pangatlo'y nagasawa sa bao; at gayon din ang pito naman ay hindi nagiwan ng mga anak, at nangamatay.
na mlongu gwa tatu ntambu ira, vitwatira viweriti vira virii kwa woseri saba, wahowiti pawaleka ndiri wana.
32 Pagkatapos ay namatay naman ang babae.
Upeleru wakuwi na mdala mkenja ulii kahowiti vira.
33 Sa pagkabuhay na maguli nga, kanino sa kanila magiging asawa kaya ang babaing yaon? sapagka't siya'y naging asawa ng pito.
Vinu mulishaka lya wahowiti kuzyuka, mdala ulii hakaweri gwa gaa? Toziya woseri saba wamuyugiti.”
34 At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa: (aiōn g165)
Yesu kawankula, “Mushipindi ashi wapalu wayuga wadala, (aiōn g165)
35 Datapuwa't ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin: (aiōn g165)
kumbiti wapalu na wadala weni Mlungu hakawatangi kuwera mushipindi sha kuzyuka, hapeni wapalu wayugi wala wadala kuyugwa. (aiōn g165)
36 Sapagka't hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka't kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila'y mga anak ng Dios, palibhasa'y mga anak ng pagkabuhay na maguli.
Hawaweri gambira wantumintumi wa kumpindi na hapeni wahowi. Womberi ndo wana wa Mlungu, toziya wazyuka kulawa kwa wahowiti.
37 Datapuwa't tungkol sa pagbabangon ng mga patay, ay ipinakilala rin naman ni Moises sa Mababang punong kahoy, nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abraham, at Dios ni Isaac, at Dios ni Jacob.
Kumbiti Musa kalanguziyiti weri kuwera yawahowiti hawazyuki. Mumalembu Mananagala galembitwi shakatakuliti Mtuwa ndo Mlungu gwa Aburahamu, na Mlungu gwa Isaka, na Mlungu gwa Yakobu.
38 Siya nga'y hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: sapagka't nangabubuhay sa kaniya ang lahat.
Mlungu ndo gwa yawawera wakomu, na Mlungu ndiri gwa wahowiti, kwakuwi woseri walikala.”
39 At pagsagot ng ilan sa mga eskriba, ay nangagsabi, Guro, mabuti ang pagkasabi mo.
Wafunda wamu wa Malagaliru watakula, “mfunda guwankula weri!”
40 Sapagka't hindi na nga sila nangahas tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.
Watakuliti hangu toziya wasinditi kumkosiya kayi makosiwu gamonga.
41 At kaniyang sinabi sa kanila, Paanong sinasabi nila na ang Cristo ay anak ni David?
Yesu kawakosiya, “Watakula hashi kulonga Kristu kawera mwana gwa Dawudi?
42 Sapagka't si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa aking kanan,
Mweni Dawudi kalemba kala mushintola sha Zaburi, ‘Mtuwa kamgambiriti Mtuwa gwangu, Gwikali kumliwu kwaneni
43 Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.
Mpaka nuwatuli wangondu waku kuwera shiti sha kutulila magulu gaku.’
44 Dahil dito tinatawag siyang Panginoon ni David, at paanong siya'y anak niya?
Dawudi kamshemiti yomberi, ‘Mtuwa.’ Hayiweri hashi Mesiya kaweri mwana gwa Dawudi?”
45 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, na naririnig ng buong bayan,
Yesu kawagambira wafundwa wakuwi kulongolu kwa wantu woseri,
46 Mangagingat kayo sa mga eskriba na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at iniibig nila ang sila'y pagpugayan sa mga pamilihan, at ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong dako sa mga pigingan;
“Muliloleri weri kuusu wafunda wa Malagaliru, weni wafira kugendagenda pawavalira lihabiti na wafira kulamsiwa kwa ligoya pahala pa masoku, weni wasyagula kulivaga pahala pa ligoya munumba zya Mlungu, na pahala paherepa mumsambu,
47 Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing bao, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.
Wawagambira wakenja mpayu na kuwapoka numba zyawu na pawaluwa Mlungu luwi ntali! Azabu yawu hayiweri nkulu nentu!”

< Lucas 20 >