< Lucas 18 >
1 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga, na sila'y dapat magsipanalanging lagi, at huwag manganglupaypay;
穌給他們設了一個比喻,論及人應當時常祈禱,不要灰心。
2 Na sinasabi, May isang hukom sa isang bayan, na hindi natatakot sa Dios, at walang taong pinagpipitaganan:
他說:「某城中有一個判官不敬畏天主,也不敬重人。
3 At sa bayang yaon ay may isang babaing bao; at siya'y naparoroong madalas sa kaniya, na sinasabi, Iganti mo ako sa aking kaalit.
在那城中另有一個寡婦,常去見他說:請你制裁我的對頭,給我伸冤罷!
4 At may ilang panahon na siya'y tumatanggi: datapuwa't pagkatapos ay sinabi sa kaniyang sarili, Bagaman di ako natatakot sa Dios, at di nagpipitagan sa tao:
他多時不肯;以後想到:我雖不敬畏天主,也不敬重人,
5 Gayon man, sapagka't nililigalig ako ng baong ito, ay igaganti ko siya, baka niya ako bagabagin ng kapaparito.
只因為這個寡婦常來煩擾我,我要給她伸冤,免得她不斷地來糾纏我。
6 At sinabi ng Panginoon, Pakinggan ninyo ang sinabi ng likong hukom.
於是主說:你們聽聽這個不義的判官說的什麼!
7 At hindi baga, igaganti ng Dios ang kaniyang mga hirang, na sumisigaw sa kaniya sa araw at gabi, at siya'y may pagpapahinuhod sa kanila?
天主所召選的人,日夜呼籲他,他豈能不給他們伸冤,而遷延俯聽他們嗎﹖
8 Sinasabi ko sa inyo, na sila'y madaling igaganti niya. Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?
我告訴你們:他必要快快為他們伸冤,但是,人子來臨時,能在世上找到信德嗎﹖」
9 At kaniyang sinalita naman ang talinghagang ito sa nagsisiasa sa kanilang sarili, na nangagpapanggap na sila'y matutuwid, at pinawawalang halaga ang lahat ng mga iba:
耶穌也向幾個自充為義人,而輕視他的人設了這個比喻:「
10 May dalawang lalaking nagsipanhik sa templo upang magsipanalangin; ang isa'y Fariseo, at ang isa'y maniningil ng buwis.
有十個人上聖殿去祈禱:一個是法利賽人,另一個是稅吏。
11 Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito.
那個法利賽人立著,心裏這樣祈禱:天主,我感謝你,因為我不像其他的人,勒索、不義、奸淫,也不像這個稅吏。
12 Makalawa akong nagaayuno sa isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinakamtan.
我每週兩次禁食,凡我所得的,都捐獻十分之一。
13 Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.
那個稅吏卻遠遠地站著,連舉目望天都不敢,祇是捶著自己的胸膛說:天主可憐我這個罪人罷!
14 Sinasabi ko sa inyo, Nanaog at umuwi sa kaniyang bahay ang taong ito na inaaaringganap kay sa isa: sapagka't ang bawa't nagmamataas sa kaniyang sarili ay mabababa; datapuwa't ang nagpapakababa sa kaniyang sarili ay matataas.
我告訴你們: 這人下去,到他家裏,成了正義的,而那個人卻不然。因為凡高舉自己的,必被貶抑;凡貶抑自己的,必被高舉。」
15 At dinala naman nila sa kaniya ang kanilang mga sanggol, upang kaniyang hipuin sila; datapuwa't nang mangakita ito ng mga alagad, ay sila'y sinaway nila.
有人也把嬰兒帶到耶穌跟前,要他撫摸他們;門徒們見了便斥責他們。
16 Datapuwa't pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka't sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.
耶穌卻召喚他們說: 「你們讓小孩子們到我跟前來,不要阻止他們! 因為天主的國正屬於這樣的人。
17 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na gaya ng isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan.
我實實在在告訴你們:誰若不像小孩子一樣接受天主的國,決不能進去。」
18 At tinanong siya ng isang pinuno, na sinasabi, Mabuting Guro, anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay? (aiōnios )
有一個首領問耶穌說:「善師,我要做什麼,才能承受永生﹖」 (aiōnios )
19 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Bakit mo ako tinatawag na mabuti? walang mabuti, kundi isa, ang Dios lamang.
耶穌給他說:「你為什麼稱我善呢﹖除了天主一個外,沒有誰是善的。
20 Talastas mo ang mga utos, Huwag kang mangalunya, Huwag kang pumatay, Huwag kang magnakaw, Huwag kang sumaksi sa di katotohanan, Igalang mo ang iyong ama at ina.
誡命你都知道: 不可奸淫,不可殺人,不可偷盜,不可作假見證;應孝敬你的父母。」
21 At sinabi niya, Ginanap ko ang lahat ng mga bagay na ito buhat pa sa aking pagkabata.
那人說:「這一切我自幼就都遵守了。」
22 At nang marinig ito ni Jesus, ay sinabi niya sa kaniya, Isang bagay pa ang kulang sa iyo: ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik, at ipamahagi mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.
耶穌聽後,便向他說: 「你還缺少一樣: 把你一切所有的都變賣了,施捨給窮人,你必有寶藏在天上,然後來跟隨我! 」
23 Datapuwa't nang marinig niya ang mga bagay na ito, siya'y namanglaw na lubha; sapagka't siya'y totoong mayaman.
那人聽了這話,異常悲傷,因為他是個很富有的人。
24 At sa pagmamasid sa kaniya ni Jesus ay sinabi, Pagkahiraphirap na makapasok sa kaharian ng Dios ang mga may kayamanan!
耶穌見他如此,便說:「那些有錢財的人,進入天主的國是多麼難啊!
25 Sapagka't magaan pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Dios.
駱駝穿過針孔比富有的人進入天主的國還容易。」
26 At sinabi ng mga nakarinig nito, Sino nga kaya ang makaliligtas?
聽眾遂說:「這樣,誰還能得救呢﹖」
27 Datapuwa't sinabi niya, Ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios.
耶穌說:「在人所不能的,在天主是可能的。」
28 At sinabi ni Pedro, Narito, iniwan namin ang aming sarili, at nagsisunod sa iyo.
伯多祿說:「看,我們捨棄了我們的一切所有,跟隨了你! 」
29 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Dios,
耶穌向他們說:「我實在告訴你們:人為了天主的國捨棄了房屋、或妻子、或父母、或子女,
30 Na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito, at sa sanglibutang darating, ng walang hanggang buhay. (aiōn , aiōnios )
沒有不在今世獲得多倍,而在來世獲得永生的。」 (aiōn , aiōnios )
31 At isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao.
耶穌把那十二人帶到一邊,對他們說:「看! 我們上耶路撒冷去,凡藉先知所寫的一切,都要成在人子身上:
32 Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan.
祂要被交於外邦人,要受戲弄、侮辱及唾污。
33 At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya.
人在鞭打祂之後,還要殺害祂;但第三天祂要復活。」
34 At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi.
這些話他們一點也不懂,這話為他們是隱祕的;祂所說的事他們也不明白。
35 At nangyari, na nang nalalapit na sila sa Jerico, isang bulag ay nakaupo sa tabi ng daan na nagpapalimos:
耶穌將近耶里哥時,有一個瞎子坐在路旁討飯,
36 At pagkarinig na nagdaraan ang maraming tao, ay itinanong niya kung ano ang ibig sabihin noon.
聽見群眾路過,便查問是什麼事。
37 At sinabi nila sa kaniya, na nagdaraan si Jesus na taga Nazaret.
有人告訴他:是納匝肋人耶穌經過。
38 At siya'y nagsisigaw, na sinasabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.
他便喊叫說:「耶穌,達味之子,可憐我罷!」
39 At siya'y sinaway ng nangasa unahan, upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong nagsisigaw, Ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin.
前面走的人就責斥他,叫他不要出聲;但他越發喊叫說:「達味之子,可憐我罷!」
40 At si Jesus ay tumigil, at ipinagutos na dalhin siya sa kaniya: at nang mailapit siya, ay itinanong niya sa kaniya,
耶穌站住,叫人把他帶到自己跟前來;當他來近時,耶穌問說:
41 Anong ibig mo na sa iyo'y gawin ko? At sinabi niya, Panginoon, na tanggapin ko ang aking paningin.
「你願意我給你做什麼﹖」他說:「主,叫我看見。」
42 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Tanggapin mo ang iyong paningin: pinagaling ka ng pananampalataya mo.
耶穌給他說:「你看見罷!你的信德救了你。」
43 At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin, at sumunod sa kaniya, na niluluwalhati ang Dios: at pagkakita nito ng buong bayan, ay nangagpuri sa Dios.
他立刻看見了,遂跟隨著耶穌,光榮天主。所有的百姓見了,也都頌揚天主。