< Levitico 20 >

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
And Yahweh spake unto Moses, saying:
2 Bukod dito'y sasabihin mo rin sa mga anak ni Israel, Sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa Israel, na magbigay ng kaniyang binhi kay Moloch; ay papataying walang pagsala; siya'y babatuhin ng mga bato ng mga tao ng lupain.
Unto the sons of Israel, therefore shalt thou say, What man soever, there may be of the sons of Israel, or of the sojourners that sojourn in Israel, that giveth of his seed unto Molech, he shall, surely be put to death, —the people of the land shall stone him with stones;
3 Akin ding itititig ang aking mukha laban sa taong yaon, at akin siyang ihihiwalay sa kaniyang bayan: sapagka't binigyan niya ng kaniyang binhi si Moloch, upang ihawa ang aking santuario, at lapastanganin ang aking banal na pangalan.
I, also, will set my face against that man, and will cut him off out of the midst of his people, —because of his seed, hath he given unto Molech, seeing that he hath made unclean my sanctuary, even to the extent of profaning my holy name.
4 At kung ilingid ng bayan sa lupain sa paraang anoman ang kanilang mga mata sa taong yaon, pagka nagbibigay ng kaniyang binhi kay Moloch, at hindi papatayin:
But, if the people of the land, do even hide, their eyes from that man, when he giveth of his seed unto Molech, —so as not to put him to death,
5 Ay itititig ko nga ang aking mukha laban sa taong yaon, at laban sa kaniyang sangbahayan, at ihihiwalay ko sa kanilang bayan, siya at lahat ng manalig na sumunod sa kaniya, na nanalig kay Moloch.
then will I myself, set my face against that man, and against his family, —and will cut him off, and all that follow unchastely after him—in going unchastely after Molech—out of the midst of their people.
6 At ang taong magbalik sa inaalihan ng masamang espiritu at sa mga mangkukulam, upang manalig sa mga yaon ay itititig ko ang aking mukha laban sa taong yaon, at ihihiwalay ko siya sa kaniyang bayan.
The person also that turneth unto mediums and unto oracles, in going unchastely after them, then will I set my face against that person, and will cut him off out of the midst of his people.
7 Magpakabanal nga kayo at kayo'y maging banal; sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
Therefore shall ye hallow yourselves and be holy, —Because I—Yahweh, am your God.
8 At iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan, at inyong isasagawa: ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo.
Therefore shall ye observe my statutes, and do them, —I—Yahweh, am he that is hallowing you.
9 Sapagka't bawa't isa na lumalait sa kaniyang ama o sa kaniyang ina ay papatayin na walang pagsala: kaniyang nilait ang kaniyang ama o ang kaniyang ina: mabububo ang kaniyang dugo sa kaniya.
When, any man whatsoever, curseth his father or his mother, he shall surely be put to death, —his father or his mother, hath he cursed, his blood, shall be upon himself.
10 Ang lalake na mangalunya sa asawa ng iba, sa makatuwid baga'y yaong mangalunya sa asawa ng kaniyang kapuwa, ay papatayin na walang pagsala ang nangangalunya at ang napakalunya.
And, any man, who committeth adultery with the wife of any other man, he that committeth adultery with the wife of his neighbour shall surely be put to death—the adulterer, and the adulteress.
11 At ang lalaking sumiping sa asawa ng kaniyang ama, ay kahubaran ng kaniyang ama ang kaniyang inilitaw: kapuwa sila papatayin na walang pagsala; mabububo ang dugo nila sa kanila.
And any man who lieth with his father’s wife, the shame of his father, hath uncovered, —they both shall, surely be put to death—their blood shall be upon themselves.
12 At kung ang isang lalake ay sumiping sa kaniyang manugang, ay kapuwa sila papatayin; sila'y gumawa ng kahalayhalay; mabububo ang kanilang dugo sa kanila.
And any man who lieth with his daughter-in-law, they both shall, surely be put to death, confusion, have they wrought—their blood shall be upon themselves.
13 At kung ang isang lalake ay sumiping sa kapuwa lalake, na gaya ng pagsiping sa babae: ay kapuwa sila nagkasala ng karumaldumal: sila'y papatayin na walang pagsala: mabububo ang kanilang dugo sa kanila.
And any man who lieth with mankind as with womankind, an abomination, have both of them wrought, —they shall, surely be put to death, —their blood, shall be upon themselves.
14 At kung ang isang lalake ay magasawa sa isang babae at sa kaniyang ina, ay kasamaan; susunugin sa apoy kapuwa siya at sila; upang huwag magkaroon ng kasamaan sa inyo.
And, any man, who taketh a woman and her mother, wickedness, it is, —in fire, shall both he and they be consumed, that wickedness be not in your midst.
15 At kung ang isang lalake ay makiapid sa hayop, ay papatayin na walang pagsala: at papatayin din ninyo ang hayop.
And, any man, who hath carnal knowledge of a beast, shall, surely be put to death, —and, the beast, shall ye slay.
16 At kung ang isang babae ay lumapit sa alin mang hayop at pasiping ay papatayin mo ang babae at ang hayop: sila'y papatayin na walang pagsala; mabububo ang kanilang dugo sa kanila.
And, a woman, who approacheth unto any beast, to couch down thereto, then shalt thou slay the woman and the beast, —they shall surely be put to death, —their blood, shall be upon themselves.
17 At kung kunin ng isang lalake ang kaniyang kapatid na babae, na anak ng kaniyang ama o anak ng kaniyang ina, at kaniyang makita ang kaniyang kahubaran, at makita ng babae ang kahubaran niya: ay bagay na kahalayhalay nga; at sila'y ihihiwalay sa paningin ng mga anak ng kanilang bayan: ang kahubaran ng kaniyang kapatid na babae ay inilitaw niya; kaniyang tataglayin ang kasamaan niya.
And, any man, who taketh his sister—his father’s daughter or his mother’s daughter, and vieweth her shame, and, she, vieweth his shame, a disgrace, it is, —they shall therefore be cut off in the sight of the sons of their people, —the shame of his sister, hath he uncovered—his iniquity, shall he bear.
18 At kung ang isang lalake ay sumiping sa isang babaing may karumalan, at ilitaw ang kahubaran niya; ay kaniyang hinubdan ang agas niya, at siya naman ay lumitaw ng agas ng kaniyang dugo: at sila'y kapuwa ihihiwalay sa kanilang bayan.
And, any man, who lieth with a woman having her sickness, and uncovereth her shame, her fountain, hath he exposed, she, also hath uncovered her fountain of blood, —they shall therefore both be cut off out of the midst of their people.
19 At huwag mong ililitaw ang kahubaran ng kapatid na babae ng iyong ina, ni ng kapatid na babae ng iyong ama: sapagka't hinubdan niya ang kaniyang kamaganak na malapit: kapuwa magtataglay ng kanilang kasamaan.
And the shame of thy mother’s sister, or of thy father’s sister, shalt thou not uncover, —for his near of kin, hath he exposed—their iniquity, shall they bear.
20 At kung ang isang lalake ay sumiping sa asawa ng kaniyang amain ay kaniyang inilitaw ang kahubaran ng kaniyang amain: tataglayin nila ang kanilang kasalanan; mamamatay silang walang anak.
And, any man, who lieth with his uncle’s wife, the shame of his uncle, hath he uncovered, —their sin, shall they bear—childless, shall they die.
21 At kung ang isang lalake ay makisama sa asawa ng kaniyang kapatid na lalake, ay kahalayan: kaniyang inilitaw ang kahubaran ng kaniyang kapatid na lalake; mabubuhay silang walang anak.
And, any man, who taketh his brother’s wife, impurity, it is, —the shame of his brother, hath he uncovered—childless, shall they remain.
22 Ingatan nga ninyo ang lahat ng aking mga palatuntunan at ang lahat ng aking mga kahatulan, at inyong isasagawa: upang huwag kayong iluwa ng lupain na aking pinagdadalhan sa inyo na inyong tatahanan.
Therefore shall ye observe all my statutes and all my regulations, and do them, —So shall the land whereinto I am bringing you to dwell therein, not vomit you forth;
23 At huwag kayong lalakad ng ayon sa mga kaugalian ng mga bansang aking palalayasin sa harap ninyo: sapagka't ang lahat ng kasamaang ito ay ginawa nila, at kaya ko kinapopootan.
So shall ye not walk in the—statutes of the nations, which I am casting out from before you, —For all these things, had they done, Therefore I abhorred them;
24 Datapuwa't sa inyo'y aking sinabi, Mamanahin ninyo ang lupain nila, at ibibigay ko sa inyo upang inyong manahin, na isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot: ako ang Panginoon ninyong Dios na ibinukod ko kayo sa mga bayan.
And said unto you—Ye, shall possess their soil, Yea, I myself, will give it you to possess it, A land flowing with milk and honey, —I—Yahweh, am your God, who have distinguished you from the peoples;
25 Inyo ngang lalagyan ng pagkakaiba ang hayop na malinis at ang karumaldumal, at ang ibong karumaldumal at ang malinis: at huwag ninyong gagawing karumaldumal ang inyong pagkatao, sa hayop o sa ibon, o sa anomang bagay na umuusad sa lupa, na inihiwalay ko sa inyo palibhasa'y mga karumaldumal.
Therefore shall ye make a distinction—Between the clean beasts, and the unclean, —And between the unclean birds and the clean, —So shall ye not make your persons abominable with beast, or with bird or with anything which creepeth upon the ground, which I have distinguished for you, as unclean.
26 At kayo'y magpapakabanal sa akin: sapagka't akong, Panginoon, ay banal, at kayo'y ibinukod ko sa mga bayan, upang kayo'y maging akin.
Therefore shall ye be unto me, holy persons, for, holy, am, I—Yahweh, —Therefore have I distinguished you from the peoples, that ye may be mine.
27 Ang isang lalake rin naman o kaya'y ang isang babae na inaalihan ng masamang espiritu, o mangkukulam, ay papatayin na walang pagsala, sila'y babatuhin ng mga bato: mabububo ang kanilang dugo sa kanila.
And as touching man or woman, when there shall be in them a familiar spirit, or the spirit of an oracle, they shall, surely be put to death, —with stones, shall they be stoned—their blood, shall be upon themselves.

< Levitico 20 >